Chapter 2

9.7K 372 13
                                    

"MOM, Dad I want to transfer school po," magalang na sinabi ni Scent sa parents niya habang sila ay naghahapunan. Nagulat ang mga ito at sabay na napatingin sa kaniya.

"But baby graduating ka na next year, why transfer school?" tanong ni Mommy Michelle.

"Because she's tired of being rank number two," pag-epal ni twin brother. Inirapan niya ito ng bongga.

"Is Aldrex still on the top spot?" ang Daddy Melvin naman niya ito.

"Yes Dad, he will probably the class valedictorian next year." sagot ni Rick.

"That's what I like about him. Mayabang na may ipagyayabang," todo puri ng Daddy niya sa karibal. "What about you son? May rank ka din ba?"

"Rank sa ML lang po ang meron siya," siya naman ang umepal sa kapatid.

Ngumuso ito sa kaniya bago sumagot sa kanilang Daddy. "Okay po ang grades ko, Dad. Hindi man kasing taas ng kay Drex pero hindi rin naman siya gano'n kababa and I'm happy with that. Hindi katulad ni Scent na hindi marunong makuntento. Ano bang masama sa pagiging rank number two?"

"Kahit ano pang sabihin mo diyan, my decision is final. I'll be transferring school next year," giit ni Scent.

Pagkatapos kong i-announce ang desisyon na 'yon ng live ay dapat lang na panindigan ko. Hindi na puwedeng umatras pa.

"But where do you plan to transfer, dear?" tanong ni Mommy.

Dahil sa biglaang desisyon ay hindi pa niya iyon napag-isipan.

Saang school nga ba ako lilipat?

"Dapat, doon sa school na malapit lang sa PCA para hindi mahirapan sa paghatid-sundo sa'tin si Kuya Dindo," suggestion ni Rick. Ang tinutukoy nito na Kuya Dindo ay ang personal driver nilang magkapatid na siya ring ama ni Thea. "Alam ko na sis, doon ka na lang sa school nina Thea lumipat. 'Yong school sa tapat ng PCA. What is the name of that school again? Ang alam ko ay public school 'yon eh. Pero huwag ka nang mag-inarte, sis. At least makakasama mo doon si Thea."

Agad niyang nagustuhan ang suggestion na iyon ng kapatid.

Salamat naman at minsan sa buhay ni Rick ay may nasabi din siyang maganda.

---

Gulugod National High School.

Walang pakialam si Scent kahit na medyo mabantot pakinggan ang pangalan ng bagong school na papasukan niya. She transferred to that school to fulfill a very important mission and that is to defeat Aldrex and his gang.

"Are you kidding me? You are putting us to the last section?" paghuhurumentado ni Scent sa loob ng Principal's office kaharap ang balbas saradong principal na si Mr. Luke Fernandez.

Guwapo sana ito kaya lang ay mukhang takot sa shaver. Nagmukha itong oldie dahil sa malago nitong balbas.

"Scent, huwag ka nang mag-reklamo, okay na 'yon," mahinahong sambit ng kasama niyang si Thea.

"Sir, baka hindi niyo ako kilala. My name is Milliscent Delgado, last year ay ako lang naman ang rank number two diyan sa Prince Charles Academy. Which means, ubod ako ng talino. Tapos ilalagay niyo ako sa last section. At sa malas na numero pa, section thirteen. Dapat sa section one kami ilagay. Ngayon din ay ilipat niyo ang names namin sa roster ng section one," matapang na pagde-demand niya kay Principal Balbas.

Like duh! Ang ganda at ang talino namin ni bessy, 'tapos itatapon lang kami sa pinaka-kulelat na section. No way!

Sa halip na ma-intimidate si Mr. Principal ay napangisi pa ito. "Rank number two ka kamo sa Prince Charles Academy? Buwahahahahaha!" Nagulat siya ng bigla itong tumawa ng malakas.

The Versus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon