Pilyo #10

254 5 1
                                    

Pilyo #10

"Hoy! Fagina dito ka nga! Tangina naman oh!" salubong na naman ang kilay ni Greg habang tinatawag si Fagina di kalayuan sa pwesto namin.

"Oo na! Bwisit ka! Ang pangit mo!"

"Mahal mo naman!"

Natatawa na lang kaming dalawa ni Cantsia sa kanila, double date namin ngayon at sa ilang taon na nag daan hindi ko inaasahan na kay Fagina lang pala babagsak ang kupal na Greg na 'to.

"Pil, teka nasabi ko na ba sayong mahal kita?"

Akala ko ang pagiging gwapo na ang pinaka mahirap na naranasan ko sa buong buhay ko pero langya! Hindi pala! Dahil ang magkaroon ng girlfriend na sobrang makakalimutin at dinaig pa ang matanda ang pinaka mahirap! Ang gwapo ko talaga!

"Hindi pa." ngumiti siya at umiling.

"Mahal na mahal kita!" bahagya siyang umusog ng konti at niyakap ang braso ko. "Sorry kung makakalimutin ako. Basta hindi naman kita makakalimutan diba?"

Kung minsan natatakot ako baka isang araw makalimutan na lang niya agad ang kagwapuhan ko pero alam kong hinding-hindi mangyayari 'yon!  Sino bang makakalimot sa gwapong katulad ko diba?

"Kahit na makalimutan mo ako hindi ako mag sasawa na ipaalala sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako kagwapo."

*E N D*

Ang Pilyong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon