Giyera

21 0 0
                                    

Eto ang tula kung saan pinilit kong hindi umiyak.Hindi alalahanin lahat ng aking pagiging isa,Isa lang at walang kasama sa ating giyera.
nangungulila sa kamay mong malambot at mainit na para akong hinehele sa bawat haplos at hagod mo sa aking likod,ako'y hinehele sa bawat sabi mo ng mahal kita.
Nasan ka? Paulit ulit kong tinatanong kung nasan ka dahil mahal kita.
Hindi alam kung san hahanap ng kalinga at pagmamahal Na iyong pinagkait,at minsan lamang pinaramdam.
Ako'y nangungulila sa iyong yakap at pag hawak sa aking kamay dahil mahal kita.

Hindi ko na yata kaya. Lahat ng panghuhusga at paghahadlang sa ating pagmamahalan
Ako ang sumalo,at ako ang sasalo dahil mahal kita.
Oo paulit ulit kong sasabihin na mahal kita.
Kahit ilang beses mo kong bitawan,Kahit ilang beses mo kong iwan
Kahit ilang beses mo kong sukuan
Mahal kita.

Ako lang ata ang lumaban at promotekta,Ako pa yata ang lugi sa ating dalawa
Ako na nag hirap at kumalimot sa buong mundo para lang alagaan ka.
Hindi mo ba ko naiintindihan na ako ay sawi at desperado na ika'y bumalik at hagkan ng mahigpit para lang malaman na nandito ka.
Nandito ka at hindi ako nag iisa.

Lalaban at lalaban ako. Hindi ko alam kung saan pupunta to pero lalaban ako.
Sa bawat iwas mo sa kanilang suntok ng pang aapi, nandito ako para tanggapin at kunin lahat ng sakit at hapdi na dinulot lahat ng itong pagmamahal na hindi ko na alam kung pag mamahal pa ba.
Tignan mo ko, sa aking mata at pipilitin ko ipakita sa yong ang pagkabog ng aking dibdib para sayo at sayo lang hindi ako aalis at dito lang sa iyong piling kahit pilit mong luwagan ang iyong kapit sa aking mga braso. Dito lang ako hanggang mamatay sabay sa pag tigil ko sa giyera ako'y nandito lang naghihintay para makapiling ka.

Tula-la: Poems with storiesWhere stories live. Discover now