Chapter 3

9K 347 23
                                    

MAINGAY at magulong mga estudyante ang bumungad kay Scent pagpasok nila ng classroom.

"Anak nang tokwa oh, kaklase na naman kita! Sawang-sawa na 'ko sa pagmumukha mo eh," reklamo ng isang guy na agad namang binalingan ni Scent ng tingin. Tumaas na lang ang kilay niya nang makita ang messy nitong buhok na halatang hindi man lang nagsuklay.

O baka naman 'yan na ang usong hairstyle ngayon. Hindi lang ako aware.

"G*go ka pala eh! Tinanong mo ba ako kung gusto kitang maging ka-klase? Kung sawa ka na sa mukha ko, mas sawa na 'ko sa mukha mo, g*go!" ang sagot naman no'ng lalaki na gusot ang polo.

Kumunot naman ang kilay niya. 'Yung isa,hindi nagsuklay. Ito naman hindii nag-plantsa ng damit. Sayang, pareho pa naman silang cute.

"Classmates, adviser daw natin si panot! Jusko! Napaka-terror pa naman ng teacher na 'yon. Paano na ang kagandahan ko niyan?" litanya ni girl na kanina pa selfie ng selfie.

Kagandahan daw? Sinipat ni Scent ng tingin ang nasabing girl na mahilig mag-selfie. Kung sa bagay, pretty naman talaga siya.

"Malas kasi ang section na 'to eh, section thirteen," bigkas no'ng babaeng chubby na ang aga-aga pa ay nagre-recess na. Kumakain kasi ito ng banana que.

Tama ka diyan, girl. Malas talaga ang numero trese. Pag-sangayon ng utak niya.

"Penge ako, taba!" sabi ng katabi nitong girl na super skinny.

"Tsk, sige na nga. Kawawa ka naman, payat." at pintutol ni chubby girl ang banana que stick at binigay ang kalahati doon kay skinny girl.

Aw ang sweet. Sa isip lang uli 'yon ni Scent.

"Beh, ganda ng bag mo ah patingin nga." Kinuha ni selfie girl ang bag niya at isinukbit sa balikat nito. "Magkano ang bili mo dito?" Bilang sagot ay itinaas niya ang kamay na parang nakikipag-high five. "Singkuwenta lang 'to? Talaga? Saan mo nabili at ng makabili rin ako."

"Hindi 'yan singkuwenta. Five thousand ang bili ko diyan."

"Five thousand?" Nag-smirk ito na halatang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Can I have it back?" tukoy niya sa bag na hawak pa rin no'ng babae.

"Okay fine, ayan na ang ginto mong bag." Inalis nito ang bag sa balikat at ibinalik sa kaniya.

"Thanks,"

"Miss, bago ka dito, 'no?" Isang guy na may hitsura ang nagtanong.

Hindi naman agad nakasagot si Scent dahil naging abala siya sa pagtingin sa nasabing guy. Sa lahat ng mga lalaki sa loob ng classroom nila ay mukhang ito lang ang maayos, mula buhok, pananamit hanggang sa hitsura.

"Miss?"

"Yeah, kaka-transfer ko lang." sa wakas ay sagot niya.

"Saang school ka galing?"

"Sa PCA."

"Saan?" si selfie girl.

"Sa PCA."

"Saan ulit?" ulit nito.

"Ang sabi ko, galing ako sa PCA. Galing ako sa Prince Charles Academy. 'Yong school diyan sa tapat.

Bigla natahimik ang lahat na para bang may dumaang anghel. May nakakagulat ba sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman sa na galing ako ng PCA,ah. Bakit natulala sila?

"Sa PCA ka galing?" si chubby girl.

"Ibig sabihin may mga babae din pala doon." Said the guy with messy hair. "Ang akala namin ay mga lalaki lang ang nag-aaral doon, Prince Charles kasi eh."

The Versus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon