MATAPOS ang isang linggong paghahanap, sa wakas ay natagpuan din ni Scent ang tatlong mga babae na siyang tutulong sa kaniya upang maisakatuparan ang isang misyon. Ang misyon na talunin si Aldrex at ang mga kaibigan nitong taga PCA.
"Val, Happy and Celine, right?" sambit niya sa pangalan ng mga babaeng nakatayo sa harapan nila ni Thea. Tinipon niya ang mga ito sa likod ng school upang ipahayag ang tungkol sa kaniyang plano. "Salamat at pumayag kayong makipag-usap sa amin. May importanteng bagay ako na sasabihin sa inyo."
"Bakit, Miss transferee? Ano bang kailangan mo sa'min?" kuwestiyon ng boyish na si Val habang walang habas na nangungulangot.
"Stop it, Val! Don't make kulangot here! You like a pig. Eeew! Yuck!" Halos masuka na ang engliserang si Celine sa sobrang pandidiri.
"Ang gulo talaga ng dalawang ito." Swabeng hinawi ni cool girl Happy ang buhok nito saka siya binalingan. "Girl, ano bang sasabihin mo sa amin?"
Bago sumagot ay kinuha muna ni Scent ang dalang mga papel ni Thea. Naglalaman iyon ng mga nakalap nilang impormasyon tungkol sa tatlo sa iyon binasa ng malakas.
"Valerica Santos. Sixteen years old. Fourth year, section thirteen. Height, one hundred sixty-eight centimeters. Weight, fifty kilos. May pagka-boyish at magaling mag-basketball. Balita ko ay kayang-kaya mong makipagsabayan sa mga lalaki pagdating sa larong basketball."
"Tama ka, ano ngayon?"
"Do you want to lead a basketball team?"
"Oo naman, bakit hindi."
"Then from now on Val, you will be the Captain of the Gulugod National High School Basketball Club," proklama niya na parang bang siya ang batas sa kanilang school. Hindi na siya naghintay pa ng sagot at agad binasa ang profile ni Happy.
"Happy Joy Romero..."
Ang cute naman ng name niya. Tuwang-tuwa siguro ang parents niya no'ng lumabas siya sa mundong ito, Happy na Joy pa. Ang saya!
"Sixteen. Height, one hundred sixty-three centimeters. Weight, fourty six kilos. Energetic at magaling sumayaw. If ever, kaya mo ba na maging isang cheerleader?"
"Cheerleader? 'Yon ba 'yong nakasuot ng maiiksing palda at may hawak na pompoms? 'Tapos tumatambling-tambling sa ere, 'tapos hinahagis-hagis at sinasalo-salo ng mga kasama niya?" Kumikislap pa ang mga mata nito habang nagpaliwanag.
"Exactly."
"Oo kaya ko 'yon. Pangarap ko kayang makasali sa gano'n."
Lumapad ang ngiti ni Scent. Mabuti naman at mukhang interesado siya. Well, halata naman sa way pa lang ng pagsagot niya.
"Then from now on ikaw na Happy ang Gulugod National High School Cheerdance Captain."
Sunod naman niyang inusisa ay si Celine. "Celine Ordoñez. Sixteen. Fourth year, section thirteen. Height, one hundred sixty-nine centimeters. Weight, fourty eight kilos. Nagtataglay ng golden voice at magaling kumanta. From now on, ikaw na ang leader ng Gulugod National High School Glee Club."
"What is Glee club?" tanong ni Celine.
"Singing club iyon, Celine," sagot ni Thea.
"Ah, singing? I'm the leader? Okay, okay, I like that." Nag-thumbs up pa ito bilang pagpayag.
"So, si Val ang bahala sa Basketball, si Happy sa Cheerdance, si Celine sa Glee Club at ako naman..." Umayos siya ng tayo. "Let me introduce myself again. My name is Milliscent Delgado, seventeen years old. Fourth year, section thirteen. One hundred sixty-eight centimeters tall. Fourty eight kilos. From now on ay ako na ang magiging presidente ng ang Gulugod National High School Math Club!"
BINABASA MO ANG
The Versus Story
Teen Fiction(ON-GOING/EDITING) Private School vs. Public School Rich vs. Poor Famous vs. Nobody Boys vs. Girls Who will win? THE VERSUS STORY All Rights Reserved Copyright 2017 cover by @jeyvinica