Chapter 27. A date with him! (PART 3)

23.2K 615 80
                                    

Mag-enjoy lang kayo sa pagbabasa! Mahal ko kayo! :)

***

Yhannie's POV

Tapos na kaming kumain at naglalakad na lang kami ngayon, nang may tumawag kay Kris.

Lumayo siya sa akin gaano, after siguro ng mga 3minutes? Bumalik na siya at inaya ako kung saan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Pero ngumiti lang siya. Minsan talaga kinikilabutan ako sa lalaking ito!

At isa pa, hindi ko talaga ineexpect na magde-date kami!

---

Napunta kami sa tapat ng Photoboot. 

Pero nagulat ako nang makita sila...

"Oh!" Sambit ni..

"Hey, Luhan! Sabrina! What are you two doing here?" Tanong ni Kris. Yeah, nandito nga rin pala sila.

"What a coincidence!" Mataray na sambit ni Sabitch. Tumingin siya sa akin at, "Us? We're dating." Naka-death glare pa niyang sabi. GEEZ! Para namang may pakialam ako?

"Really? Would you mind if we have, you know? A double date!" Makahulugang sabi ni Kris. What the heck?! DOUBLE DATE? Akala ko ba galit siya kay Sabitch?

Nanlaki naman yung mata ni Luhan at Sabitch. Psh.

Oh, please! H'wg kayong pumayag. Sira ulo na ba itong si Kris?!

"Sure! We'd love to! Right,  honey?" Malanding sabi ni Sabitch. 

Nakakasar! Right, honey?! right honey your ugly face!

---

So we end up, DOUBLE DATING. Surang sura na ako sa pagmumukha ni Sabitch. 

Gabi na at kumakain kami ngayon ng dinner. 

Nasa isang restaurant kami at kaharap ko lang naman si ... Luhan.

GRABE TALAGA SILA, ANO?

Hiyang hiya ako sa kanila! Sinusubuan lang naman ni Sabitch si Luhan. Wala bang kamay si Luhan para subuan mo? Bwisit!

Nababadtrip talaga ako!----

Wait, WHAT?

AKO? Nababadtrip? Bakit naman ako nababadtrip, ha? No! Pagod lang ako! Tama!

"Here," Nagulat ako nang bigla akong sinubuan ni Kris. Hindi na tuloy ako nakapalag. Naiinggit ba siya?

"You're blushing, haha!" Pang-asar niya pa sa akin. Sinong di magba-blush? Subuan ka ba naman ng isang hot papable?

"H-hindi kaya!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Hahaha! You know, Let's eat!" For the second time around! Sinubuan niya na naman ako.

At sa hindi malamang dahilan, napatingin ako kay Luhan...

Nakatingin rin siya sa akin!

Myghad! Parang kumulo ata yung tiyan ko at parang may nagliliparan. Gutom pa ba ako? Nakaramdam rin ako ng pag-init ng mukha ko. O-kay! What the hell is happening to me?!

Biglang nag-ring yung phone ni Kris, kaya naman naalis ang tingin ko kay Luhan.

"Wait me here, okay? Sasagutin ko lang itong tawag." Sabi niya sa akin at saka umalis.

Mayamaya pa, nag-ring naman yung phone ni Sabitch.

"I'm just going to answer this, babe." BABE? EWW! Ano siya? Baboy? Nakakabadtrip----what? Wala, wala! 

Then realization hit me!

Kami na lang ang naiwan ni Luhan dito! Myghash! Bakit parang kinakabahan ata ako? Don't tell me.. natatae ako? Aish, hindi! Grabe, feeling ko ang bigat bigat ng atmosphere! Maybe, I'm not feeling well.

Ano ba yang pinagsasabi mo, Yhannie? Nababaliw ka na talaga!

Namuo ang katahimikan sa pwesto namin.

AWKWARD!             

"Ahh,"

"Uhm.."        

Mas lalong naging awkward! Shet!

                       

Maya maya pa'y bumuntong hininga si Luhan at tumingin sa akin. Myghad! Bakit ka ganiyan makatingin? Parang matutunaw ako!

"Are y-you and K-kris, are you t-two in, uhmm, r-relationship?" Nauutal niyang tanong. Bakit ka nauutal? Pinagpapawisan ata ako.                      

Pero, WHAT?

Kami at ni, K-kris? Pero bakit niya naman tinanong yun? Bakit niya ba ako kinausap? Nakakinis naman eh!

       

"N-no.."                 

Hindi naman talaga, 'di ba? Hindi ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko. Ang lakas lakas ng kabog ng puso ko! Bakit ganito na lang ang epekto mo sa akin, Luhan?        

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon