(3) Girl Next Door

2.7K 189 88
                                    

Althea's Pov:

"Tsong, sigurado ka bah na lilipat ka na talaga?" Tanong sakin ni Batchi habang inayos ng maid ang mga dadalhin kong mga gamit sa condo na lilipatan ko.


Si Batchi, bestfriend ko slash pinsan ko at slash assistant ko sa napatayo kong Business. Mga event Organizers kami.

Hilig ko kasi ang mag organize ng mga event. Aside sa hilig ko sa photography at music, ang pag organize ng iba't-ibang occasions ang pinagkakaabalahan ko. Napapasaya kasi ako everytime may napapasaya akong mga tao. Ang sarap kasi sa pakiramdam na maging parti ka sa mahahalagang occasion sa mga buhay ng ibang tao. Buti nalang talaga napapayag ko daddy ko na maipatayo ang business na gusto ko pero syempre may kapalit na kundisyon yun at yun ay ipagpatuloy ko ang masteral ko sa business management. No choice din naman ako dahil sa takdang panahon, kahit ayoko, magiging CEO din ako ng company ng pamilya ko.



"Hoy!" Pag pukaw ni Batchi sa diwa ko.


"Oo tsong sigurado na ako noh." Sagot ko sa kanya habang busy akong kinakalikot ang phone ko.


Daming chix nag ti-text..😅



"Tungkol ba toh sa babaeng nakilala mo kagabi?" Napatingin naman ako kay Batchi sa sinabi nya.


"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko sa kanya.

Oo nga pala..sya kaya sumingit kagabi na imbitahin si Jade makipagdate..😬



"Sinasabi ko na nga bah eh..babae naman ang dahilan sa padalos-dalos mong pag disisyon. Tsong baka naman---"



"Pssst! Quite na tsong..wag mo na tapusin yang mga chuvaness ek lavo mo..gets ko na yun. Tsaka pumayag na ang daddy na tumira ako sa condo noh..matagal din naman na napag isipan ko nag bumukod sa kanila, total lagi naman sila wala dito sa pinas, ako lang lagi andito sa bahay. Ang laki kaya ng bahay na toh para sakin at sa mga maid." Pag putol ko sa sasabihin pa ni Batchi.


Lagi kasi wala ang parents ko, lagi silang out of the country dahil sa family business namin. Eh ako lang naman nag iisang anak ng Galura-Guevarra Family kaya lagi nalang akong nag iisa sa bahay. Buti nalang laging nakatambay ang pinsan/bestfriend ko kaya kahit papano naiibsan ang boredom ko at buti nalang talaga pinagpala ako ng maraming babaeng naghahabol sakin.😆



"Tsong paano si---"


"Sabing quite eh! Hirap mo naman kausap. Tsong di ako masaya sa kanya okay? Sabi nga ni Oprah Winfrey.. Don't settle for a relationship that won't let you be yourself. Eh napaka perfectionist kaya nun malamang lahat ng gagawin ko mali. Paano ako magiging masaya sa kanya kung lagi nya akong sinisita?" Pag putol ko uli sa sinasabi ni Batchi.



"So bakit mo hindi hinihiwalayan? Pinapaasa mo lang yung tao eh. Tsaka sino si Oprah?" Takang tanong nya.



"Hiwalay na nga kami para sakin. Sya lang naman tong assumera na kami parin eh tsaka di ko sya magawang itaboy, gusto sya ng daddy ko. Pero teka tsong! Hindi mo kilala si Oprah?"😮 Umiling lang si Batchi sa tanong ko.



"Seryoso? Si Oprah bah!"😡 sinamaan ko naman si Batchi ng tingin na mukhang seryoso nga na di nya kilala si Oprah.


Bakit ko kaya toh na bestfriend si Batchi?! Si Oprah lang di nya kilala? Kainis!




"Si Oprah bah yung friend ko!" Sarcastic kong sabi sa kanya.

Test lang kung di bah talaga nya kilala.😬



Ms.Paasa vs. Ms. PafallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon