Chapter 13-@@@

16 2 2
                                    

"Ryl, alagan mong mabuti sarili mo ah? Mahal na mahal ka ng bespren mo. At sila mommy at daddy, sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila. I love you all. Lagi ko kayong babantayan pag nawala na ako. Alam kong hanggang dito nalang ako. Salamat sa lahat Karylle."

"Keileen!"

"Karylle gising!"

Nagising ako sa sigaw na yun ni Keileen.

Ano yung panaghinip na yon?

Nagpapaalam si Keileen sakin? Samin?

"Bes, bat ka umiiyak?" Nagaalalang sabi ni Keileen.

"Ha...-"

Di ko na pinatapos yung sasabihin niya at niyakap ko na siya ng mahigpit.

What's the meaning of that?

"Bakit Karylle? Anong napanaghinipan mo?" Kei asked with a smile, fake smile?

Alam kong nagpapakatatag lang siya para huminahon na ako pero deep inside nag-aalala yan.

"Wa- wala l-ang yon."

Huminga siya ng malalim at yun yung dahilan kung bakit bumilis tibok ng puso ko.

Am I overthinking?

Fvdge this!

Ano ba kasi yung panaghinip na yon?

Panaghinip.

Panaghinip lang yon.

Lahat ng yan mawawala pag nanalangin ka.

Prayer can change anything.

And can heal anything.

-----------

"Kanina ka pa nakatingin sa cellphone mo Karylle." Nawala yung katahimikan nung nagsalita si Kei.

We're eating breakfast now.

E paano? Hindi ko na alam yung nangyari kay Jeydee, no texts, no calls, no anything.

Bakit ba kasi ganto? Hindi ba pwede maging perfect naman yung day ko kasama yung taong mahal ko?

Kasi lagi nalang kung hindi ako yung may problema, siya yung merong problema.

"So-sorry. Ah bes, may pupuntahan lang ako sandali, kakausapin ko lng si Jeydee." I said with a faint smile.

"Hindi na ako magiging sagabal sa inyo ngayon dahil alam kong kailangan niyong mag-usap pero tumawag ka lang pag kailangan mo ako Ryl." Keileen said.

May hika ba siya? Bakit parang hinahabol niya yung hininga niya?

"Kunin ko lang yung bag sa kwarto Kei. Ily bruh." I hugged her.

Kinuha ko yung bag at nag-ayos.

Good thing nadala ko yung toothbrush at iba pang mga gamit.

Pag baba ko, nakita ko si Keileen may kausap sa phone.

"Ate Jenny pakisabi nalang po kay Kei umalis na ako, babalik po ako mamaya at kukunin yung iba pang mga gamit diyan. Thankyou po." Yun yung huli kong sinabi bago umalis.

I'll call Jeydee now.

Pride.

Hindi dapat pinaiiral yan sa mga gantong pagkakataon. Mahal mo eh, syempre di mo matitiis yon. Miss na miss mo na hindi mo pa kakausapin?

Hindi mo alam kung okay ba siya tapos hindi mo kakausapin?

I know I'm the girl here but I can't live without his voice.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing StarsWhere stories live. Discover now