Ikaw

18 0 0
                                    

Sayo ako natuto promotekta,magmahal at mag alaga.
Sayo ako tumawag,nagsalita at umiyak.
Sayo ko naranasan maging masaya.
Sayo ko nakita yung taong hindi ako iiwan.

Minsan tayong nagkaaway at nag katampuan,
Minsan tayong nagbati at nag saya.
Minsan tayong hindi magkaintindihan.
Pero hindi ka naglaho at lumisan.

Punasan mo ang luha ko at makinig sa aking istorya.
Sa problema kong ikaw lang ang nakakaintindi at umunawa.
Hindi ako hinusgaan at pinilit pakinggan.
Lahat ng hikbi,pag sigaw at pagluha.

Hayaan mong intindihin kita sa lahat ng iyong hinain.
Katulad ng ginawa mong yakap at hagod sa aking likod.
Mamahalin kita katulad ng hindi mo pag iwan sa akin.
Tandaan mong nandito ako at aalagaan kang wagas.

Kaibigang tinuruan akong magmahal ng sobra at walang kapantay.

Tula-la: Poems with storiesWhere stories live. Discover now