Protacia's POV
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang miyembro na ako ng Lovesick at sa isang iglap lang sa bagong school na pinasukan ko e parang bigla akong nakilala.
Pagbukas ko ng locker ko e may mga love letter at chocolates na bumulaga sa akin!!! Hindi ko mapigilang mapangiti iba talaga ang dating ng Lovesick. Pero sa lahat ng mga letter na nandun sa locker ko, may isang nangingibabaw. Kulay itim kasi sya. Kinilabutan ako.
Inabot ko ang sulat at kinakabahang binuksan ang laman ng sulat..
"SO AKALA MO SIKAT KA NA NYAN DAHIL NAPILI KANG VOCALIST NG LOVESICK? TO TELL YOU FRANKLY LITTLE B**CH HINDI KA MAGALING AT LALONG LALONG HINDI KA MAGANDA. FEELER."
Natakot ako sa nabasa ko. Duwag ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong pananakot. Kaya nga nung binully ako ni Monique sa canteen e wala akong nagawa mabuti na lang pinagtanggol ako ni Sky.
Hindi ko namalayang natulala lang ako at tinitingnan ang sulat ng wala sa sarili kaya nagulat ako ng biglang may tumapik sa likod ko.
"Hey Pigtails."
Dahil nagulat ako agad kong nilukot ang itim na papel na hawak ko bago hinarap ang tumawag sa akin. Syempre hindi nga ako nagkamali at paglingon ko ay ang aking rince charming ang nakita ko. Nakangiti ito sa akin. Para tuloy biglang napalitan ang kaba ko ng kilig.
Hindi ko tuloy mapigilan ang nangyari nung nakaraang sabado sa welcome party sa akin sa bahay nila Chase.
=====
<FLASHBACK: LAST SATURDAY AT CHASE'S HOUSE>
Tapos na ang party at naguuwian na ang mga bisita. Namomroblema ako dahil wala naman akong sasakyan pauwi hindi naman kasi ako mayaman kasi scholar lang naman ako dito (See chapter 2) dahil kay ate. Yung sasakyan naman ni ate eh putso putso lang. Lagi pa nga itong nasisira saka isa pa nasa seminar ngayon si ate at bukas pa ang uwi nya kaya wala talaga akong masasakyan pauwi.
Nagenjoy ako sa party hindi ko akalain na ang sarap pala na ikaw ang bida at binibigyan ka ng importansya ng mga tao sa paligid mo.
Syempre mas natutuwa ako dahil napapayag ko si Shay na pumunta doon kahit na buong party ata ang kasama nya e si Dylan (I smell something fishy!). Ang ganda kaya ng bestfriend ko, Hindi nya lang alam. Gwapo si Sky diba? Syempre natural na maganda ang kambal nya.
Alam kong hindi napapansin ni Shay pero madaming mga lalaki ang napapalingon dito. Inalis kasi ni Shay ang salamin nya at nalaman kong wala naman pala itong grado. Ewan ko ba dito kay Shay kung anong trip sa buhay, ang laging nakapusod nitong buhok e nilugay at medyo kinulot sa may laylayan at nakasuot sya ng baby pink na dress . Mineykapan din ito ng simple pero labas na labas pa din ang natural nyang ganda.
Marahil iyon ang dahilan kaya medyo possessive sa kanya si Dylan. (Wow, gumawa ng issue eh haha)
Anyway mabalik sa akin , isa pa sa ikinatutuwa ko e nagsisimula na ang friendship namin ni Sky. Buong party din halos hindi nya ako pinababayaan lalo na pag nararamdaman nyang kinakabahan ako. (At syempre gusto ko ding maissue kay Sky!)
"Sky! Ihatid mo na si Tash ako na lang bahalang maghatid dito kay Shay." Sabi ni Chase nung kami kami na lang ang nandodoon.
Hmmmm bakit I smell something fishy din dito kay Chase? Trip din kaya nya tong si besplen? Pwede naman kasing wala ng ihatid si Sky tapos si Chase na lang maghatid sa akin diba?
Pero syempre ayoko nun. Si SKy sana.
"Ganun ba? Sige." Sagot ni Sky at nakita kong mabilis nya akong sinulyapan.
BINABASA MO ANG
Twin Love
Teen FictionShay is your typical nerd girl. Sky is your typical popular boy. But the twist is they are twins. What if Shay transferred to her brother's school? How will she cope up to the popularity of her brother who also have two handsome bandmates? Join Shay...