Pilyo #7

203 3 2
                                    

Pilyo #7

"Saan ba bahay mo?"

Habang nag lalakad kami halos lahat ng taong madadaanan namin napapatingin sa kanya. Langya naman oh! Ako ang gwapo dito bakit sa kanya lang nakatingin? Hindi naman kasing maipagkakailang maganda siya tapos sexy pa 'yun nga lang makakalimutin siya. 'Yung kanina nag-bibiro lang daw siya, masyado raw kasi akong pilyo, tapos nang sabihin kong Pilyo ang pangalan ko hindi siya naniwala!! Sa gwapo kong ito hindi niya ako pinaniniwalaan? Aba! Hindi tama ito! Binabastos niya ang pagka-gwapong lalaki ko!

Birthday niya raw ngayon at wala siyang bisita. Nakalimutan daw kasi niya kung sino ang mga kaibigan niya. Oh diba? Masyado siyang makakalimutin may sakit daw kasi siyang... Uhmm.. Teka nakalimutan ko! Ang hirap kasing bigkasin ang pangalan ng sakit niya, basta may sakit siya.

Kanina lang daw niya naalala na birthday pala niya kaya naman ako na lang ang inimbita niya dapat isasama ko si Greg kaso ang kupal na 'yon tumakas kanina sa trabaho! Hinintay ako ni Cantsia 'yon kasi ang pangalan niya at hindi niya makakalimutan dahil naka-tattoo sa braso niya, maliit lang 'yung halos langgam lang yata nakaka-kita. Nag taka nga ako kung paano niya pa 'yon nabasa.. Hindi kaya langgam ito? Pero ang ganda ng pangalan niya.. Cantsia.. May bigla tuloy akong naalala. Hinintay niyang matapos ang oras ko sa trabaho, bilib din kasi ako sa babaeng ito buti na lang hindi niya nakakalimutang huminga. Ge.

"Diyan sa 69zoned." bigla akong napatingin sa kanya na diretso lang sa pag lalakad.

"69zoned? Meron ba 'non?"

"Oo. Ayan oh!" sigaw niya sabay turo sa isang karatulang may naka-lagay na 69zoned at may arrow pa ito.

Aba! Ibang klase, meron pala nitong 69zoned? Masarap siguro dito? Tch. Mukhang mapapalaban ako sa 69! Rak na ito! Ang gwapo ko talaga!

***

"Masarap ba?"

"Oo! Grabe!"

"Kulang pa ba sa sauce?"

"Nako hindi na! Ang sarap nitong spaghetti mo mas masarap pa sa luto ng nanay ko!"

Nilantakan ko na ang spaghetting nasa plato ko habang siya pinanonood lang akong kumakain. Tutulungan ko sana siyang mag luto kanina kaso wag na lang daw kasi ang gwapo ko raw. Di, joke lang. Hindi niya sinabing gwapo ako, nararamdaman ko lang siguro sa isip niya hindi lang niya sinasabi sa akin.

Nang malapit ko ng maubos ang spaghetti bahagya ko siyang sinulyapan. "Sa isang araw pasko na, sinong kasama mong mag Noche Buena?" tanong ko sa kanya.

Wala kasi siyang kasama dito sa bahay niya akala ko nga may chix siyang kasama dito pero nag-iisa lang daw siya. "Ewan ko e? Sa isang araw na pala ang pasko? Buti pinaalala mo."

Nginitian ko na lang siya at sinubo ang kahuli-huling spaghetti sa plato ko.

"Alam mo ba simula noong nakilala kita, lahat nakakalimutan ko pero ikaw hindi. Lagi kang nasa isip ko hindi ko alam kung bakit.. Sinabi ko na agad sayo baka kasi makalimutan kong sabihin."

Ang Pilyong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon