Chapter 11 - BALL

231 19 25
                                    

hiyee ^_^

Masugid kong mambabasa! salamat talaga.

Salamat sa mga PM mo na pagtatanong kong kelan ang UPDATE ko. Isa ka sa dahilan kong bakit masipag na akong mag UPDATE ulit. MUAH. Keep on Reading!

ALEX’s POV

“Maganda ka pala ate” patawa- tawang sabi sakin ni Kaye

“Sipain kita diyan” at inirapan ko siya

Kahit hindi bukal sa loob ko ang pagsuot ng ganitong klaseng Gown wala kong magagawa!

Simple lang naman ang soot ko tapos yong ayos ko too simple din pero ang ganda ko daw!.

Nababaliw na sila

Tiningnan ko naman yong sarili ko sa salamin at ayon natomboy ako sa sarili kong kagandahan. Weh Hindi Joke lang.

“I’ll make this night so memorable”-  tanging nasabi ko sa sarili ko

Ano kaya itsura ni Lance?

Sana gwapo siya.!. haha Kinikilig ako.

Kahit galit ako don ayaw ko naman na isa walang bahala tong nararamdaman ko to HIM. Hindi naman ako pwedeng Forever SINGLE nuh.

Lakad- lakad, sila naman nakatingala sa Diyosang dumaraan

“Ang ganda ni Ms. Alex, super” isa yan sa narinig kong bulungan nila

Hindi ko naman tinatangging maganda ako, dahil alam ko naman na maganda talaga ko, si Mommy dating model, si Daddy naman dating artista. Ang Gwapo ni Daddy tapos si Mommy ang ganda din, si Kaye naman artistahin ang mukha alangan naman ako lang ang pangit, syempre nasa lahi naming ang magagandang lahi.

Pero kahit maganda ako, ni wala man lang nagkainterest na ligawan ako. Siguro dahil takot sila sa ugali ko. Pero I promise to myself na magbabago ako at magpapakababae para sayo LANCE.

LANCE’s POV

“Ang ganda pala niya” kanina ko pa naririnig ang bulungan tungkol kay Alex, kahit nga din ako nanibago sa ayos niya ngayon, she look a princess in her dress. Ang ganda niya. Lalo akong naiinlove.

Agad ko naman siyang nilapitan

“Oh may nalalag na angel dito” nakangiti kong bati sa kanya

Ni hindi niya man lang ako tiningnan, ang taray talaga ng taong ito

“Sino Partner mo ngayon?” seryuso kong tanong sa kanya habang nakaupo sa tabi niya

“Si Lance” seryuso niyang sabi

Si Lance? AKO?. Opz nakalimutan ko nga palang ako si Mr. Stranger ngayon, hindi niya nga pala ako kilala kapag ako si Mr. Stranger.

“hhahahahahahahaha” bigla akong natawa sa sinabi niya, kasi naman hindi niya alam na ako si Lance. Hahahahhaha

“Anong nakakatawa?” lumingon siya sakin, yong mata niya nakatingin sakin na masama, galit na ang Prinsesa ko. Sorry, sarap mo kasing asarin

“Kasi si Lance partner mo?, Yong nerd na ang pangit pangit?” tawa nanaman ako, tinatawan ko ang itsura ko kapag ako si Lance the Nerd.

“Kung wala kang magandang sasabihin sakin o tungkol kay Lance umalis kana” galit niyang sabi sakin

Lumayo naman ako ng kaunti sa kanya, pano ko ba sasabihin sa kanya na ako ng Lance?

I'm His Stupid MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon