Chapter 6- :) vs :(

24 3 1
                                    

Karylle's POV

Malulungkot ba ako o matutuwa?

"Ano sa tingin mo? Non-sense naman yung pagpapanggap natin e." Para siyang iiyak na ewan. I feel so bad for him. Oh, my babe. "Ikaw bahala. Pero para sakin tatapusin ko muna yung 3 weeks, malay mo diba? Di natin alam iniisip ni Andrea, malay mo mahal ka pa niya." I said.

"Wag nalang. Hayaan ko nalang ang lahat, I mean, lahat naman ng mangyayari, mangyayari e." Ang hina ng boses ni Jeydee. Ano ba yan. Ayoko ng makita siyang ganto.

"Nasayo ang desisyon. Jeydee, I just want you to know na ayaw kong makita kang malungkot, nasasaktan kasi ako. Umm, alam ko na! Ipagluluto nalang kita." Sabi ko. Mukhang magandang ideya. Sana magustuhan niya yung luto ko.

-------------

"Magluluto ako ng adobo. Gusto mo ba yun? Or hindi nakain ng ganon yung mga mayayaman na tulad niyo?" Tanong ko. "Um, oo to be honest di ako nakain ng adobo pero titikman ko at kakainin ko narin, sayang kasi effort mo." He smiled.

"Aw. Buti nalang. Naranasan mo na bang mabalewala effort mo?" Tanong ko. "Oo naman." Agad niyang sagot. Ang bilis non. Wahaha. "Buti nalang talaga. Hays kala ko masasaktan namaman ako." Ewan ko kung okay yung joke ko or ewan pero kasi ang lungkot ng atmosphere dito e.

"I'll never hurt you again precious girl."

Precious girl.

I miss my bestfriend. Ilang araw na si Jeydee nalang kasama ko. Nagtatampo na siguro yon. Kung alam mo lang, Keileen. Wait, matawagan nga.

"Hello." Sinagot niya agad. "I miss you. Okay ka lang ba diyan? Nasan ka bes?" Waaah. Ewan ko pero nagwoworry talaga ako di ko alam kung bakit. "I miss you more. Pinagpalit mo na na ako? Puro si Jeydee nalang kasama mo. At kayo na daw? Bes, nakakatampo ka." Sabi niya. "Mahabang kwento keileen. Ikukwento ko nalang sayo bukas o sa makalawa bes. Hindi totoong kami okay? Ingat ka diyan. I love you." Sabi ko.

"Sino kausap mo Karylle?" Tanong niya. Ang lungkot niya parin. Ano bang pwede kong gawin para maging masaya siya? Siguro pag binalikan siya ni Andrea pero mukhang malabo. How just how????? Ang hirap naman pasayahin nito ni babe. Samantalang ako, makita ko lang siya masaya na ako. Haist.

"Bespren ko. Tara na. Tignan mo akong magluto. Simple lang pero masarap to." Sabi ko.

-----

Namangha siya sa luto ko. Hehehe joke lang. Poker face lang siya tas oo lang ng oo nung nagluluto. Nakakapagod magpasaya ng tao. Hindi niya kasi ako mahal kaya ganon.

"Wow! Ang galing mo naman magluto. Eto yung una kong natikmang adobo. Thankyou for this." Sabi niya. Mukhang sumaya siya dahil dun sa adobo. Sa adobo lang.

---------------
Jeydee's POV

Yung lungkot ko na nawala dahil sa adobo. Ang sarap talaga. Si Karylle ang unang nagluto sakin maliban sa mga katulong namin sa bahay. Alam kong nagluto siya para pasayahin ako and I appreciate it. Nasa kanya na ata lahat. And now I 'm staring at her. She's so beautiful. Fvck this.

"Jeydee." She called me. "Bakit?" Lumapit ako at inakbayan siya. Wala parang gusto ko lang talagang gawin. That means, thank you very much. Dictionary ko yan. "Sorry." Bakit naman? "Kasi wala akong nagawa para mabalik sayo si Andrea." Dagdag niya pa. Ngayon, siya naman yung malungkot. "Wala kang kasalanan dun. Kung hindi niya na ako mahal, wala ka dun. Nagpapasalamat ako sayo sa lahat ng ginawa mo." Sabi ko.

"So bukas di na tayo magsasama ulit? Kasi wala ng kunwaring 'tayo' diba?" Malungkot na sabi niya. Oo nga pala. Damn. Di ko napansin yun. Basta ang alam ko lang ngayon gusto ko siyang makasama.

"No, just stay by my side." Nagulat siya sa sinabi ko.

Bakit ko ba yun nasabi?
What the.

Ipinatong ko yung ulo ko sa kanya. I don't know what I'm doing pero alam ko yun yung gusto kong gawin.

"I love you." She whispered. "Huh?" Patay malisya kunwari wala akong narinig. "Anong huh? Wala yon." Wews.

"Thankyou." I whispered. "Alam mo ba?" Dagdag ko pa. "Narinig ko yung binulong mo kanina." Tinakpan niya yung bibig niya. Hahaha so cute.

"Karylle. You're beautiful inside and out kaya wag kang malulungkot sa mga sinasabi ng ina sayo. Nandito lang ako lagi, okay? I'm not saying this kasi alam kong may gusto ka sakin. Sinabi ko yun dahil yun yong gusto kong sabihin." Sabi ko.

"Omg. 11 pm na Jeydee. May pasok pa bukas." Oo nga. Taena, di namin namalayan yung oras.

Waaah. Gusto ko lang siyang kasama. Sabihin niyo nga kung bakit, please?

"Aalis na ako. Hey. Karylle. Sabay tayo pumasok bukas pupunta ako dito ah? Bye."

"Goodnight. Mag ingat ka, babe. Joke. Hehehe."

Babe.

Joke. What the actual fvk? Bakit bumilis yung tibok ng puso ko nung tinawag niya akong babe? Minsan talaga abnormal si heart e. Haist.
Mag iingat talaga ako, sabay pa tayong papasok bukas e.

-------------

Jeydee's POV

"Yow, babe. Good morning! Joke." Kala niya siya lang pwedeng mag ganon? Haha. "Aga mo naman, babe. Joke. Here, pasok. May sandwich ako dito." Sabi niya.

Mukhang maganda pa siya sa umaga huh?

Himala! Himala talaga. Kasi di ko naisip si Andrea kagabi. Ano ba yon? Dahil ba sa adobo ni Karylle? Hahaha.

"Mukhang maganda ang umaga mo ngayon ah." Sabi ni Karylle.
"Mas maganda ka kaya." Nagulat nanaman siya. "Joke." Dagdag ko sabay peace sign. Ang cute niya talaga.

"Panira ka ng moment, Jeydee." She's so cute. Believe me. "Babe." Okay lang ba kung asarin ko ulit siya? Ahahahaha. "Ano?" "Babe kako. Babe nalang tawagan natin pero hindi naman seryoso, kasi naman ang pangit pag pangalan lang natin tawagan diba? Hahahaha." Sabi ko. Parang sumang-ayon naman siya. Ayyy si ateng gusto naman talaga.

"Pwe." Wews hindi pala. "Sige na babe."
Ngumiti siya ng onti. Wahaha blushing. "Ang dami mong alam." Sabi niya. "Babe." Dagdag pa niya.

:)

Papasok na kami pero wait...

Fvck yes! Sem-break na pala namin bukas.

"Babe, wag na kaya tayo pumasok?" I said. "Bakit nanaman? Baka may gawin tayong activi- wait. Sem-break na bukas!! Omyghad." She excitedly said. Kita mo naman na napakasaya niya.

"So wag na? Tara gala tayo." I said.
Parang gusto kong pumuntang EK. Waaah. Enchanted Kingdom with this beautiful girl.

Taena!

Bat ba puro precious girl, beautiful girl, babe ako? Di ko talaga gets. Wag mong sabihin na....

Am I inlove with Karylle?

Pero hindi.

Andrea

Andrea

Andrea

???

Siguro nadala lang ako kasi lahat ng mga gusto ko sa mga babae nasa kanya, pero I know si Andrea parin yung mahal ko.

Pati ba mga sobrang gwapo kailangan maluto ng ganto? Putcha sayang naman tong gwapo kong mukha.

"Babe, punta nalang tayong EK!" Sabi ko. "Huh???" Mukhang gusto niya. "Yes babe!!! Gusto ko diyan. Matagal narin akong di nakakapuntang EK. Last time na nagpunta ako, kasama ko si keileen. Waaah I miss her so bad." Namimiss niya na talaga bestfriend miya.

Bestfriend goals! <3

Chasing StarsWhere stories live. Discover now