Chapter 32. Weird feelings..

22.3K 592 59
                                    

Enjoy reading! :* Thankyou! :)

***

Yhannie's POV

"WOW.."

Akala ko isa lang talaga siyang napakagandang park but NO!

No, no, no way! Sa pinaka loob nitong park ay mayroong isang Amusment Park! OMG! ANG GANDA! Ang daming ilaw na nagkikislapan! Tapos konti lang yung tao dito sa park kaya naman makakasakay ka kaagad sa mga rides!

"B-bakit tayo nandito?" Tanong ko. The last time I checked, sa Amusement Park din kami nag double date. But that time, iba ang ka-date niya!

"Bakit hindi natin ituloy ang naudlot na date natin? Besides, I want to ride these rides with you,"

Bakit ba ang straight forward na lang niya bigla? Pwede naman siyang magdahan dahan sa pananalita! Para na akong aatakihin sa puso eh! Tapos feeling ko pulang pula na yung mukha ko! Ghad, I'm not really feeling well!

Ito na namang pakiramdam na to! Gulay naman! Ano na bang nangyayari sa puso ko? Bakit palagi na lang tumitibok ng mabilis at malakas kapag kasama ko siya?

Hinila niya na lang ako bigla. Nakakainis yang kuryenta na yan, ha! Napatingin naman ako doon sa hawak niyang kamay ko.

Bakit parang gusto ko na lang biglang tumili?! Bakit ang init init ng pakiramdam ko? Hawak niya lang naman ako, ah! Bakit ang lakas ng epekto sa akin?! Nakakainis ka na, Luhan!

---

"WAAAAAH! OH MY GOD! I'M GONNA DIE! WAAAAAH!" I'm gonna die!

"WOHOOOOOOO!!" Yung katabi ko naman tuwang tuwa! Fucking shit! Para na akong maiihi sa suot ko! Nandito lang naman kami sa isang ride na yung dahan dahan tataas tapos biglang bababa. Ewan ko ba kung anong tawag dito! Basta, ayokoooo na! Gusto ko nang bumaba!

"HAHAHAHA! ANG PANGET MO!" Sigaw pa ng kupal kong katabi. SHET! Umiikot yung paningin ko! Ayokoo na talaga!

"MAS PANGET KA!----WAAAAAAH! AYOKOOO NA!"

---

Pagtapos ng isang nakakahilong ride, naupo muna ako sa bench. Leche! Hindi kinaya ng abs ko yun ah! Hindi naman ako sukahing tao. Pero waaah! Nahihilo ako!

"Hoy! H'wag ka ngang mag pout! Ang panget mo!" Saway naman ng katabi ko. Bwisit! Porket tuwang tuwa siya sa hitsura kong mukha na-rape ng....ni..ugh! Basta! Mukha akong losyang!

Mas lalo pa akong nag pout! Mainis ka! "Hoy, bakla! Ang kapal mo! Mas panget ka pa sa akin!" 

"WHAT? BAKLA? MANLY AKO! Inggit ka lang! At panget? Kaya pala! Kaya pala tinitingnan mo ako, ha!" Nakangisi niyang sabi. Para namang nag-akyatan lahat ng dugo ko at napunta sa mukha ko!

"A-anong t-tinitingnan? H-hindi n-no! B-bakit naman akong maiinggit sa Hello Kitty mong mukha? B-baliw!" Nauutal kong sagot sa kaniya. Para naman siyang tanga! Kung anu-ano pinagsasabi niya!

"Hello Kitty is cute! You monster!" Tapos bigla niyang pinisil yung pisngi ko. Imbis na magalit ako ay para bang kinikilig pa ako! Ang lapit niya sa akin... shocks! Namumula pa naman ako! Grabe, para akong mahihimatay sa kilig. Leche naman, ang landi landi ko!

Ang sakit na ng pagkakapisil niya! Naniniwala na talaga akong hindi siya tahimik! This naughty girl!

"Masakit! Bitaaaaw!" Sigaw ko. Nakangiti pa siya habang pinipisil ang mukha ko. Gusto kong matulala.. ang ganda ng view. Mas maganda pa ito dito sa Amusement Park.

"Hahahahaahahaha!" Tawa niya. Aray ko! Ang sakit na, ha! Tuwang tuwa pa siya!

"Hindi ka bibi---" Bigla niyang binitawan yung pisngi ko tapos bigla siyang tumakbo at bumelat sa akin! Hindi man lang tinagalan yung pagpisil? Kainis, ah!

Hinabol ko rin naman siya! Nakakainis! Binitin niya ako! Este--- ang sakit kaya nun!

"Kapag nahabol talaga kita! PAPATAYIN KITA!" 

Papatayin kita sa lambing ko!

SHET! Saan ko nakuha yun? Mandiri ka sa pinagsasabi mo, Yhannie! Epekto siguro yan nung ride na tataas at biglang bababa!

Naghabulan kami dito sa Amusement Park. Letche naman, ang bilis tumakbo ng lalaking ito!

"HOY! TUMIGIL KA NGA!" Sigaw ko sa kaniya.

"BLEEEH!" Aba, ang bakla nang belat pa! Pasalamat siya gwapo siya!

"Ang sweet naman nila! Kinikilig ako!"

"Oo nga, eh! Sila ba?"

"Ang gwapo nung guy!

"Maganda rin naman yung girl, ah! Kinikilig ako!"

"OMG! May shooting ba? Nakakakilig naman sila!"

ANO DAW?!

Ang sweet nila...

Napahinto naman ako sa paglalakad..

Sweet? Kami? Ew, kadiri! Sino nagsabi nun? Hindi kaya!

Dug dug dug dug dug

Napahawak ako sa dibdib ko. Ayan na namang weird feelings na yan, ang lakas ng kabog niya.

"Hoy! Bakit ka huminto?"

"H-ha?" 

"Wala! Napagod ako dun, ha! Tara kain na muna tayo!" 

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila ako...

Ang sweet nila..

Ang sweet nila..

Dug dug dug dug dug dug

Ano ba tong mga weird feelings na nararamdaman ko? Nakakainis na!

Tumingin ako kay Luhan na nakangiti habang tumitingin nang makakainan.

Napapangiti na rin ako..

May gusto na ba ako kay Luhan?

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon