Pilyo #2

446 9 2
                                    

Pilyo #2

Naka-suot ako ngayon ng isang v-neck faded blue shirt na hiniram ko kay Pepe. Hindi naman sa pag mamayabang, mag kasing katawan lang kami ni Pepe, kaso ang sa akin hindi naman suki sa gym. Hindi ulit sa pag mamayabang ah? Natural na 'yung ganito kong katawan, sempre gwapo. Medyo nakaka-inis nga e, lagi akong napupuri na gwapo raw at macho. Well, that's life.

Hindi na ako nag palit ng pantalon ito pa rin ang suot ko tulad ng kanina. Medyo na e-excite nga ako, kasi makaka-kita na ako ng pepe teka nga! Bakit pepe na naman nasabi ko? Kung sabagay ang gwapo ko.

Maganda kaya 'yung chix? Sexy? Maputi o morena? Mabango kaya 'yung pepe este 'yung buhok niya sa pepe este 'yung buhok niya sa ulo! Tangina! Ganito ba talaga kapag suot ko ang t-shirt ni Pepe? Ano kayang itsura 'nung chix? Grabe! Na-excite ako lalo! Sumisikip ang pantalon ko, sempre macho at gwapo ako!

"Pilyo! Bilisan mo naman kumilos! Mag aala-sais na!" natatarantang bulyaw sa'kin ni Greg.

"Kalma lang mga repa!" nginisian ko sila. "Dapat 'yung venue malapit sa hotel ah?" napailing naman agad si Pepe sa sinabi ko.

"Puro ka kamanyakan Pilyo! Tara na nga!!" iritang singhal ni Pepe sabay batok kay Greg.

Kawawang Greg, lagi na lang nababatukan.

Sumunod na lang ako sa kanilang dalawa habang nag-lalakad. May malapit na mall dito sa lugar namin pero walang malapit na hotel! Dibale na lang, pwede ko naman siya yayain sa bahay tutal naman pag-uwi ko tulog na si mama wag lang siyang malakas umungol baka mahuli ako ni mama at tuluyan nang palayasin sa bahay. Sempre kapag natutulog madalas napapa-ungol dahil sa panaginip baka kung ano pa ang isipin ni mama.

"Pre, ayon 'yung chix oh!" biglang turo ni Pepe habang inaakbayan ako.

Tumingin naman ako sa tinuturo niya pero ang dami kong nakikitang chix! Kalma lang! Di ko sila kaya lahat! Sorry naman, gwapo lang! "Sino diyan!?!" iritang tanong ko.

"Ayon! 'Yung babaeng naka-light pink na dress!" inilibot ko agad ang mata ko sa labas ng mall at di kalayuan sa kinatatayuan namin na aaninag ko ang babaeng naka-talikod na naka-light pink dress.

Bahagya akong sumulyap kay Pepe na naka-ngisi at kay Greg naman na naka-busangot ang mukha. "Tara na! Samahan niyo ako!" bigla naman tumawa si Greg na naging dahilan kung bakit na naman siya binatukan ni Pepe.

"Ikaw na pre! Kaya mo 'yan!" bulyaw sa'kin ni Pepe habang tinutulak ako paalis sa kanila.

Wala na akong nagawa kundi nag lakad papunta sa chix sa tinuro ni Pepe. Hindi ko pa naitatanong kung saan nakilala ni Pepe ang chix na ito, pero siguro wala naman 'tong sakit na aids, nako! Sana nga wala! Puta sayang lang ang kagwapuhan ko kung mag kakasakit akong aids!

Habang nag lalakad ako unti-unti kong malinaw na nakikita ang hubog ng katawan niya, medyo may kaliitan siya pero sapat naman para sa katawan niyang medyo payat pero may korte pa rin, hindi matambok ang pwet niya sayang naman pero makinis ang balat! Pwede na!

Parang bigla akong nangatog nang halos tatlong hakbang na lang ang distansya naming dalawa. Muli akong sumulyap 'kila Pepe at Greg, nakita ko naman silang natatawa at naka-thumbs up pa. Sumenyas ako na lumapit sila pero halos sabay silang umiling at semenyas din na aalis na sila. Mga tarantado talaga!! Sumenyas ulit ako na papatayin ko sila at pero tumatawa lang silang dalawa habang unti-unting kumakaway at nag-lalakad palayo sa kinaroroonan nila. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang sila, puta naman oh! Yari sila sa'kin mamaya!! Humarap ulit ako sa babaeng naka-talikod sa'kin at marahang humugot ako ng malalim na pag hinga saka tuluyan nang humakbang patungo sa kanya. Dalawang libo lang ang binigay na pera sa akin ni Greg, mukhang kukulangin pa yata ito! Sa hotel pa lang kulang na kulang na 'to! Langya naman oh!

Ang Pilyong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon