Chapter 17. The other side of me.

25.7K 708 98
                                    

ENJOY THE UPDATE! ;)

**

Yhannie's POV

BORING. 

Hindi ko alam na 'yung susunod na pangyayari pagkatapos kong makakita ng intense na pangyayari ay magiging boring na pangyayari. Gets niyo ba? Kasi ako, hindi.

Katabi ko ba naman, si Chen na humihilikhilik pa. Si Sehun na may pinagkakaabahalan. Si D.O at si Luhan? Nasa kabilang ibayo! Lumipat ng upuan eh.

Ang boring naman talaga! Ano bang klaseng curricular activity ito? Kung nag-bake na lang kaya kami! Kaso hindi eh, nagkukwento lang itong Professor namin ngayon. Alam niyo 'yung feeling na, nagkukwento 'yung teacher niyo tungkol sa buhay nila, wala namang kinalaman sa lesson? Nakakaimbyerna kaya!

What's wrong with you guys? It's so boring! Sige, pansin ko kanina pa ako nag-eenglish!

"Hello!" Bati ko kay Sehun. Naboboringan na talaga ako eh! Alam niyo 'yun? 'Yung hindi ka mapirmi, naaalibadbadran ka na dahil sa sobrang kaboringan!

Ayun si Sehun! Snob ang ganda ko! Famous ata 'to!

"Sino nga pala 'yung mga lalaki kanina?" Oo na. Curious din ako doon sa Born to Beat na iyon. Lalo na kay, ehem, Peniel. Kyaaah! Kinikilig ako kapag sinasambit ko 'yung name niya!

"H'wag mo ng alamin!" Oh, 'di ba? Sumagot din! Ang sungit na naman nito! Mukhang wala akong mapapalang matinong sagot sa kaniya, ah? Tara't man-trip!

"Bakit ang sungit mo?" 

"Wala kang paki!" 

"Ano favorite color mo?"

"Ewan ko."

"Favorite food?"

"Ewan!"

"Favorite shirt?" 

"EWAN!"

"Favorite drinks?" 

Hindi na siya umimik. Nakasalabong na 'yung cute niyang mga kilay. Aw!

"Alam mo ba, favorite color ko ang violet. Favorite food ko ang adobo. Favorite shirt ko naman ay 'yung  Spongebob kong kulay black at ang favorite drink-----" Hindi na ako natapos magsalita dahil sumigaw na pabulong si Sehun.

"WILL YOU THUT UP?!" Natawa naman ako bigla sa sinabi niya. Hahahahahaha! Ang cute niya talaga kapag hindi niya mabigkas 'yung 'S'.

"Thehun? What did you thay? And why are you thouting? Did you know that thouting ith bad?!" Pang-gagaya ko sa kaniya. Hahahahahahahaha! Nakakatawa 'yung mukha niya! Hindi ko mapigilang hindi matawa! Hahahahahaha!

Napatigil lang ako nang tingnan niya ako nang sobrang sama! Pfft! Hahahahaha!

"Ang boring--hahahaha--kasi eh!" Sabi ko at nag-pout pa. Ang cute cute cute ni Thehun!

"THO? Anong paki ko?"

"Anong THO? Ayun ba 'yung kasunod sa One? One, tho, three, four---Hahahahahahaha!" OmyGod! Hindi ko na kaya! Hahahahahahaha! Ang corny ko talaga, grabe! Hahahaha! Pigilan mo, Yhannie! May Prof. sa harapan! Hahahahaha!

"Dapat na ba akong matawa?" Naiinis niyang tanong. Nag-peace sign naman ako sa kaniya at tumigil na sa pagtawa.

"Ang sungit mo! Balak ko pa naman manlibre ngayon! Alam mo kasi 'yung favorite drink ko, Bubble Tea! Masarap iyon! Alam mo ba 'yun?" Tanong ko sa kaniya.

Para naman siyang napatulala at parang biglang kuminang yung mata! Ha?

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sabay hipo sa noo nito. Anong nangyari?

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon