Naaalala mo pa ba?

18 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba noong bata pa tayo
Pinipilit tayo matulog tuwing tanghali?
Nilalagyan ng pulbos sa likod at kili-kili habang pinupunasan ng pawis?

Ilang pilit pa ba ang kailangan para pumayag kang maligo?
Ilang gulo pa sa buhok pagkatapos suklayan at ayusan?
At ilang tawag pa ba ang kailangan para sabihing matulog ka na?

Gameboy,psp,nintendo at tamagochi
Tagutaguan,habulan at langit lupa.
Isa karin ba sa mga batang kalye na nag lalaro nito?

Naaalala mo pa ba ang kanta para ika'y makatulog?
Eh ang pangaral sayo kapag ikaw ay nag bubulakbol?
Naaalala mo pa ba ang gatas na iyong iniinom bago ka matulog?
Eh ang pag gising mo sa umaga para sa spongebob na iyong pinapanood?

Naaalala mo pa ba?
Maging bata at maging masaya?
Kasi ako,oo.

Tula-la: Poems with storiesWhere stories live. Discover now