Chapter 4

8.5K 340 21
                                    

HINDI na nag-aksaya pa ng panahon si Scent at ang kaniyang squad. Mabilis silang kumilos upang mag-recruit ng mga magiging club members.

Libangan na raw talaga ng mga estudyante sa Gulugod ang larong basketball. Kung kaya't hindi nahirapan si Val na makakuha ng twelve members for her basketball team, kabilang doon ay sina na Lloyd, Joker at Bleach.

Tatlumpu't limang miyembro naman ang agad na na-recruit ni Happy sa cheering squad nito, kung saan sampu doon ay mga lalaki. Samantala ay si Venus naman ang naging vice captain.

Sinunod naman ni Celine ang suggestion ni Thea na magpa-audition upang makakuha ng glee club members. Fifteen golden voices ang pinalad na makapasa sa audition, including Chelsea and Zia.

Hindi rin nagpahuli Scent dahil maging siya ay nakahanap din ng anim na matinik na estudyante na isinali niya sa Math Club.

Dahil dito ay opisyal nang nabuo ang apat na club sa Gulugod National High School. Nag-general assembly sila sa harap ng stage sa pangunguna ni Scent.

"Hello guys, kumusta kayo? Okay ba kayo diyan?" masayang bati niya gamit ang mic. Sumigaw naman ng malakas ang mga ito bilang tugon. "Before anything else, magpapakilala muna ako. My name si Milliscent Delgado. Scent for short. I am the class president of fourth year section thirteen. Bukod doon ay ako rin ang presidente ng student council at presidente ng Math Club."

Hindi naman sa gahaman siya sa kapangyarihan. Nakuha niya ang mga nasabing posisyon dahil kusa itong ibinigay sa kaniya ng mga kapwa niya mag-aaral at wala ng eleksyong naganap.

"I want to thank all of you sa pagsali ninyo sa mga bagong tatag lang na club dito sa Gulugod. Wala po kayong ibang gagawin kundi ang ipakita ang mga kakayahan ninyo, be it on basketball, dancing, singing or solving math problems. Alam kong hindi niyo pa ne-experience kahit kailan ang sumabak sa completion against other schools. Well, ngayon na ang tamang panahon para maranasan 'yon. This is the time para ipakilala sa lahat ang totoong pangalan ng eskuwelahan natin. That this is our beloved Gulugod National High School, na hindi ito basta-bastang school lang sa tapat ng PCA," malinaw at masigasig na pananalita ni Scent habang matamang nakikinig sa kaniya ang lahat.

"Speaking of PCA, sila nga pala ang tiyak na magiging mahigpit na kalaban ng sinumang school dito sa distrito natin. Hawak nila ang kasalukuyang championship sa Basketball, Cheerdance, Glee at Math competition. Kung gusto nating mamayagpag ang Gulugod ay kailangan natin silang talunin. Makakaasa ba ako na gagawin niyo ang lahat para matalo sila?" tanong niya at sumagot naman ang mga ito sa pamamagitan ng hiyaw na may buong kumpiyansa. Maya-maya ay sinenyasan niya ang nakatayo sa likod na si Thea. Dala ang cell phone ay lumapit ito at kinunan siya ng video habang nagsasalita.

"Hi PCA! It's me, Scent. First of all, I want to let you all know that I am now a student of Gulugod National High School. Itong school na nasa tapat ng sa inyo. Second, I want to make a shout out to Mr. Aldrex Guzman. Aldrex, kung ako sa'yo ay i-review mo na ng maigi ang buong math club mo para naman magkaroon ng chance na makaharap niyo ang Math club ko sa finals ng Math competition. And to you Mr. Pierce, Nico and Justin, I'd like you to meet the leaders of Basketball, Cheerdance and Glee club. Your rivals."

On cue ay si Val naman ang nagsalita sa harap ng camera. "Yo! Wazzup guys! Ako nga pala Val, ang captain ng Gulugod National High School Basketball club. Oo, babae ako. Eh, ano ngayon? Wala akong pakialam kung lalaki ka, itong tandaan mo... The one who controls the rebound, controls the game! Kung galing lang sa larong basketball ang pag-uusapan ay puwede akong ihalintulad kay Akagi ng Shohoku Team. Maaring hindi niyo pa kami kilala pero sisiguraduhin ko na ang team namin ang magiging number one sa Japan!"

Humanga si Scent sa girl power na ipinapakita ni Val.

Ano kaya ang masasabi ni Pierce tungkol dito? Magaling siya pagdating sa mga babae because he's a Casanova. Ang tanong, makaya niya kaya si Val?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Versus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon