Chapter 11- Cold?

37 4 8
                                    

JEYDEE'S POV

Kinakabahan ako pag nagsasalita si Keileen. Ibang klase tong bestfriend ni Karylle.

"Oy kumag!"

Ako ba si kumag?

"Ako? Kumag?" Tanong ko.

"Ay hindi. Yung ano, yan yang pagkain sa tabi mo may kumag."
Sabi niya. HAHAHAHHA KAHIT PAPAANO NAGETS KO DIN.

"Amag yon."

"Ay, amag pala yon, yung nasa pagkain, esp sa cheese? No?"

"Well. Oy amag. Este kumag bibiyan ko kayo ng time mag-usap ni Karylle pero wag na wag mong sasaktan yan, naalala mo sinabi ko kanina? Tutal mayaman ka naman, sundin mo yon kapag sinaktan mo si Karylle. Ryl, bibili lang ako ng kabaong. Ay este pagong, gusto ko kasi ng pagong sa bahay eh, magreracing sila ng aso ko."

Tumawa sila.

Bat di ako matawa? Ang lamig ng pakiramdam ko ngayon, kailangan ko ng jacket.

But this is it. I'll talk to her, lilinawin na namin ang dapat linawin.

------------------

"Babe." Naiwan na kami dito, si Andrew, may bibilhin daw siya, pareho sila ni Keileen.

"Yes?"

"Nagbago na ba isip mo? Di mo na ba ako gusto?" Parang ewan yung tanong ko.

"Ha? Anong sinasabi mo? Di mo dapat sakin tinatanong yan, dapat sayo."

Colder. COLD. HER.

"Okay, babe. Alam ko na lahat, ikaw yung gusto ko. Alam kong isang araw lang na pinag isipan ko yon pero sigurado na ako, di naman pala ganon kahirap sagutin na, mahal na kita,"

"Pero bakit parang ang lamig mo agad sakin?"

Dagdag ko pa.

"Babe. Anong iniisip mo? Hahahahahaha."

"Ako? Maaari ko ba namang pakawalan yung taong mahal ko dati pa? Na hirap na hirap kong abutin? Babe, you're overthinking. Pero ano sinabi mo kanina? Pakiulit nga."

Eto nanaman siya. Why are you doing this Karylle?

"Sigurado na akong mahal na kita!"

---------------------
Karylle's POV

Then, its all clear.

Pero number 1 rule.

Kahit sabihin pa niya na mahal ka niya, di ka parin magaassume.

Bawal mag-assume ng sobra, nakakamatay.

Number 2.

Diba lahat naman ng bagay may katapusan? Sana yung iba wala nalang no?

Hindi dapat magpakatanga, alam ko naman yan eh. At lahat ng mga nagmamahal alam yan, pero pag nahulog na talaga sila, nakakalimutan na nila yung salitang "sarili"

Number 3.

Marami kayong pagsubok na pagdadaanan, kaya dapat maging matalino sa pagdedesisyon, dahil lahat ng desisyon na ginagawa mo, may result yan, either good or bad.

Wa.... wait a minute hold up.

Wait.

Nasa diary ko yang rules na yan pero bakit sinasabi ko na agad? O iniisip ko na agad? Di pa naman kami diba?

Nabreak ko agad yung rule 1, bawal MAG ASSUME.

Okay, practice lang yon.

"Bakit ang lalim ata ng iniisip mo? Wah. Babe. Di mo na ba ako gusto?"

Chasing StarsWhere stories live. Discover now