Chapter 1

57 7 1
                                    

Ako si Karylle, laging inaapi, laging sinasaktan. Mahirap lang kasi ako e. Iniwan ako ng mga magulang ko sa mga tita ko. Pero iniwan din ako ng mga tita ko. Isa nalang yung alam kong nagmamahal sakin, si Keileen, bestfriend ko. Mayaman sila pero para sa kanya hindi yon hadlang para maging magkaibigan kami.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya, pati sa mga magulang niya. Binigyan nila ako ng bahay at pinagaral pa. Ang bait nila no? Akala ko wala ng ganon sa mundo. Akala ko pag mahirap ka, di ka na pwedeng magkaroon ng kaibigan na mayaman kasi ayaw nila sayo pero iba si Keileen. Yung iba pinaparamdam talaga nila sayo na worthless ka, mahirap e. Valedictorian ako sa school pero bakit feeling ko wala parin akong mararating? Useless at worthless parin ako sa mundong to? Baka ganon talaga yung mangyayari, Valedictorian ako pero di ako magiging successful, magiging parang wala parin yung buhay ko.

Pareho kami ni Keileen ng school. Pang mayaman, private school. Di ko inaasahang magiging ganon yung pakikitungo nila, parang tinuring nila ako tunay na anak. At nga pala, hindi lang ako studyante, working student ako. Ganon nanaman mangyayari, papasok nanaman bukas, tapos magtatrabaho, marami nanaman maririnig na lait, masasaktan. Paulit ulit nalang yung nangyayari sa buhay ko pero kailangan kong kayanin, wala naman akong karapatan magreklamo mahirap lang ako e, worthless. Kahit pa may mga taong tumatanggap sakin, mas marami paring hindi. Pero si Keileen, siya na talaga. I love her. Hindi dahil malaki utang na loob ko sa kanya, i love her because she's my bestfriend. Paulit ulit na ako sa 'siya lang tumanggap sakin' totoo naman kasi e.

Si Jeydee Martinez, Jeydee Martinez ng buhay ko. Oo, buhay ko. I like him pero langit siya, lupa lang ako. Ang taas niya, di ko mareach. Mayaman siya, mahirap lang ako. Worthless. Useless. Pero sino ba naman ako para magmahal? Mahirap lang ako. Kahit kailan hindi niya ako magugustuhan, di niya pa nga ako kilala e.

-------------

"Tara na bes!" Sabi ni Keileen. "Wait lang. Ang aga pa nagsisisigaw ka nanaman diyan bes."
"E gusto kong maaga, palibhasa ang bagal mong kumilos. Pagong!!!" Aba nangaasar to a? "Makapagong naman to. Ikaw naman asa ka ng asa jan sa mahal mong walang pag asang mahalin ka. Pwe." Sabi ko na nangaasar. Ganyan kami lagi ni Keileen, para bang bonding na namin to tuwing umaga, i mean buong araw.

"Huwaw naman! Kala mo siya hindi umaasa sa mahal niya." Sabi niya. Di naman talaga ako umaasa e. "Hahaha. Di ako umaasa Kei. Alam ko nanaman kasi mangyayari e, ikaw lang kasi umaasa, wag ka ng mangdamay. Hayaan mo bes, babatukan kita para matauhan ka." Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya, tapos binatukan. Hahaha. "Ay tae talaga to e. Masakit yun a? Mas masakit pa sa ginagawa ng mahal kong di ako mahal." She said while pouting. Ang cute talaga ng bestfriend ko. "I love you." I said. Ang sweet ko naman sa bestfriend ko, swerte niya. Hahaha.
"Mas mahal kita bes." Sabi niya sabay tawa. Okay, di ko na kailangan ng boyfriend tutal wala namang magkakagusto sakin e, mahirap nga lang kasi ako.

------------------
Pangalawang subject na to pero ngayon palang dumating si Jeydee. Problema nanaman nitong rich kid na to?
"Late ka nanaman Mr. Martinez." Nako. Strikto pa naman ng teacher na to. "You care? Trabahador kalang dito a? Oh, so nalimutan mo na anak ako ng may ari nitong school nito." Jeydee said. Grabe talaga. "Di mo ako madadaan diyan Mr. Nasabi ko ma to sa parents mo. Now go to the detention room." Mrs. Valentin said. Pinakastriktong teacher dito sa school sinagot niya ng ganon. Minsan, hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan si Jeydee pero ewan.

------------

"Karylle!" "Go to the detention room, now!" Dagdag pa niya. Anong naging kasalanan ko? "Oy bes, kanina kapa tinatawag hindi ka sumasagot kaya ayan. I'm sorry wala akong magagawa, mataray tong teacher na to e." Bulong ni Keileen. Haist. Bat ngayon pa kasi? May importanteng lesson sa Math mamaya e. Bat kasi may detention room pa dito e, pwede naman misconduct lang tas tapos na. W- wait. Omg! Nandun si Jeydee. Ano naman? Excited ako pero di naman niya ako kakausapin. MAHIRAP. NGA. LANG. KASI. AKO

Next update :)

Everyday Update :))))
-------------
(First time ko palang pong gumawa ng story kaya marami pang errors. Araw-araw po ang paga-update. Please Vote and Comment if you love this chapter. Thankyou. :) marami pang mangyayari. XD. Sorry for the short chapter, yung next chapter long na. HAHAHAHA.)

💙💙💙

Chasing StarsWhere stories live. Discover now