Malaya ka na

11 0 0
                                    

Nag simula sa tayo, nag tapos sa kayo.
Nag simula sa lapit, nag tapos sa layo.
Nagsimula sa ako at ikaw, nag tapos sa bitaw.
Ngayon tinatapos ko na, malaya ka na.

Malaya ka na.
May karapatan nga ba akong sabihin yan?
Kasi wala naman talaga akong balak palayain ka
Pero yan ang gusto mong sabihin matagal na.
Matagal na, oo alam ko na.
Noong nililigawan mo pa lang ako, may nililigawan ka ng iba.
Sabi mo pa nga ikaw lang.
Ilang tao na ba nasabihan mo ng ikaw lang?
Ilang ulit na din ba ako nasaktan?
Nasaktan kasi nga alam ko na yung totoo pero naniniwala parin sa kasinungalingan.
Halata naman.
Sa dating lambing na lumamig na mas malakas pa sa hampas ng hangin.
Ngayon ay laging nakasimangot pero dati ang ngiti, lampas hanggang langit.
Wala ng kumukumpas.
Parang ang tahimik na palagi.
Magkasama nga tayo pero ang isip mo! Ang isip mo nasa kanya.
Natutuwa ako kasi nakikita parin kita ngumiti.
Pero nalulungkot ako, kasi hindi na ako yung dahilan ng mga ngiti mo.
Siguro maganda sya?
Mas makinis, mas maputi mas perpekto kaysa sakin.
Nabibigay nya ba mga bagay na hindi ko na bibigay?
O sadyang hindi mo talaga ako mahal?
Sa tuwing niyaya kasi kita para kang naka gapos sa tanikala at ako ang humihila para higpitan at panghawakan ka.
Gusto mo na kumalas?
Tinanong kita.
Bitaw na.
May mahal na akong iba.
Matagal ko ng alam pero bakit ako lumuha?
Masakit kasi na sayo pa nanggaling.
Tumalikod ako, hindi kita nilingon.
Hanggang ngayon nag sisisi ako.
Paulit ulit kong tinanong kung bakit hindi kita nilingon?
Baka naman nakatingin ka sakin noong umalis ako.
Baka naman pwede pa?
Baka naman mahal mo pa ako.
Baka naman umiiyak ka rin katulad ko.
Baka naman.
Pero ok na rin.
Ok na ring hindi kita nilingon.
Kasi baka hindi ko kaya. Hindi ko kayang talikuran ka.
Baka habulin kita.
Kasi hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka.
Gano katagal na ba?
Ilang segundo
Minuto
Oras
Araw
Linggo
Buwan?
Taon na pala.
3 taon na pagkatapos natin pakawalan ang isa't isa.
Malaya ka na nga.
Heto ako, mahal ka pa nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula-la: Poems with storiesWhere stories live. Discover now