Nalilito parin ako kung talaga bang gusto ako ni Lance o hindi!
Nakakabaliw isipin ei.
After ng Class napagdecisionan ko munang mag Malling.
Lakad- lakad, kumain narin ako at lahat!
"Miss Alex ikaw yan diba?" merong nakakabobong babaeng nag tanong sakin
"Ano sa tingin mo?" taas kilay kong tanong
"Sabi na ei, ikaw nga" ngumiti siya sakin bigla "May nagpapabigay po" huh? ano to? Bulaklak?
Kinuha ko yong bulaklak pero taka parin ako kung bat ako binigyan ng bulalak.
Lakad- Lakad
"Miss Alex, ikaw nga" may baliw ulit na lumapit "May nagpapabigay" kunuha ko ulit yong bulaklak
"Miss Alex.. Para sayo" abot ulit ng isa pang flowers
Ano bang araw ito? bakit panay ang bigay nila sakin ng bulaklak?
"Miss" tiningnan ko lang ng masama yong babae saka nagsalita
"Oh may bulaklak karin?" taas kilay kong tanong!
"Tama nga ang sabi nong nagpapabigay, suplada karaw" ako? at sino kayang baliw ang ginagawa akong flowers base. Sa dami na ng bulaklak na hawak ko, mukha tuloy ako may dalang bulaklak sa ramay.
Tatanungin ko sana kung sino siya kaso tumakbo na paalis. Langya!
Siguro hihintayin ko nalang yong sunod pang magbibigay
"Ate may nagpapabigay" abot ulit sakin ng pang-apat na bulaklak
"Sino na---------" kaso hindi ko na natanong, walang modo iniwanan ako at tumakbo na paalis
Ilang bulaklak pa ang binigay sakin hanggang sa makaipon ako ng 17 flowers..
17 kasi binilang ko! Anong konek ng 17 flowers sa buhay ko? OA!
Lahat ng tao sa mall pinagtitinginan ako, hindi na ako magtataka pano ba naman sa dami kong dalang bulaklak ei, mukha na nga akong nagtitinda ng bulaklak sa mall. Kulang nalang sumigaw ako ng Bili na kayo, mabango to!
Pero like hello, hinding hindi yon mangyayari!
Natigil na rin yong nadatingan na bulaklak..
Tsk. Siguro ang arte ko nalang kung hindi ko hahanapin ang nagbigay.
Pasimple akong lumingon ng lumingon sa kaliwa't kanan.
Pero ni wala man lang nagpakita sakin.
Siguro mahigit 1 hour din akong naghintay hanggang sa nagdecide nalang akong umuwe dahil wala talagang nagpakita sakin.
Nakakainis lang, sana kung nakita ko yong halimaw na nagbigay sakin ng bulaklak edi sana naibato ko sa kanya, kainis lang. Ginawa niya akong patay!
"Oh, dami mong flowers ah. Galing sa manliligaw?"
"Ay bakulaw" napasigaw ako ng makita ko si Lance sa sala. Ano ginagawa niya dito?
"Hindi ako Bakulaw" tumayo siya tas kinuha yong mga flowers.
Sino nagpapasok sa kanya dito?
Napatingin ako sa dakong may hagdan nandon si Kate, tumatawa kasama ang mga katulong. Pinagtatawanan ba ako ng mga yon?
"Anong ginagawa mo dito?" inagaw ko ulit yong flowers.. Nadidisaapoint ako. kala ko pa naman sa kanya galing.
Assumera ako kanina, kala ko talaga sa kanya galing, pero mali ako!
Itong lampang to bigyan ako ng flowers? No way! Baka si Amanda bigyan niya pero ako? Spell asa!
"Binibisita ka!" binibisita? dis oras ng gabi?
"Gabi na, uwe" tinulak tulak ko pa siya. Antok na ako at gusto ko nang magpahinga
"Purket my flowers ka tinatakwil mo na ako" arte niya promise
"Whatever Lampa ka parin" naglakad na ako papuntang hagdan. Bahala siya!
"Sakin galing yan. Happy 1st monthsary! Ito lang naman ang araw na naging mag bestfriend tayo" kahit medyo malayo na siya sakin rinig ko parin yong sinabi niya.! Monthsary? Ano yon? My word bang ganun na nageexist?
Saka 17 ngayon? Ngayon ba kami naging magbestfriends? Bakit hindi ko maalala? At sa kanya galing mga bulaklak? OMG!
"Hoy Lan-- " paglingon ko wala na siya, wow nagalit ata. Lumabas na siya at iniwan ako. Hala ang bad ko naman. Ei sa hindi ko naman talaga alam yong Monthsary na yon ei.
Dami niya nalalaman.
"Ate ang sweet ng Boyfriend mo, BTW umakyat ka sa kwarto mo" sabi sakin ni Kaye. Malamang aakyat ako kwarto ko yon ei.
Patakbo na akong umakyat, pakiramdam ko excited ako kaya tumakbo na ako hanggang sa makarating sa kwarto ko!
Pakiramdam ko may something..
Pagbukas ko ng pinto nakita ko yong room ko na punong puno ng mga bulaklak! Petals at kung anu- ano pa, yong parang sa bagong kasal yong madaming bulaklak sa kama.
"Sino naglagay ng basura sa kama ko?" sigaw ko sa mga katulong na ngayon nakangiti lang sakin
"Hindi yan basura Ate! Baluga ka talaga!. Flowers yan galing kay Lance" tumakbo si Kaye sa kama ko at humiga "Ang ganda ate, ang swerte mo ang sweet niya pa" pagpatuloy niya
"Anong kinaswerte don? Ikaw kaya paglinisin ko Aber?" tinabig ko siya at ako ang umupo sa KAMA KO!
"Arte mo" pagkasabi niya non umalis na siya at ako pinagmasdan ko lang yong mga petals sa Kama ko, ang gaganda..
Ibang klase din mageffort ang lampang yon! San kayang ganden yong nagnakaw ng mga bulaklak. Isusumbong ko siya!
Hindi ko maiwasan hindi kiligin sa kacornihan niya!
Gosh Lang as in super Gosh lang!
Sayang! Dapat pala hindi muna siya naglayas dito edi sana siya nalang magligpit ng mga kinalat niyang basura!
Humiga- higa muna ako sa kama, ang sarap humiga!
Yong feel na feel ko naman daw na may flowers sa Kama ko!
Naiisip ko tuloy yong mga magasawa na naliligo sa bathtub tapos maraming bulaklak sa tubig!
Yacks ano bang iniisip ko? Malandi.
Pumunta ako sa CR, GOSH! Sana pala bumalik nalang ako sa loob!
Bakit ang daming flowers dito?
Pati CR ko ginawang Garden!
Baliw ka talagang Lance ka. Adik ka Adik Ka!
Kinikilig ako! Bumabawi sakin ang lampang yon! WAH DIES.
Hindi ko man maamin pero kinikilig ako!
EEE kasi naman ei! First time to! Ei kasi naman ei..
Agad akong bumalik sa Kwarto ko, dali- dali din akong naghanap ng camera at para akong batang nagpicture- picture, i mean nag selfie sa napakagandang kwarto ko!
Para akong paru- paru na tuwang tuwa sa mga bulaklak! Kahit ang lampa ni Lance nakakakilig din minsan ei.
Nagpili ako ng pinakamagandang picture then ipinost ko sa FB
Caption:
THANKS SA PAGKALAT SA KWARTO KO! I really appreciate it..
Bukas bumalik ka at iligpit mo ito! Haha, Happy Monthsary too! Muah. Iloveyou :0 - with Lance Mercedez

BINABASA MO ANG
I'm His Stupid Master
Novela JuvenilI never expected that a guy like him can change my insight ..