Chapter 14. Get well soon Kyungsoo!

26.5K 673 55
                                    

E N J O Y!

**

Yhannie's POV.

Weekend ngayon at ako lang ang nandito sa sala.

Nandoon kasi silang lahat sa dance room, malamang naman at sumasayaw sila 'di ba?

Pasensya na. Pms lang.

"Yhaaan!" Sigaw ni Kai. Tumayo ako at umakyat sa 3rd floor.

Nakita ko namang nakalawit -yung ulo niya sa may pinto.

"Dalhan mo naman kami ng foods dito, oh. Gutom na kasi kami eh," Sabi ni Kai. Tumango na lamang ako at bumaba. Wala naman kasi akong iba masabi.

Ano ba ang masarap na lutuin?

Dahil sa wala talaga akong maisip ay gumawa na lang ako ng mga cupcakes na may mga mukha nila at name nila. Ang cute!

Nagtimpla na rin ako ng Juice para sakto.

Pagka-akyat ko ay nakita ko silang sumasayaw, at 'yung tugtog nila ay 'yung sariling kanta na kinompose nila, Growl! Iyon ang title. Iyan kasi ang sabi ni Baekhyun eh.

Napansin naman ako ni Leader Suho at biglang sumigaw.

"Okay, guys! Break muna tayo!" Sigaw niya.

"Huh? Bakit? Tayo ba?----HAHAHAHA!" Pambabara sa kaniya ni Chen! Kahit kailan talaga! Tsk, Pasaway!

"Ouuuch! Why you binatukan me? Yeollie, oh! Inaaway ako!" Natawa naman ako sa hitsura ni Chen, Baby damulag lang ang peg.

Napatingin rin naman ako kay Chanyeol, saktong tumingin rin siya sa akin kaya naman nagka-eye to eye contact kami. O-kaaaay? Bakit ganito?

"E-ehem!" Napatingin naman ako sa umubo.

"Oh, Luhan! May ubo ka?" Tanong sa kaniya ni Sehun. May sakit ba siya? Kailangan ko atang kumuha ng gamot.

"Hindi ba halata Thehun?" Pang-aasar naman ni Xiumin.

"Thahtupp!" Haaaay! Ang cute talaga ng batang ito.

"Cupcakes! Mukhang masarap ah?" Patakbong lumapit sa akin si D.O at sinunggaban ang isang cupcake.

Nilapag ko ito sa lamesa at akmang aalis na,

"Wait, wait, wait!! Saan you pupunta?" Sabay hila sa akin ni Chen, Trip niya mag taglish, ano po?

"Sa pupuntahan," Sagot ko sa kaniya habang bored na bored ang mukha. Bakit ba kasi ganito kapag meron ka? Nakakaewan lang.

"OH! BOOM! Magtatanong ka pa, ah!" Sigaw ng iba. Mukha naman siyang batang nagdabog. Ang cute niya. Nakakainis!

"Manood ka muna sa amin, babes! Tingnan mo muna 'yung galing ko sa pagsayaw" Malanding sabi ni Kai. Inirapan ko lang siya at umupo. Well gusto ko rin naman silang panoorin eh.

---

After nilang kumain ay sinumulan ulit nilang magpractice.

Sasali kasi sila sa sayaw sa lunes, mayroon kasing gaganaping Intermission.

Well, wow! Ang galing talaga nila promise! Mukha silang mga KPOP Band. Juice colored!

Ang gagwapo! Practice pa lang ito, ah! I admit, sobrang adorable talaga nila at ang lalakas ng sex appeal. 'Yung tipong mapapatili ka na lang sa kinalalagyan mo tapos kung anu-ano na ang maiisip mo! Something like that! 'Yung kikiligin ka na lang dahil sobrang hot nila sumayaw!

No wonder, madaming nagkakagusto sa kanila. Pero, there's really someone who caught my eyes.

Nakita ko namang napalingon dito si Luhan at si Chanyeol sa pwesto ko. May kailangan ba sila? Nag-iwas din naman sila agad ng tingin. O-kay? Ang weird nilang dalawa, ha. Epekto ba 'yan ng pagsasayaw?

Pero, okay na kaya si Chanyeol? Simula kasi noong aksidenteng nasabunutan siya ni Beatrice, the Demonoctopuscockcroach, parang biglang umiwas na siya sa akin. Ramdam ko eh. Sinisisi niya ba ako kung bakit siya nasabunutan? Haaay!

---

Hindi ko napansing nakaidlip pala ako, mga ilang ulit kasi nilang prinactice 'yung sayaw nila, dagdag pa na masakit itong puson ko. I fell asleep.

Nagising na lamang ako nang marinig kong biglang may sumigaw. Napadilat agad ako at napatingin sa direksyon kung saan nanggaling 'yung sigaw.

"D.O! Ayos ka lang ba?!" Naalerto ako bigla nang muling sumigaw si Leader Suho at nakaalalay kay D.O. What happened?

Lumapit ako sa kanila and there, I saw D.O na mukhang nasasaktan! Anong nangyari?!

"Anong nangyari sa kaniya?!" Tanong ko.

"Na-sprained kasi ni D.O 'yung paa niya," Halata sa mukha ni Baekhyun ang pag-aalala. Oh shiz!

Napatingin naman ako sa paa ni D.O, mukha nga. Namumula kasi ito, halatang fresh pa ang pagka-sprained.

"Dalhin niyo sa kwarto niya dali!" Utos ko sa kanila. Hindi ko naman kasi kayang buhatin si D.O.

"WHAT! Bakit babes? Anong gagawin mo kay Kyungsoo babyloves ko?!" Galit na sigaw ni Kai. Napa-face palm na lamang ako. Ganiyan ba talaga 'yung itatanong niya in this kind of situation?

Pagkarating sa kwarto ni D.O ay doon ko hinilot ang paa niya.

Grabe! Mukhang malala ang paa ni D.O!

Paano na sila niyan makakasayaw?

Naawa ako sa mukha ni D.O , mukha talagang masakit 'yung pagkaka-sprained niya. Masakit talaga 'yan, Yhannie! Ikaw kaya?

"Ayos ka lang ba?" Malamang naman HINDI. Mga tanungan mo talaga, Yhan eh.

"Oo." I'm expecting that kind of answer. Ang pinakasinungaling na sagot kahit kailan! But, I was caught off guard when D.O smiled at me! Shet, first time niyang ngumiti sa akin simula nang dumating ako rito! Omyshiz!

After ng ilang minuto na pagmamasahe sa paa ni D.O, ay nakatulog na siya.

Pinagmasdan ko ang tulog niyang mukha. His adorable face. Hinaplos ko 'yung malambot niyang mga buhok.

"Get well soo, Kyungsoo."

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon