Pilyo #1

688 14 9
                                    

Pilyo #1

"Pil, ano ng gagawin ko? Tangina kasi! Hindi ko sinasadyang mabuntis siya!" pag-mamaktol ng kaibigan ko.

Bahagya ko siyang tinitigan habang patuloy pa rin siya sa pag dadrama. "Sa labas ko naman laging pinuputok tapos malalaman kong buntis siya?! Nakaka-gago!" biglang siyang napasabunot sa kanyang buhok at nag patuloy sa pag drama. "Lagi niyang sinasabi '143 Greg' kaya ayon! Na-69 ko tuloy siya!" sa pagkakataong ito binatukan ko na siya. "Aray! Pil naman!!" reklamo niya sabay himas sa ulo niyang binatukan ko.

"Puro ka kalokohan! Panagutan mo 'yung bata!" singhal ko sa kanya. "Nag pakasarap ka kaya panagutan mo 'yan!" naiiling bulyaw ko.

Bigla siyang napahimas sa baba niya habang unti-unting tumatayo mula sa pag kaka-upo na para bang may iniisip siya. Dahan-dahang lumilitaw ang ngisi sa labi niya. "Kung pananagutan ko siya edi magiging mag asawa na kami tapos pwede ko na siyang anuhin mag damag! Haha!" napailing na lang ako sa iniisip niyang kamanyakan.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko at pahapyaw na nilingunan siya sabay lakad palayo sa kinaroroonan niya, narinig ko na lang ang pag tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa kaliwa ko na siya. "Pil, chix oh!" kusa akong napalingon sa tinuturo niya.

Mula sa kinaroroonan namin natatanaw ko ang isang babaeng naka-talikod, morena ang balat, hanggang balikat ang buhok at sa laylayan nito may pagka-kulot. Hanggang sa bumaba ang tingin ko mula sa kanyang likod pababa sa kanyang pwet. Ay panalo!! Napatigil ang tingin ko doon hanggang sa bumaba muli sa kanyang makinis na legs. Bigla akong tumingin kay Greg na nakatitig din sa babaeng tinitignan ko. "Manyak mo!!" bulyaw ko sa kanya sabay batok. Kung maka-tingin akala mo hindi magiging ama!

"Grabe ka naman! Tulad mo lang din ako! Pilyo lang din!" singhal niya sa'kin na naka-kunot ang noo.

"Tsk." bumaling muli ang tingin ko sa babaeng naka-talikod di kalayuan. Napansin kong nag paalam na siya sa kinakausap niya at unti-unting humaharap.

Pigil hininga akong nag hihintay ng pag harap niya hanggang sa...

"Ay tangina!!" bulaslas ng kasama ko. Puta, bakla pala.

"Dumarami na ang mga kalahi mo!!" sigaw ko kay Greg at binatukan ulit siya. Nag patuloy na ako sa pag-lalakad habang panay reklamo nitong kasama ko.

Hindi ko alam kung seryoso ba 'to na buntis ba talaga ang girlfriend niya o baka OA lang itong bwisit na 'to. Papunta kami ngayon sa bahay ni malaking Pepe. Oh baka sabihin mo ang bastos ko? Tsk. Ganito kasi 'yan, tatlo kaming mag kakaibigan ako, si Greg at ang pinaka matangkad sa'min na si Pepe kaya ang tawag namin sa kanya malaking Pepe. Noong mga bata kami mag kakaibigan na talaga kaming tatlo, kaya noon ang tawag sa kanya maliit na Pepe kasi maliit pa lang siya kaya ngayong malalaki na kami at siya ang pinaka matangkad sa amin kaya ang tawag na namin sa kanya malaking Pepe. Noong mga bata kami ako lang ang tumatawag sa kanyang maliit na Pepe, akala nila iba ang ibig kong sabihin doon at dahil likas na gwapo at matalino ako sinabi ko noon kay Greg lalo na sa iba pa naming mga kalaro na maliit na Pepe ang alyas sa kanya kesa naman sa mahabang niyang pangalan na Pelicarpio Pelito ang hirap bigkasin lalo na't mga bulol pa kami noon hanggang sa tumatagal marami ng tumatawag sa kanyang maliit na Pepe o minsan Pepe. Hindi na siya maka-reklamo noon dahil wala na siyang magagawa kahit asar na asar siya dahil ang baho raw ng bago niyang pangalan. Teka! Mabaho ba ang Pepe?

Pero ngayong binata na kami malaking Pepe na ang tawag sa kanya natatawa na nga lang siya kapag naririnig niya o may tumatawag sa kanyang ng ganoon. Ay teka nga, bakit napunta ang usapan sa Pepe, este kay Pepe?

"Malaking Pepe!!" biglang sigaw ni Greg kay Pepe na naka-sandal sa isang pulang gate nila habang nag sisigarilyo, nakita kong tinapon niya 'yon at bumaling ng tingin sa'min. Nang naka-lapit na si Greg sa kinaroroonan niya nag bro hug sila.

Ano kayang pakiramdam pag yumakap sa Pepe? Este kay Pepe? Malaki kasi ang katawan niya, 'yung pustura ng braso niya halatang suki sa gym, 'yung abs niya bumabakat sa fitted shirt niya. Gwapo si Pepe, matalino, mabait, matulungin at magalang halos lahat ng kapuri-puri sinalo na niya ang kaso Pepe lang ang alyas niya masyadong makaluma buti na lang pala 'yon ang pinang-alyas ko sa kanya noong mga bata pa kami. Pero may pagka-tarantado rin 'yan minsan, nahawaan ko yata.

"Pilyo!" tawag niya sa pangalan ko at bahagya akong nag lakad sa kanya sabay batok sa ulo niya. "Aray naman Pre!" reklamo niya.

"Nasaan na 'yung chix na sinasabi mo?!" singhal ko pero tinawanan niya naman ako.

"Kaya ko kayo pinapunta dito dahil sa kanya, sabi ko kasi ngayon ka makikipag-kita!" medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi naman sa pag-mamayabang gwapo rin naman ako may ibubuga rin tulad ni Pepe, ang kaso hindi ako nag handa ngayon! Wala akong dalang condom! Hindi ako bastos ah? Pilyo lang talaga sempre gwapo rin.

"Hindi ako handa! Tignan mo 'tong suot ko ang simple lang tska wala akong dalang pera!"

"Ako ng bahala sa damit at si Greg na ang bahala sa pera!"

"Ano!?! Ayoko! Uuwi na ako!" akmang mag lalakad si Greg nang hablutin ni Pepe ang damit niya at pinandilatan ito ng mata. "Bwisit naman e! Sige na, sagot ko na ang pera!" napa-ngisi kaming dalawa ni Pepe ng pumayag si Greg.

Sa aming tatlong mag kakaibigan si Greg ang may mas maraming pera hindi naman sila mayaman sapat lang tulad ng kagwapuhan ko. Gwapo rin naman itong si Greg sempre kailangan may papuri rin siya. Maputi, matangkad at medyo malaki rin ang katawan dahil sa minsa'y pag sama-sama niya kay Pepe sa pag gym at sempre hiyang siguro sa 'anuhan.' kaso tanga-tanga lang at magiging ama na.

Pero tae! Ayos na! Makakakita na ako ng pepe mamaya! Este makikita ko na 'yung chix!

Ang Pilyong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon