Pilyo #6

208 3 0
                                    

Pilyo #6

Ilang araw ng lumipas textmate na kami ni Fagina, siguro pulang-pula na ang buong katawan 'non sa sobrang kilig kapag katext ako. Kung sabagay gwapo ako walang duda doon.

"Uhmm... Saan po ba 'yung..."

Bahagya akong napahinto sa pag aayos ng mga sabon dito sa store nang may narinig akong pamilyar na boses sa likod ko. Agad ko itong nilingunan at tama nga ang hinala ko kung sino ito. Hindi ko kasama si Greg ngayon dahil nasa ibang pwesto siya, hindi siya mahahawaan ng kagwapuhan ko dahil hindi ko siya kasama. Tch, kawawa naman.

"Ikaw na naman ma'am?" ngising tanong ko sa costumer namin dati na malilimutin at malamang may nakalimutan na naman ito.

Napakamot siya ng bahagya sa ulo niya. "May itatanong sana ako kung saan 'yung..." napahinto na naman siya sa pag-sasalita at simpleng tumingin sa paligid niya. "Nakalimutan ko na naman 'yung itatanong ko." baling niya sa akin at simple tumawa ng mahina.

Napailing ako sa kanya at napabuntong hininga. Pinoy henyo na naman ba ito? "Pero ma'am ang dami ko pa pong gagawin isipin mo muna 'yang nakalimutan mo bago mo ulit itanong sa akin."

Napasimangot siya sa sinabi ko. Nag kibit-balikat na lang ako at bumalik sa kaninang inaayos ko.

"Uhmm.. Wait lang.. Ano kasi... May sasabihin talaga ako sayo ngayon.." dinig ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.

Sa tono ng pananalita niya parang nahihiya siya.

"Ano ba 'yon?" tanong ko habang nakatalikod pa rin at inaayos ang mga naka packed na iba't-ibang brand ng kape dito.

Narinig kong umubo siya bago mag salita. "Ano bang brand na masarap ang kape?" biglang kong nabitawan ang isang pack ng kapeng hawak ko. Agad ko itong dinampot sa sahig at humarap sa kanya.

"May sayad ka ba?" kunot-noong tanong ko. Bahagya siyang tumawa at umiling.

"Mukhang masarap 'yang hawak mo ah. Anong brand ba 'yan?" binaliwala niya ang tanong ko at itinuro ang isang pack ng kapeng hawak ko.

Hindi na ako nag salita at ibinigay na lang sa kanya. 'Yung totoo? Nag papapansin lang ba ang babaeng ito sa kagwapuhan ko?

Tumango-tango pa siya habang nakatingin sa kapeng hawak niya. "Bigyan mo nga ako ng dalawa pack mukhang masarap e." ngising utos niya.

Agad ko siyang inabutan ng dalawang pack ng kapeng iyon. "Yan lang ba ma'am ang kailangan mo?" iritang tanong ko.

"Oo." ngumisi siya. "Tutal naman may kape akong bibilhin. Bakit hindi kaya tayo mag kape? Masarap ako gumawa ng kape."

Bahagya siyang lumapit sa akin at may ibinulong sa tainga ko. "Tara, kape tayo."

Halos tumindig ang buong balahibo ko sa katawan. Puta! Kape na nga! Ang gwapo ko talaga!

Ang Pilyong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon