Jade's Pov:
"Lablab, ready ka na? Tanong ni Althea sakin ng makapasok sya sa unit ko.
Ninakaw kasi nya ang isa kong spare key. Hinayaan ko nalang kaysa dumaan pa sya sa terrace mahirap na pag nahulog sya ako pa magiging suspek sa pagkamatay nya..😧
"Hindi na muna siguro ako papasok.. Ang sakit kasi ng ulo ko.." sagot ko sa kanya habang nag titimpla ako ng coffee ko.
"Jade!"😨 Sigaw nya ng muntik na akong matumba ng bigla akong nakaramdam ng hilo. Buti nalang nasalo nya ako.
"Ang init mo ah.." sabi nya at bigla nya akong binuhat. Kinawit ko nalang ang mga braso ko sa leeg nya ng hilong-hilo na talaga ako.
Kanina ko pa kasi nararamdaman na masama talaga ang pakiramdam ko pero di ko na pinagtuunan ng pansin..ang taas na pala ng lagnat ko.
"Mahiga ka nalang muna jan lab. Ihahanda ko nalang muna ang breakfast mo para after makainum ka ng gamot mo ha?" Malambing nyang sabi sakin ng maihiga nya uli ako sa bed ko. Lumabas na muna sya ng room ko kaya pumikit na muna ako.
Buti nalang talaga na andito din tong si Althea eh..hindi ko naman kaya na kumilos na mag isa. Nahihilo na talaga ako.
__
"Lab, kain ka na muna nang makainum ka ng gamot mo.." pag gising sakin ni Althea. Tinulungan nya akong makabangon at sinandal nya ako sa headboard ng kama.
"Kain ka ha?" Malambing nyang sabi sakin ng inabot nya ang bowl ng soup. Pinagmamasdan ko lang sya habang hinihipan nya ang kakainin ko.
Ang sweet naman ng babaeng toh..sino bah naman hindi magkakagusto sa kanya..napaka maalaga at malambing nya..hay...natuluyan na nga ata ako sa kanya ah..
"Here lab oh.." sinubuan naman nya ako ng gawa nyang soup.
"Kaw nag luto?" Tanong ko sa kanya ng panay na ihip at subo nya sa soup.
"Oo..mabisa kasing gamot din ang pagkain ng masustansya na pagkain pag may sakit lab.. kaw kasi, napaka workaholic mo..di ka na kumakain minsan..yan tuloy, nagkasakit ka na...kain ka lang para gumaling ka agad ha?" nginitian naman nya ako at sinubuan nya uli.
"Thank you.." sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay nyang nag susubo.
"You're welcome..kain ka pa.." umiling na ako dahil wala talaga akong gana kumain.
"Ayaw mo na? Oh sige..uminum ka nalang muna ng gamot tapos kain ka uli mamaya.." pinainum naman nya ako ng gamot bago nya ako hiniga uli.
"Pahinga ka lang lab..babantayan kita.. sabihin mo nalang kung hindi na talaga kaya ha? Dadalhin kita sa hospital." Sabi nya at umupo sya sa side ko at sumandal sya sa headboard. Nahihilo naman ako kaya nilagay ko ang unan sa lap nya bago ako lumipat ng paghiga dun.
"Masakit ulo mo noh?" Tanong nya at hinihilot na nya ang ulo ko. Hinila ko naman sya ng di talaga maalis ang sakit ng ulo ko. Pinahiga ko na sya sa tabi ko at umunan ako sa chest nya. Napaka comforting kasi nya kasama.
"Sleep tight lablab koh.." bulong nya at niyakap na nya ang bewang ko bago sya humalik sa ulo ko.
"Thank you lablab.." sagot ko sa kanya. Umagik ik naman sya ng tawa sa sinabi ko kaya napangiti narin ako.
BINABASA MO ANG
Ms.Paasa vs. Ms. Pafall
FanfictionProtect her, fight for her, kiss her, love her, hold her, laugh with her to catch her but it wasn't in my plan to fall for her. -Althea Guevarra I told my self to make her her fall inlove i had to make her laugh. But everytime she laughs i'm the one...
