#4 - Vocalist

179 5 1
                                    

Protacia's POV

Nag tinawag ang pangalan ko at hinawakan ko ang mikropono upang kumanta hindi mapigilan ng mga palad ko ang magpawis at sobrang lakas ng heart beat ko. Mabuti na lang pala at may dala-dala akong minus one ngayon. Alam ko kasing ngayon ang araw upang mamili ng extracurricular club na sasalihan kaya naman nagdala ako nito at hindi ko talaga expected na magagamit ko talaga sya.

Kung hindi ko expected na magagamit ko ang minus one, mas hindi ko naman expected na ang myembro pala ng lovestruck e yung mga heartthrob ng school namin at kasama na doon si Sky. Nagtataka nga ako kanina kung bakit hindi alam ni Shay iyon. Marahil hindi nila napaguusapan ng kakambal nya yung mga ganitong bagay.

Pinagmasdan ko ang mga taong nandoon, parang bigla akong nahilo sa kaba. Sa totoo lang first time ko talagang mag-audition. Dati kasi tuwing mag-aaudition ako bigla na lang akong umaatras. Yap, may stage fright ako. Pero ng lumipat ako sa WA nagdesisyon akong kailangan ko ng alisin ang takot at kaba sa isip at puso ko, at ito ang first step ko kaya hindi ako dapat umatras.

"Uhmmmm ms Protacia?" Pukaw nung emcee ng mapansing hindi pa ako handa at tila malalim pa ang isip ko.

I took a deep breath.

Tatapusin ko ang kantang to. I don't want to be a scaredy cat anymore.

Tumango ako at dumiretso ng tingin sa mga nagjujudge sa akin and then I saw Sky. He looked so amused and I catch a glint of smile in his face while looking at me.

Teka tama ba ang nakita ko?

Para tuloy biglang nawala ang lahat ng tao sa paligid ko ang nakikita ko lang ay si Sky.

Para tuloy biglang tumaas ang confidence ko.

And I found myself smiling too before I begin to sing....

===

Sky's POV

Nagulat talaga ako ng nakita kong umakyat sa stage si Pigtails. Nakita kong nanginginig sya at halatang tensyonado.

Nang medyo natagalan na sya ay nagsalita na ang emcee.

"Uhmmmm ms Protacia?" Sabi ng emcee.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti nung sinabi nung emcee yung totoong pangalan ni Pigtails. Medyo makaluma naman kasi. Pero parang wrong timing naman ang pagngiti ko dahil saktong tumingin sa pwesto namin si Pigtails at huling-huli nya na pinagtatawanan ko ang pangalan nya.

Sorry naman.

Pero nagulat ako ng biglang ngumiti si Pigtails at nagsimula na ngang kumanta.

(np: Siguro by Yeng Constantino)

Ang gusto ko

Ang gusto ko

Gusto ko sanang

Sabihin sa iyo

Pero paano

Paano

Pag malapit ka'y

Nauutal ako

Medyo nagulat naman ako dahil maganda pala ang boses ni Pigtails. Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan parang hindi din nila ineexpect ang boses ni Pigtails.

Nahihiya

Tumitiklop

Nawawala bigla ang sasabihin ko

Ang nakikita ko lang

Ay ang mukha mo

Lahat sa paligid ko

Twin LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon