Tatlong Estado ng Pagmamahal

11 0 0
                                    

pang una ay ang kasiyahan.

kung saan pinangarap natin magkaroon ng masayang tahanan at plinano ang kinabukasan na inaasam asam. sinabi mo pa sakin na buksan ko ang aking mga mata at kailangan ko ng mag handa dahil may paparating na laban sa pagitan natin at nila, sa mga humahadlang na madla na walang tigil na humuhusga sa ating relasyon at patuloy akong sinasabihan ng "hindi ka mahal nyan." pero hindi ako nakinig, pinatahimik ko ang ingay ng mundo, pinatila ko ang ulan, pinababa ko ang araw at pinaningning ko ang mga bituin para lang malinaw ang pag kakarinig ko ng mga katagang, "baby, mahal kita." mahal, yang mala anghel mong boses ay para akong niyayapos, na sa tuwing ako ay humihinga ay parang kinakapos, pati ang aking dila ay napapatid at mga salita ay nauubos, musika sa aking tenga yang boses mo na nakaka akit ng lubos at sa huli yang katagang iyan ay hindi malalaos. panong hindi malalaos? ilang tao ba ang nasabihan mo na nyan? ilang baby ba ang meron ka at pang ilan ako dyan?

Pangalawa, ito ang pag hihirap.

Namumuo na rin ang mga katanungan sa utak ko sa estadong eto. Bakit ka biglang naging malamig na parang hindi uminit ang ating pagmamahalan,bakit ka umalis na parang di ka dumating sa aking buhay? bakit bigla kang lumayo na parang di tayo nagkalapit? At bakit bigla kang nag iiwas ng tingin na parang di ka nasanay sa aking tingin. Mahal mo naman ako diba? Ah alam ko na. Mag mamahal na nga lang ako meron pang kakompetensya. Tignan mo nga naman tong si tadhana,ako lang ba ang nakakapansin o talagang lumalamig na ang hangin? Mukhang una pa lang talo na ko at gusto ko ng sumuko. Ano nga ba ang laban ko sakanya?
nagkaroon ng pagkakataon,Sabi mo sakin kung kamusta na ko. Di ko nga alam kung maasar ako o hindi, sisigawan kita o mananahimk na lang. pinatahimik ko ulit ang mundo,pinatila ko ang ulan,binaba ko ang araw at mas pinaningning pa ang mga bituin para naman malinaw yang mga sinasabi mo at hindi ko isipin na hindi makatotohanan. Ngumiti ako, hinalikan mo ko sa aking sentido, aking looban ay nag haharumentado, dahil yang tingin mo sakin ay naka sentro,
nag joke ka pa nga pero mali ang intro.
Pero di mo matatago saakin ang iyong sikreto, na bago ako meron kang ibang gusto, ayaw ko mang maniwala sa lahat ng sinasabi ng mundo pero parang lahat ay totoo.
Luha,
luha ang lumabas sa aking mata na dating may kislap ngunit ngayon,kung titignan mo, pagod na.
Pagod na ko,
ubos na ko,
suko na ko.
Yan lang ba ang hinihintay mo kaya di ka umaalis sa aking tabi kahit alam kong gustong gusto mo ng lumisan at iwan itong babaeng ito na nag papakatanga sayo at lagi kang sinusuyo kahit sobrang hirap na,
titignan parin kita sa mata at mag papanggap na may pagmamahal parin akong nakikita kahit alam ko namang patay na yang pagmamahal mong naramdaman sakin noon.
Noon yun at hindi ngayon, ang dami ng nag bago,ilang araw na din ang namarkahan sa kalendaryo para mag tungo na tayo sa huli at pangatlong estado.
Kalayaan.
Hindi ito yung kalayaan na kung saan malulungkot ka,eto nga yata ang gusto ng mga taong gusto ng kumawala sa patay na pag ibig. Ito yung kalayaan na matagal mo ng hinahangad hindi ba? Pero imbis na ako ang mag sabi ng pinapalaya na kita eh parang ako pa yata ang nahihirapan, yaang kasarinlan ay hindi ko kayang hagkan sapagkat alam kong mangungulila ako saiyong yakap.sinabi mo sakin na tapos na tayo, tinanggap ko ng buo,pero bakit mo ko sinasabihan bawat minuto ng miss na kita? Bakit sinasabi mo na kung pwede pa ba? Bakit mo ko hinahabol na parang ako ang tumapos sa meron tayo noon at hindi ngayon.
Hindi ngayon, ako na ngayon ang hihingi ng kalayaan, dahil hirap na hirap na ko.
Mahal,mahirap man,gusto kong iyong malaman,paalam.

Nasan ka sa tatlong estado ng pagmamahal? Dahil ako, nakakulong ako sa palawa.

Tula-la: Poems with storiesWhere stories live. Discover now