Chapter 9- Dream

16 3 0
                                    

Karryle's POV

"Bes. Putong inire naman oh. Bes!!!" Sigaw ni bruha. Ano ba yon?
"May nagtext sayo, si kumag ata."

So panaghip lang yon? Hindi totoo?

Umaasa na ata ako ngayon eh. Wah! Basahin ko na nga lang yung nagtext. Sana siya.

'Good morning babe! Sayang hindi tayo makakapagbonding sem break pa naman. Sorry ang gulo ko. Napakalaki kong gwapo. Ay gago pala. Putcha typo. Hahaha. Alam kong malabo pero ayun yon. Dapat hindi ako mabigo ngayon, dapat tama na yung desisyong gagawin ko. Ewan ko, iniisip kita lagi pero bakit may Andrea parin? Sorry Karylle. Give me some time. Take care. This is Jeydee, your babe.'

Malabo nga. Sobrang labo na makatulog ulit ako.

Waaaah! Si Kei natutulog na ulit? Nahagok pa, jusq naman bes.

1:31 am na. Ang effort niya mag-type.

At iniisip niya daw ako?
Me too babe.

Napanaghinipan ko nga diba? Panaghinip lang.

Basta kung ano yung maging desisyon niya, si Andrea ba o ako, okay lang ako. I have my bestfriend, u know.
Pero iba din si Jeydee.

Basta. Walang kasiguraduhan na ako yung pipiliin niya. Okay na ako sa set-up na to, 'babe' ganern ganern.

Para sa mahal mo, handa kang magpakatanga. Para bang kahit mag-usap lang kayo pero yun lang yon masaya kana.

Rereplyan ko o hindi?

Wag na nga.

'Tulog ka ba babe? Bakit pakiramdam ko nabasa mo na text ko? Babe reply naaaa.' Wah manghuhula tong lalaking to.

'Anong dapat ireply ko? Antok pa ko Jeydee.' Babe.
'Walang babe? Galit ka parin ba? Taena kasi tong isip ko eh. What should I do? Para di na magalit si bebe gurl. Hehehe.' Naiimagine ko mukha niya, ang cute cute.

'I'm not mad. Actually galit na ako ngayon, istorbo ka ang ganda ng panaghinip ko babe' oo, totoo yon babe. Kasi sa panghinip na yun, mahal mo ako, ako lang.

'Sleep na. I'm sorry ulit. I. I-I'll sleep too. :*' good babe. Sana matuloy yung panaghinip ko.

------------
Jeydee's POV

Mag 2 2:30 am na but still, I'm still thinking of her.

Siya na ba talaga?

Bakit napakabilis naman?

Hindi na ba talaga si Andrea?

Kanina kasi tinignan ko yung mga pictures namin together pero to be honest wala na akong naramdaman, as in wala.

Ganon ba talaga kabilis yun?

Ang pagmamahal ba talaga kusa nalang dadating, yung oras na hindi mo inaasahan, bigla bigla nalang sa tuwing makikita mo siya, bumibilis tibok ng puso mo, pag nakikita mo siyang ngumingiti masaya kana rin? Ganon ba yon?

Ngayon, litong lito na talaga ako.

Hiyang-hiya narin ako kay Karylle kasi baka akala niya pinaglalaruan ko lang siya, isa lang sagot don. Isang malaking HINDI. Kahit kailan hindi ko pa pinaglaruan ang puso ng mga babae o ng mga nakakasama ko.

Kahit gwapo ako, I got a heart, and I got a soul.

Pero siya naba talaga? Putcha naman.

Pagdating ng panahon, magiging malinaw na sakin lahat, siguro kailangan ko ng kaibigan na tutulong sakin, pero wala na siya, wala na yung bestfriend ko.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now