Chapter 10 - SELOS.SELOS.SELOS

200 17 10
                                    

Hiyeee New Friend

Basahin mo TO huh?

haha ")

ALEX’s POV

Ano bang maaari kung gawin para makalimutan ko na yong nangyari?

Everytime na pinipikit ko mata ko si LANCE o si MR. STRANGER ang nakikita ko!.

“PWEDE ba umalis na kayo sa isip ko?, Sinisira niyo ang gabi ko na dapat sarap na sarap na ako sa pagtulog” sigaw ko habang nakatingin sa salamin kausap ang sarili.

Im not insane, gusto ko lang maalis ang kabaliwang pumasok sa isip ko.

“Bakit ganito ang nararamdaman ko sainyo, hindi ko na maintindihan” sigaw ko ulit habang hawak hawak at iniikot- ikot ang ulo ko. Ang sakit sa ulong isipin kayong dalawa.

“Tigilan niya na ako” sigaw nanaman ako, sabay talon sa kama.

“ATE, STOP SCREAMING, nakakairita yang bunganga mo!”

Gulat na gulat ako nang makita si Kaye na nakapamewang sa harap ko habang sinisigawan ako, naririnig niya pala ang kabaliwan ko. This is NOT GOOD

“Ano ginagawa mo dito huh?”- inosente kong tanong na akala mo walang ingay na nagawa

“OBVIOUS BA ATE NA SINISITA KA SA KAINGAYAN MO, ate naman para kang nirerape ng sampung pato. Will you please stop shouting nasisira ang eardrums ko sayo” napasigaw nanaman siya, makareact naman akala mo ang hinhing tao, kung tutuusin mas maingay pa siyang nilalang kumapara sakin.

“WOW at nagsalita ang mahinhin” at inirapan ko siya

Makapagsalita kala mo siya ang ate ko!.

“LUMABAS kana bago pa kita sipain”  napasigaw din ako. Pinakaayaw ko pa naman pinakikialaman ang buhay ko.

Lumabas naman siya at wala na akong narinig na kahit isang word galing sa bibig niya. That’s GOOD!. Matutong lumugar!.

Kahit kapatid ko siya hindi niya ako pwedeng masita- sita sa pinag- gagawa ko sa buhay!.

At last nakatulog na ako sa sobrang kainisan

-

Next Morning

“Good Morning”-

Again and again, kilala ko nanaman ang boses siya, kung boses na nagiging dahilan kung bakit bumibilis ang beat ng puso ko, yong feeling na namumula nanaman ako’t nanlalambot.

“Hey, Good morning” pagbati niya ulit sakin

Nakikipag sabayan siya sakin sa paglalakad, ako naman pabilis ng pabilis, natatakot na akong makasama to baka mamaya hindi nanaman ako makatulog.

Nagulat nalang ako nong yong kamay niya dumadampi sa kamay ko, ibig sabihin magkatabi na nga kaming dalawa. Yong butterfly sa stomach ko nagwala nanaman, yong sarap ng feeling na nararamdaman ko kahapon nandito nanaman.

I grabbed my hand, hinawakan ko nalang yong bag ko.! Natutukso ako sa kamay niyang palapit na ng palapit sakin, natatakot ako na baka mamaya ako na mismo ang humawak sa kamay niya.

“Ang tahimik mo” seryuso niyang sabi,

“Ikaw Mr. Stranger pwede ba tigilan mo na ako, baka mamaya mainlove na ako sayo ei” yan sana ang isasagot ko sa kanya, pero hindi ko mailabas sa bibig ko.

I'm His Stupid MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon