hayaan mong ikwento ko sayo ang tungkol sa ating dalawa
ang love story na hindi love story dahil wala namang love
ang istoryang minsang ikinasaya at biglaang naglaho at binawi.
ang ating istoryang minahal at inalagaan,ngunit ako lang ang lumaban.hayaan mong isulat ko ang kwento nating puno ng sakit at hapdi.
na sa bawat letra nag durugo ang aking puso na tila luha lang din.
na sa bawat salita nag sasabing iniwan mo ko at wala ka na
at sa bawat pangungusap na habang isunusulat ako'y nasugatan at hangang ngayon nasusugatan.lumapit ka sakin at pakinggang ang aking kwento,
kung pano mo ko tignan mag isang lumaban at makuntento
pero alam ko na para sayo,lahat wala lang ito.
nung tayo pa nga lang wala ka ng pake sa aking mga kwento.
para kang binging walang marinig,bulag na walang makita at pinto na nakasarado.iniwan mo ko ng hindi naririnig ang aking kwento.
ang kwento nating dalawa na aking tinago.