Chapter 9 - Kiss from LANCE?

175 17 23
                                    

Maknae, Miss na KITA :(

Thanks for reading 

ALEX POV

Excited akong pumasok ngayon, I want to see him again!

-

Sa rooftop muna ako pumunta, 6 palang kasi at 7 pa naman ang pasok

Pagkapasok ko agad kong nakita si Nerd,

Nakahiga siya, natulog ba siya?,

Kahit tulog nakasalamin?

Nilapitan ko siya, his lips is so kissable, masarap din kaya tong halikan? hala pinagnanasaan ko ba lips niya?

Sabay ng pagbuhat siya at naitulak ako,

Natumba ako at nasa ibabaw ko siya, his lips is so smooth, hanggang sa namalayan ko nalang na nag reresponse na pala ako sa halik na ibinibigay niya sakin, nararamdaman ko din yong feelings ko nong hinalikan ako ni Mr.  Stranger, nararamdaman ko yong butterfly inside my belly, pati yong feeling na parang ang sarap sa pakiramdam.

“SORRY” sabi niya lang pagkabangon niya at tumakbo na palabas

Ako naman naiwan na nakahiga parin, hawak- hawak ko parin yong labi ko na hinalikan ni Lance,. Yong nararamdaman ko sa kanila ni Mr. Stranger ay parehas.,

Ano ba tong nararamdaman ko sa kanila?

-

Classroom

Ang Awkward ng feeling.

Nakayuko lang ako buong lessons, hindi ko magawang tumingin kanino man, nahihiya ako, siguro kung di ko inilapit slash tinitigan yong mukha niya panigurado hindi ako nahihiya ngayon. Pero at the same time gusto ko din naman yong nangyari. Ang LABO ko ba?

“Sabay na tayong mag lunch” anyaya sakin ni Lance

Bakit parang hindi siya nahihiya sa nangyari?

Bakit parang ako lang?

“Sige” at tuloy na akong tumayo, nauna na ako, nahihiya parin ako siguro dahil ako yong dahilan kung bakit kami nag Kiss, I don’t Know.

-

Tahimik lang kaming kumain, nasa cafeteria kami ngayon, awkward feeling parin. Bakit kasi nangyari pa yon. Grrr

PAK

Napalingon ako don sa ingay na narinig ko

“Walang hiya ka para agawin ang BF ko” sigaw nong babae don sa isang babae na tingin ko mataray din

PAK

Gumanti din yong babae.

“At wala akong inaagaw sayo, kapal mo naman siya ng kusang lumapit sakin, sinabi na wala siyang gf at nanligaw sakin tapos sasabihin mo na inagawa ko siya?” sigaw din nong isa

Lumapit na ako,  ayaw ko ng may ganito sa School KO, Ako lang ang Batas.

“Clap, Clap, Clap” cold kong sabi sa kanila,

Nag give way naman yong iba sakin

“Miss Alex si JC po  kasi” sabi nong isang babae  na umiiyak, ito yong ayaw ko sa lahat, yong mga taong iyakin.

“Magkaayos na kayo bago pa ako magalit” galit kong sabi sa kanila

“Ei, hindi naman yon pwede Miss Alex, inaapakan niya yong ego ko tapos makikipag bati lang ako? NO way” sabi naman nong isa at umirap pa

“Anong mas mahalaga sayo yang ego o itong pagaaral mo?” seryuso kung tanong

“Kainis talaga,” sabi niya pa,

Nainis naman ako sa inasal niya

“Naiinis ka sakin?” cold kong tanong

“Hindi po Ms. Alex, kay JC po ako naiinis” sabi niya ng nakayuko

“Umayos ka ng pakikipag usap sakin, alam mo kung anong kaya kong gawin BABAE” halos isigaw ko na yong last line ko, alam na nila yan. Kapag ginamit ko na ang WORD na LALAKI o BABAE alam nila umuusok na sa galit ang tenga ko.

“Miss Sorry po, opo makikipag bati na po ako,” lumapit siya don sa Girl at nag sorry,

“NOW, mag silayas na kayo bago pa ko tuluyang magalit” sigaw ko sa kanila

Sila naman nagtakbuhan na palabas, ako nalang at si Lance ang naiwan sa loob ng cafeteria

“May magandang maidudulot din pala yang kaangasan mo ano?” tawa-tawang tanong sakin ni Lance

“Ayaw ko kasi na binabastos nila ang School KO” pagalit ko naman na sagot sa kanya

Biglang katahimikan

“Alex, ahhhhmmmm-

Tininggan ko lang siya ng –ano-sasabihin-mo-look-

“hmmmmmmp-

“Ano?” inip kong tanong

“Kasi- wala” sabi niya at tumakbo na siya palayo.

Bakit ba ang hilig niyang takasan ako?

LANCE’s POV

“Alex, yong kasing kanina actually gising ako kanina sinadya ko talagang halikan ka yon sana ang gusto kong sabihin sa kanya kanina pero natatakot ako, baka kasi sapakin niya ako. Ang angas niya pa naman.

Sa hapit na madulas ako at masabi ko sa kanya yong dapat kung sabihin, tumakbo nalang ako. Nahihiya din kasi ako, bakit ba kasi hinalikan ko siya using my Nerdy style kung pwede ko naman siyang mahalikan habang ako yong lalaking Gwapo na si Lance the stranger? Ang Tanga Ko talaga.

After nong sa rooftop kahapon gusto ko na talaga siya nong yakapin, ewan ko ba pero I feel something to her. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanya. Im happy when Im with her

Kaya inayos ko yong sarili ko at nagpaka stranger ulit at hinintay ko siyang lumabas, siguro kapag ako ang Stranger na kilala niya hindi siya magagalit kapag niyakap ko siya,  kesa naman yakapin ko siya na ako si Lance baka magalit pa siya sakin at iwasan niya ako, baka hindi ko pa kayanin yon.

Pero sa halip na yakapin ko siya natukso ako sa labi niyang sobrang ganda at sobrang pula, yong pakiramdam na sabik na sabik akong matikman yon kaya hinalikan ko siya. Hindi man siya nag response pero still im happy kissing her.

Sa sobrang hiya umalis na ako, pero bago ako umalis sinabi ko na 1st kiss ko din siya, totoo naman kasi na siya talaga ang 1st Kiss ko.

Hindi ako makatulog kagabi, nasa isip ko parin si Alex, nalalabuan ako sa nararamdaman ko!. Pero hahayaan ko nalang tong feeling na to, kesa naman masaktan ako sa pangalawang pag ibig ko.

Iniisip ko palang na kahit sa panaginip ko never niya akong magustuhan gaya ng sabi niya last time nong ako si Mr. Stranger.

Every morning Rooftop naman talaga ang punta ko, natutulog ako kaso ngayong araw di talaga ako makatulog dahil sa kaiisip ko ky Alex hanggang may biglang pumasok, sinilip ko siya gamit ang left hand ko, nakadilat ng kaunti ang mata ko enough ang para masilayan ko ang ginagawa niya tinititigan niya ako, natatakot ako na mamukhaan niya ako kaya  tumayo ako at sinadya kong maitulak siya at mahalikan, pero laking gulat ko nung nagresponse siya sa halik na ibinigay ko. Gusto niya ba ginagawa ko?

After nong kiss umalis na ako

Kahit Awkward, pinilit kong maging Ok upang hindi mahalata na sadya nga ang lahat.

Alex, ano bang gayuma to, Bakit tinamaan ako?

I'm His Stupid MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon