Pilyo #3

383 9 4
                                    

Pilyo #3

Halos nanlalaki pa rin ang mga mata ko ngayon sa sinabi niya. Napaka-straight forward niya! Hindi ko 'to napag-handaan! "A-ano nga ulit?" pangatlong beses ko na yata ito naitanong sa kanya pero iisa lang din ang isinasagot niya.

"Balls! Ano ba!? Hindi mo ba alam 'yon?" iritang tanong niya habang naka-pamewang pa.

Nanginginig akong umiling sa harap niya. "S-saan?" agaw hininga kong tanong.

Nakita kong unting-unting sumisilay ang pag ngisi niya. "Doon oh!" sigaw niya sabay hatak sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Mukhang dadalhin pa niya yata ako sa isang madilim na lugar! Wild ba siya? Nako po! Ang gwapo ko talaga! "T-teka saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya pero panay hatak pa rin siya.

Hanggang sa nakarating na kami sa bandang gilid ng mall. Inilibot ko agad ang tingin ko sa lugar na 'to, maraming tao, maraming mga sasakyan at maraming nag titinda ng mga street foods. Dito niya ba gustong gawin!? Masyadong bulgar naman! "Dito?" baling ko sa kanya. Nginitian naman niya ako habang sunod-sunod na tumatango siya. "Ngayon na?" tanong ko ulit.

Kumunot naman ang noo niya.

"Ano ba 'yang mga tanong mo? Malamang ngayon na at dito mismo! Ayon oh!" bulyaw niya sa akin sabay turo kanan ko

Dahan-dahan kong tinignan ang tinuturo niya at laking gulat kong tinuro niya ang isang nag titinda ng mga fish ball!

"Iyon na kainin natin! Tara!" hinatak na naman niya ako papunta sa nag titinda na 'yon.

Puta! Balls!? Ito ba 'yung sinasabi niyang balls?! "Akala ko ba gusto mong kumain ng balls!?" bulyaw ko.

Narinig kong tumawa naman siya sabay kuha ng stick sa isang garapon at tumusok siya ng tatlong bola-bola sa isang mainit na kawali. "Ito oh. Balls." ngiting sabi niya sabay pakita sa akin ng tinusok niyang bola-bola.

Tangina! Wala na! Ang gwapo ko talaga! "Haha. Akala ko naman kung ano na." umiling na lang ako sabay kumuha rin ng stick sa isang garapon at tumusok din ng balls... Bola-bola pala.

"Ano bang balls ang nasa isip mo?" tanong niya sabay tumawa siya. "Tama nga si Pepe, ang berde mo talaga." tinignan ko naman agad siya.

"Hindi ako berde 'no! Pilyo lang!" singhal ko sa kanya sabay subo ng balls--- bola-bola pala.

"Okay. Sabi mo eh." nag kibit-balikat naman siya sabay subo ng bola-bola. Shet talaga! Napurnada pa!

Lord, karma na ba 'to sa pagiging gwapo ko?!

"Hmm.." rinig ko sa kanya habang ngimunguya niya ang balls na nasa bibig niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang nasa bibig ko ang stick.

Habang ngumunguya siya naka-pikit lang siya na para bang sarap na sarap sa kinakain niya. "Masarap?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko namang sarap na sarap siya.

Marahan siyang dumilat at tumango. "The best talaga ang balls!" masayang sigaw niya sabay tusok ulit sa kawaling nasa harap namin.

Mariin akong napapikit sa pag banggit niya ng salitang balls. "Saan ka ba nakilala ni Malaking Pepe?" tanong ko sa kanya nang dumilat na ako sabay tusok ulit ng bola-bola.

"Pinsan ako ni Pepe." muntik na akong mabilaukan sa sinagot niya.

Puta! Itong babae na 'to!? Pinsan ni Malaking Pepe!? "Pinsan ka niya?!" gulat kong tanong sa kanya.

Tumango-tango naman siya habang naka-ngisi. "Oo nga." simpleng sagot niya.

"Weee?"

"Oo nga! Kulit mo!"

"Di nga!?"

"Oo nga sabi!" medyo irita niyang sigaw sabay palo sa braso ko. Bahagya naman akong natawa sa ginawa niya.

"Ilan taon ka na?" tanong ko ulit sabay subo ng natitirang bola-bola sa stick na hawak ko. Grabe ah! Ang sarap pala ng balls!

"19."

"Saan ka nag-aaral? Single ka ba? Anong oras ka natutulog? Nagigising? Kumakain? Tumatae? Anong kulay ng bra mo? Panty? Anong design? Tska virgin ka pa ba--- Aray! Teka! Aray naman!!" sunod-sunod kong tanong sa kanya at ginantihan niya ako ng pag tusok ng stick sa braso. Pero mukhang hindi naman siya galit kasi naka-ngiti lang siya.

Hays. Iba talaga kapag gwapo. Lord, sorry na po sa pagiging gwapo ko. Pasensya na po talaga.

"Manyak mo talaga!" singhal niya nang tumigil na siya sa pag tusok ng braso ko. Sana yung balls ko na lang ang tinusok niya. Joke!

"Hoy! Hindi ako manyak, pilyo lang at gwapo!" pag tatanggi ko.

Nag kibit-balikat naman siya. "Bayaran mo na!" napailing na lang ako at tinanong sa tindero kung magkano lahat ng kinain namin. Dumukot sa bulsa ko ng pera sabay abot ng isang daan sa tindero.

"Keep the change." huling banggit ko sabay hatak sa braso ni Fagina.

Narinig ko naman ang pag mumura ng tindero pero hindi ko na lang pinansin dahil kulang ang binayad ko. "Teka nga bakit ka ba nag mamadali!?" singhal niya sabay agaw ng braso niyang hawak ko. Huminto ako sa pag-lalakad at hinarap siya

Humalukipkip naman siya habang naka-taas ang kilay niya. Napangisi ako bigla sa naisip ko.

"Bj tayo."

Akala mo makaka-ligtas ka!? Huh! Akala mo lang 'yon! Dahil ang gwapo ko!

Ang Pilyong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon