Chapter 21. A new character.

23.7K 574 39
                                    

E N J O Y !

Sabrina -->

**

Chen's POV.

"Chen! Ano ba kasing ginagawa natin dito sa mall?" Reklamo ni Baekhyun. Itong bakla na to!

"Duh! Paulit-ulit? Ano? Tangangers lang?" 

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil binatukan niya ako. Ouch men!

"Umayos ka, Chen! Nakadamit pa tayo na parang holdaper!"

"Anong ba kasing trip mo?"

"Ayan na, ayan na! Shhh, h'wag kayong maingay!" Napatingin naman sila kung saan ako nakatingin. 

"Si Yhannie?" Mahinang bulong ni Tao. 

"Hindi, ah! Ako kaya yan!" Pang-aasar ko sa kaniya. Nagtatanong pa kasi! Heh.

Binatukan naman ako ni Tao. Aray ko! Pangalawang beses na!

"Anong mayroon kay Yhannie at sinusundan natin siya?" Sabi naman ni D.O.  Akala mo naman hindi nila gustong sundan, pero kung makabulong akala mo nasa harap lang namin si Yhannie. Mga abnoy talaga sila, no?

"Wala lang! Malay mo kasi 'di ba? Nakikipag-date siya, sa ibang GUY!" Nilakasan ko talaga yung pagsabi ng ibang guy. He he he! Alam niyo naman na malalandi ang mga kasama ko.

"Oo nga, ano!" Sabi naman ni Gramps Suho. Naku! Echo talaga ni Leader!

"Shiz! Sino yung kasama niyang bata? Anak niya?" Parinig ko pa ulit, and this time, tumingin na siya. Akala mo ha! Gusto niyo bang malaman kung sino? He he he.

"Gaga! Kapatid niya yan!" Sabay batok sa akin ni Chanyeol. Pansin ko lang, ha? Kanina pa nila ako binabatukan! Hindi ba nila alam na masakit? My precious head! Chos.

Maya maya pa'y nagpunta sila ng WOF. Wala namang kadudaduda eh! Pinagtritripan ko lang talaga si ano! Secret muna kung sino, okay?

Dahil nasa WOF na rin sila, naglaro na rin kami. Syempre hindi kami nagpahalata. 

Nakita nga namin si Sehun nakatingin kay Yhannie na naglalaro ng basketball tapos tumatawang mag-isa. Seryoso? Baliw na siguro si Sehun. Pero..

Pfft! Nakakatawa naman kasi talaga siya! Hindi man lang siya maka-shooot ni isa! Hahahahaha! #AngTangangersniYhannie JOKE! H'wag niyo kong susumbong, ha?

Maya-maya pa ulet, lumabas na sila ng WOF. Balak pa sana namin siyang sundan kaso...

"EXO? Is that you?"

May isang boses ang umalingawngaw sa mall, na nakapagpatigil sa amin. 

Sabay sabay kaming lumingon sa pinang-galingan ng boses..

Nang mapagtanto namin kung sino yung tumawag sa amin ay halos lumuwa ang mga mata namin sa gulat!

"SABRINA?!" Sabay sabay naming sigaw!

"OMG! Kayo nga! I missed you guys!" Tumakbo siya papalapit sa amin at isa-isa kaming niyakap.

"Kailan ka pa umuwi?" Tanong ni Lay na biglang nagseryoso.

"Kahapon lang. So, kamusta? Grabe! It's been a year! Bakit hindi muna tayo mag-bonding, right? Namiss ko talaga kayo!" Si.. Sabrina? Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayaring ito! S-si Sabrina.. umuwi na?

"N-namiss ka rin namin. Tara nga't mag group hug!" Sabi naman ni Gramps Suho. Nag group hug naman kami. Pagkatapos ay napatigil kami nang mapansin ni Sab si...

"Oh, God! You don't know how much I missed you, baby!" 

Shet. Mission failed!

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon