"NUMBER TWO! Number two! Palagi na lang number two! Nakakainis na!" ito ang frustrated na sigaw ni Scent habang papasok ng kaniyang kuwarto. Lumabas na kasi ang resulta ng overall class standing kung saan bumagsak na naman siya sa pagiging rank number two. Buhat no'ng tumuntong ng high school ay never pa niyang na-achieve ang pinapangarap na number one spot na sa kasamaang palad ay laging napupunta sa rival enemy niyang si Aldrex.
Ang isa pang ikinasasama ng loob niya ay ang lalaking iyon din ang napili bilang Math Club President next school year. Dahil ga-graduate na ang kasalukuyang president ay napagpasiyahan ng mga members na magbotohan para malaman kung sino ang dapat ipalit dito. Aldrex got the highest votes, and her? As always, she landed on the second place.
Ayoko na, ayoko ng maging rank number two!
"Sis, ano na namang drama 'yan?" tanong ng kakambal niyang si Rick na sinundan pala siya sa kuwarto. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sanay na pang number two ka? Hahahaha!"
"Puwede ba, Rick. Kung aasarin mo lang din naman ako, mas mabuti pang lumayas ka na!" bulyaw niya rito saka inis na sumalampak sa kama.
Sunod na dumating ang best friend niyang si Thea. "Magtigil ka nga Rick, ang hilig mo talagang asarin ang kapatid mo." Dumiretso ito sa may closet upang ilagay doon ang mga nalabhan na niyang mga damit.
Si Thea ay anak ng matagal na nilang kasambahay at driver. Kasabay nila itong lumaki sa bahay at kung ituring niya ay parang kapatid na. Lagi siya nitong ipinagtatanggol kapag inaasar siya ng makulit niyang kakambal.
"Ang sarap kasi niya asarin eh," nakangising sagot ni Rick. "Thea, hulaan mo kung pang-ilan siya sa class ranking?"
"Buwisit ka talaga, Rick! Lumayas ka nga dito!' Sa inis ay binato niya ito ng unan.
"Number two ka ba ulit, Scent?" tanong ni Thea at malungkot naman siyang tumango bilang tugon. "At number one ulit si Aldrex?"
"Tumpak!" Binalingan ni Rick si Scent para asarin. "Alam mo Scent, tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan na kahit kailan ay hindi mo matatalo si Drex."
"Sabi nang tumigil ka na eh! Stressed na nga si Scent, 'tapos dumagdag ka pa ng pang-aasar diyan," sabi ni Thea na tanging nakakaintindi ng nararamdaman niya. "Okay lang 'yan Scent, huwag mong masyadong isipin ang rank-rank na 'yan. Ang mabuti pa, ipagluluto kita ng pancake. Kumain ka, para mawala ang stress mo."
Napangiti si Scent sa narinig. Alam talaga ni bessy kung paano ako pakakalmahin.
"Damihan mo ah, penge ako," hirit ni Rick. Palibhasa mukha siyang pagkain.
"Basta ba hindi mo na aaasarin si Scent, eh," sabi ni Thea bago tuluyang lumabas ng silid.
Habang naghihintay sa pancake ay nag-log in muna si Scent sa kaniyang Facebook account. Naglaho na sana ang inis niya pero bigla itong bumalik nang mabungaran ang live stream ni Aldrex.
"Thank you sa lahat ng nagtiwala at bumoto sa akin to be the next Math Club President. I promise to do my best so that our PCA Math club will remain on the top spot."
Dumagsa ang mga live comments and reactions. Binabasa iyon ni Aldrex at sinusundan agad ng response. Unang-una na doon ay ang comment ng mga kaibigan nito.
Nicolo Cristobal: Congrats bro, you deserve it.
"Thanks Nico. And congrats din sa'yo, 'di ba ikaw na ang captain ng Cheerdance Club?"
Nicolo Cristobal: Ya!
Justin Alcantara: Huwag niyo 'kong kalimutan mga bro. Starting next year I will lead our Glee Club. Excited na 'ko.
"Oo nga pala, congrats sa'yo, Justin"
Justin Alcantara: Thanks bro, congrats din sa'yo.
Pierce Alex Javier: Anong kaguluhan 'to?
"Wala naman Pierce, nagpapasalamat lang ako. Nga pala, congratulations and good luck sa pagiging captain ng Basketball Club. Pagbutihin mo, pare para champion tayo ulit next year."
Pierce Alex Javier: 😂
"Next year sobrang magiging busy na tayo sa pagli-lead ng mga club natin. So, good luck to all of us."
Nicolo Cristobal: Ano nga palang reaction ni Scent nong ikaw na ang President ng Math Club? Siguro inis na inis 'no?
Justin Alcantara: Malamang inis 'yon. Noon pa niya pangarap maging Math Club president eh. Kawawa naman, siguro nagmumukmok na 'yon sa bahay nila. Rank number two na naman kasi siya eh. Hahahaha!
"Hahaha!"
Muntik nang maibato ni Scent ang hawak na cell phone dahil sa galit.
Ang mga walang hiya! Tinalo pa nila ang mga babae kung magkipag-chismisan online.
Hindi pa natapos doon ang lahat nang humabol sa pagko-comment ang kaniya mismong kakambal.
Maverick Delgado: Tama kayo mga bro. Inis na inis na si Twin. Hindi na nga maipinta ang mukha eh. Ikaw kasi Drex sana kahit minsan pagbigyan mo naman siya. Hahahaha.
Oh 'di ba? Pati ang magaling niyang kakambal ay nakisali na rin sa pangbu-bully sa kaniya.
Nicolo Cristobal: Hahaha.
Justin Alcantara: Better luck next year Scent. Ay! Last chance na pala 'yong next year. Sa college na lang siya bawi. Hahahaha.
Pierce Alex Javier: Tama na mga bro, baka umiyak 'yan.
"Oo nga, tama na 'yan guys. Huwag niyo nang inisin si Scent. Tandaan niyo, ako lang ang may karapatang mambuwisit sa kanya. Hahahaha. Scent congratulations nga pala for being rank number two. You deserve it talaga eh. Hahahahaha!"
This time ay hindi na siya nakapagtiis at tuluyan na niyang naihagis ang cell phone niya kung saan.
"NAKAKAINIS! ANG YAYABANG NINYONG APAT! ANO NGAYON KUNG KAYO NA ANG LEADER NG NG CLUB NIYO?! IBIG SABIHIN BA NO'N AY MAY KARAPATAN NA KAYONG PAGTAWANAN AKO ONLINE! LALONG LALO KA NA ALDREX GUZMAN KA! NAPAKAYABANG MO! I HATE YOU!!!!"
Pagkatapos magsisigaw at maglabas ng sama ng loob ay bigla siyang napatingin kay Rick na hindi niya namalayang vini-video na pala siya.
"Sige kambal, ilabas mo ang galit mo. Anong message mo sa'yong mga bashers?" ala Mr. Mike Enriquez na tanong ni Rick habang nakatutok sa kaniya ang camera ng cell phone nito. "Live tayong napapanood ngayon sa Facebook."
Sinamantala ni Scent ang pagkakataong ito para sagutin ang mayabang niyang mga bashers. Nag-ayos siya ng sarili bago humarap sa camera at nagsalita.
"Attention sa mga mayayabang diyan na ang mga pangalan ay Justin, Nico, Pierce at lalong lalo ka na Aldrex. Isama niyo na rin itong sintu-sintu kong kakambal na si Rick..."
"Teka, bakit pati ako?"
"Shut up ka diyan, okay!" She has no choice kundi idamay si Rick sapagkat isa ang kakambal niya sa mga malapit na kaibigan ni Aldrex. She faced the camera again. "So feeling niyo ang galing niyo na porque kayo ang leader ng mga club niyo? Pero ano naman kayang silbi no'n kung matatalo naman kayo sa mga competition. Itong tatandaan niyo, gagawin ko ang lahat para matalo kayo. Kaya kung ako sa inyo, ngayon pa lang ay umpisahan niyo na ang paghahanda sa mga competition kung ayaw niyong umuwing luhaan. At ikaw Aldrex, sige solohin mo na 'yang Math Club mong 'yan dahil iyong-iyo na 'yan. Next year, lilipat na ako ng school. Hindi para takasan ka, ha. Naisip ko lang kasi, 'di mas exciting kung nasa magkaibang school tayo? Para naman magkaroon ng chance na magkaharap tayo sa competition. At nang sa gayon ay magkaalaman na kung sino talaga sa atin ang mas magaling. Magpakasaya na kayong lahat diyan sa posisyon niyo. Dahil sisiguraduhin kong magiging malas ang next school year para sa inyong lahat. Cause I will bring your basketball, cheerdance, glee and your math club down!"
Pagkatapos ng mapanghamong salita ay hinawi ng kamay niya ang cell phone ni Rick at dito na natapos ang live show.
"Scent, lilipat ka ng school?" tanong ni Rick na halatang nagulat sa kaniyang sinabi.
"Oo, lilipat na ako ng school. Ayoko nang makasama sa isang school 'yang mga kaibigan mo. Lalo na 'yang mayabang na si Aldrex na akala mo kung sino. Humanda sila, dahil hahanap ako ng magaling squad at tatalunin namin sila!"
BINABASA MO ANG
The Versus Story
Novela Juvenil(ON-GOING/EDITING) Private School vs. Public School Rich vs. Poor Famous vs. Nobody Boys vs. Girls Who will win? THE VERSUS STORY All Rights Reserved Copyright 2017 cover by @jeyvinica