Chapter 31. Ituloy ang naudlot na date!

23.7K 626 65
                                    

Pagpasensyahan niyo na kung medyo corny or boring ang chapter na ito! Promise, wala akong alam sa mga mushy things! :P Pero sana kiligin kayo! :*

***

Yhannie's POV

Naramdaman kong tumigil na yung van tapos biglang nagsalita si Tao.

"Baba na,"

"Nasaan ba tayo?" Tanong ko. Mamaya naman kasi pinapaasa lang ako nito na may... m-may d-date kami ni Luhan---oh! Hindi ako umaasa, ha! S-syempre ano! Basta ano!

"Basta. Bumaba ka na lang!"

"HA? Ayoko nga!"

"Bababa ka o iwuwushu stick kita?" Binigyan niya ako ng nakakatakot na death glare, pero ang hot niya pa rin!

Mabilis pa sa alas kwatro akong bumaba ng van.

"Sabi ko nga 'di ba?" Tapos sinara na niya yung van at saka umalis. Iniwan daw ako dito!

Tiningnan ko yung paligid ko..

Nandito ako ngayon sa harap ng isang park. Actually nasa gate pa lang ako pero sobrang ganda na noong surroundings.

Sobrang green talaga nung mga dahon at mga puno. Nakakarelax sa paningin. Saan kayang lugar ito?

"Nandito ka na pala," Nagulat ako nang may magsalita sa may gilid ko.

Tiningnan ko kung sino ito..

OH MY SWEET CHEESE CAKE!  Si Luhan nga! Myghaaaad! Bakit ang gwapo niya ngayon sa attire niya? Shocks!

Tapos may dala pa siyang dalawang Ice cream, parehas strawberry flavor. Yummy!

"Oh," Hindi siya masungit ngayon, ha. Tapos inabot niya sa akin yung isa. 

"Bakit nga pala tayo nandito?" Tanong ko. Confused na confused talaga ako kung anong nangyayaro! Tapos anong sabi nila?

D-date namin..?

WAHHH! Feeling ko nagbablush na ako ngayon pa lang. Kakainis!

"H-huh? A-ah, ewan ko! P-pinapunta lang rin nila ako," Napatango na lang ko sa sinabi niya. Bakit ganun? Parang nanghinayang ako? Ah, saan naman?! Baliw na talaga ako!

Geez. 

"Tara may ipapakita ako sayo," Sabi niya sa akin.

"Teka lang naman. Ang sakit na ng paa ko!" Reklamo ko.

"Saglit lang tayong naglakad, masakit na paa mo? Tamad ka lang!" Nakapasok na kasi kami dito sa Park. Hala! Siya kaya ang mag-heels? Bwisit kasi sila Chen eh! Ito daw ba ang ipasuot sa akin!

"Hindi ako tamad!" Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

Hindi siya umimik. Inirapan lang ako. Feeling ko bakla rin tong si Luhan eh.

---

SUHO'S POV

"Oh, 'di ba? Sabi ko sa inyo magiging effective yun, eh! Ang galing ko talaga! Hahahahaha!" Nababaliw na sabi nitong si Chen.

"Oo nga! Nice!" 

"Awaw! May mga broken hearted tayo dito! Ahuhu!" Pang-aasar pa ni Chen kanila Kris at Chanyeol.

Hehe. Naguguluhan na ba kayo sa amin? Ganito kasi yan, nagplano kasi kami-- este si Chen naman talaga ang nakaisip nun. Na kapag nagising na daw si Yhannie ay sasabihin namin sa kaniya na parang nag-date si Sab at Luhan. Titingnan lang kasi namin kung magseselos siya, and then beng! Nakita namin sa kaniya na nag selos nga siya! Hahahaha! At nang sabihin naming may date sila ni Luhan hindi maipinta yung mukha niya at biglang namula. Na in love na ba talaga yun?

Heto kami ngayon, nagmo-movie marathon pa rin. Inaasar nila si Chanyeol at Kris. Well si Chanyeol mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa samantang si Kris poker face lang. Ewan ko ba dito kay Kris, masochista! Actually siya nga yung nakaisip ng date nila ni Luhan. Nakakalurkey siya!

Tinanong nga namin yan eh,

"Gusto mo si Yhannie, 'di ba? Bakit mo ito ginagawa?"

Ang ganda lang ng sagot niya! Wala! Nag-shrug lang siya. Parang tanga!

Walang magawang tama sa mundo. Grabe pala talaga ang pag-ibig. Nakakaloka ako! Ako ang nasasaktan para kay Kris at Chanyeol eh. Haaay!

Buti pa ako, masayang masaya kasama ang mga pera ko! Bwahahahaha!

Pag-ibig nga naman!

---

Yhannie's POV.

WOW! MAJOR MAJOR WOW!

As in, mapapa-AMAZING ka! 

Grabe! Ang ganda nung river na nakatago dito sa may park!

Wala na akong masasabi pa! Sobrang ganda! Dahil medyo gabi na parang kumikinang yung river tapos may mga ilaw dito na parang sa christmas lights. ANG GANDA GANDA!

"Feel na feel mo, ah?" Hindi rin ako makapaniwala dito kay Luhan eh. Para bang nag-transform siya bigla into good-handsome-hot-manly-guy! Shet!

"Bakit masama bang i-feel ang ambiance ng lugar na ito?" Pang babara ko sa kaniya. Ang sarap asarin, pikon kasi!

"Oo! Lalo na kapag ikaw!"

AY, ABA! Ang kapal ng mukha ng babae na ito!

"Hoy! Babaeng may katawang lalaki, h'wag kang epal!"

"ANONG SINABI MO? BABAE?! LALAKI AKO! LALAKI!" Sigaw niya sa akin. Magkalapit lang kaya kami!

"Talaga? Sabi mo, eh!" Nginitian ko pa siya nang mapang-asar.

"Manly sabi ako!" Sabay irap niya sa akin. Grabe!

"Manly ka, talaga? Pero marunong kang umirap! Hello kitty lover!"

"Damn. Just shut up, okay? I'm manly!"

Hanggang sa ibulong niya na manly siya! Baliw na tong si Luhan!

           

Pero, infairness talaga!

"Bakit ang daldal mo ngayon?"      

"Bakit masama?"                

"Oo! Lalo na kapag ikaw!" Pang-gagaya ko sa kaniya. Akala niya ha!

Tiningnan naman niya ako nang masama! Bleh! Hahahaha!

"Hindi naman kasi ako tahimik tulad ng inaakala mo,"                     

Tumingin ako sa kaniya, at parang gusto ko na lang tumalon dito sa river na nasa harap namin! Paano ba naman nakatingin din siya sa akin tapos... tapos.. myghad! Bakit ang init bigla?

           

"Ahhhhh," Umiwas ako ng tingin. Wala akong masabi. Siya? Hindi tahimik? Isang malaking WEH! Hindi ako sanay na madaldal siya!

"Tara," Bigla niya akong hinawakan sa may wrist ko at hinila. Shet! Bakit ganun? Bakit nakaramdam ako ng kuryente nang hawakan niya ako? Nakakaloka!

Naramdaman ko ang biglang pagbilis at paglakas ng kabog ng puso ko. Ano na bang nangyayari sa akin?

"S-saan tayo p-pupunta?" Nauutal kong tanong. Sana hindi niya naririnig ang malakas na kabog nitong puso ko.

Akala ko nga wala nang ikakalas yung kabog ng puso ko, pero nung sinabi niyang..

"Sayang ang gabi. Mag-date na lang tayo!"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Mahihimatay pa ata ako.

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon