(13) Runaway

2K 172 24
                                        

Althea's Pov:

Inalalayan ko naman si Sanya nang lumabas na kami sa back stage. Inayus ko na muna ang gown nya.

"ano ba naman kasi tong gown mo? ang haba-haba.. di ka rin naman masyadong excited noh? Engagement pa lang toh pero yung gown mo dinaig pa ang bridal gown.." mahina kong reklamo kay Sanya. Sapat lang na sya lang ang makarinig.

"Be it babe.. I'm just too excited for tonight coz atlast, we are closer to forever.." sagot nya at napachuckle sya sa sinabi nya.

"Baliw! Walang forever.." pagtataray ko at inirapan ko sya pero nabigla naman ako ng hinalikan nya ako ng mabilis sa harap ng maraming tao.

"ayeeeeiiiii.."pang aasar samin ng crowd kaya napatingin ako sa kanila. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si Jade na isa sa guest.

"Jade.."😨 bulong ko sa hangin at agad ko tinabig ang kamay ni Sanya na nakahawak sakin.

Oh sh*t! Anong ginagawa nya dito? Akala ko bah may meeting sya..😨

"oh! you invited her!" masayang sabi ni Sanya at ang gaga kinawayan pa talaga nya si Jade kaya agad tumayo si Jade at umalis.

"Althea.."pagpigil sakin ni Sanya ng susundan ko sana si Jade. Napatingin naman ako sa Daddy ko ng lumapit sya samin ni Sanya. Hinalikan ng Daddy ko ang noo ko kaya kumapit nalang ako sa braso nya.

Sorry Jade pero hindi ko kaya saktan ang pamilya ko..😓

Pero bakit ganito.. nasasaktan ako para sa kanya. Oo girlfriend ko sya, isa lang sya sa mga babaeng pinapaasa ko pero bakit ganito nararamdaman ko para sa kanya? Mahal ko na ata sya.. teka? Ano?!!! in love na ako kay Jade? 😨

"I would like to propose a toast for Althea and Sanya." Napabalik naman ang diwa ko nang binigyan ako ng Daddy ko ng glass of wine.

"Please raise your glasses and join me in a toast. May God bless and keep you always. May your wishes all come true. May you always do for others. And let others do for you. May you build a ladder to the stars. And climb on every rung. May you stay forever young.. Althea and Sanya we love you and we wish you all the best.. cheers!" sabi ng DAddy ko kaya kahit labag sa loob ko tinaas ko narin ang gublet na hawak ko at nakipag toast kay Sanya bago ko ininum.

Kelangan ko makausap si Jade.. kelangan ko alamin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Bahala na.. gagawa ako ng paraan makaalis dito at makasama sya..


Jade's Pov:

"Jade, What's wrong? tanong sakin ni Rafael nang sinusundan nya pala ako.

"I just wanna go home.." cold kong sagot sa kanya.

"why? Jade, i'm sorry if i can take you home by this time. We still need to stay, my cousin Althea is like a sister to me, so please.." pakiusap sakin ni Rafael. Tinitigan ko naman sya at napaisip ako.

So All this time pinaasa lang ako ni Althea na faithful and loyal sya sakin? so sila parin pala ni Sanya na akala ko ex na nya. ginawa nya akong tanga at mas mamumukha akong tanga if makikita nya akong nasasaktan ngayon. She really wanna win this game huh? Tingnan natin.. If she plays dirty then i will also be..

"Tara, balik na tayo, baka hanapin tayo ng Tito mo.." pag aya ko kay Rafael at napatingin naman sya sa kamay nya ng hawakan ko.

"Tara!" nakangiti nyang pag aya sakin.

Humanda ka sakin Althea.. kung paasa ka, pafall naman ako.. If you think you win and i lose then nagkakamali ka. Kahit na ba bitawan kita, marami pa namang iba..😠

Ms.Paasa vs. Ms. PafallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon