Bumangon ako sa kama na may mabigat na loob, papasok ako kailangan ko siyang makausap.
Napatingin nalang ako sa salamin ng CR ko, ang pangit ko na.Ilang oras din kasi akong umiyak kagabi at ngayon magang-maga ang mata ko!
Pagkatapos kung magbihis pumunta na ako sa School, napagalaman ko rin na kahapon din pala umalis na sila mommy, bumalik na sila sa New Zealand. Buti nalang at wala si Daddy, ayaw kung ma masaksihan niya kung pano ako masaktan.
Gaya ng dati, pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko, gusto ko silang sigawan, tarayan pero wala akong lakas ng loob para gawin yon.
"Bat ganyan itsura ni Ms. Alex?"
"Ewan ko nga, nakakapanibago"
"Bumalik na ba siya sa dati?"
Pinakikinggan ko lang ang bawat bulungan nila, hindi ko sila masagot.
Gusto ko nalang umiyak, masaya ako dahil nagbago ako, masaya ako dahil binago ni Lance ang pagkatao ko, pero ngayon wala nang dahilan para magbago pa ako. Dahil wala naman na siya sa buhay ko."Pinsan, anyare sayo? Back to rebel again?" nilingon ko si Amanda na worried na worried na inalis ang sumbrero ko, tinabig ko nalang siya.
"Who cares?"
"Who cares your face. Ayusin mo nga sarili ko" kumuha siya ng tissue sa bag niya saka inalis ang eyeliner ko, gusto ko mang pigilan sya at sigawan ng dont touch me pero wala akong magawa, hinayaan ko nalang siya na alisin niya yon.
Umupo kami sa isang bench malapit sa Gate. Yong ibang mga taong hindi ko alam kung concern o chismosa lang pero wala na akong paki, sa ngayon tanging alam ko nalang nasasaktan ako.
"So happened?" tanong sakin ni Amanda habang inaayos ang magulo kung buhok, noon masaya ako habang pinapaganda ang sarili ko pero ngayon wala akong magawa para sa sarili ko.
"Iniwan na ako ni Lance"
"What?. Yan ba ang dahilan ng pagkamugto ng mata mo?" napanod nalang ako, pero panira lang siya ng moment, yong sa halip maawa or something tinawanan lang ako.
"Puta naman Amanda, hindi ako nagbibiro" galit kung sigaw sa kanya, kakainis kasi.. Sabi na kasi wala siyang kwentang kausap ei
"Natatawa lang naman ako Pinsan, kaya pala umalis na siya dito"
"What?" pakiramdam ko bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya "What did you say?" sana mali ang iniisip ko.
"I mean, he already dropped out awhile ago"
Hindi ko malaman ang dahilan pero yong mata ko bigla-bigla nalang nagbuhasan ang luha..
Mas masakit pa to kesa kahapon. Lalong nawala nayong pagasa na magkausap pa kami..Iniwan niya na talaga ako.
Bakit nangyari pa to sakin?
Bakit ngayon pa?Ganoon na ba ako kasama para saktan ako ng ganto?
Kaya kung magbago, basta ibalik mo siya sakin.
Takbo lang ako ng takbo, habang umiiyak. I can't help myself from crying. Ang sakit- sakit na.
Marami akong pinagsisisihan, kung hindi lang sana ako naging maarte, kung hindi lang sana ako mapride, kung hindi lang sana ako makasarili siguro kasama ko parin siya ngayon!
Napasandal nalang ako sa terrace ng rooftop habang umiiyak, sumilip ako sa baba. Ang daming taong masasaya, ako heto umiiyak. How I wish na gaya nalang din nila ako, yong normal na tao. Hindi masasaktan.

BINABASA MO ANG
I'm His Stupid Master
Fiksi RemajaI never expected that a guy like him can change my insight ..