Saturday.
-Protacia's POV-
"Kinakabahan ako Tash. Alam mo naman na hindi ako sumasama sa mga activities sa dati kong school at kahit sa mismong banda ni Sky e ni minsan hindi ko pinanuod. What if pumalpak ako?" Sabi sa akin ni Shay habag inaayos nya ang DSLR. Pinilit ko kasi syang magvolunteer at sa kanya na-assign ang maging photographer ng charity event na to. Sponsor kasi ang Wonderwall Academy at sinama kami ni Sir Ren para magbigay ng mini concert. Bukod sa The Lovesick atkay besplen may iba pang volunteer students na nandito. May libre kasing pakain at may mga palaro din na hinanda para sa mga bata.
Meron kasi kaming mini charity concert sa isang bahay-ampunan.
"Ano ka ba besplen kayang-kaya mo yan! Saka iba na ang school natin ngayon, It's about time na magsimula tayo ng panibagong chapter ng buhay natin. Saka alam mo namang ikaw ang number 1 fan ko eh! " Sabi ko sabay umangkla sa isa nyang braso. Nakakwintas na sa kanyya ang DSLR kaya iginiya ko na syang maglakad.
"Excuse me nga! Hahara-hara sa daan eh!" Sabi ni Monique na talagang sa gitna namin dumaan.
OKaaaaaaaayyy.
Nakalimutan kong sabihan na isa nga pala sya sa nagvolunteer sa charity event na to, Kasama yung dalawa nyang kampon, Ang pagkakatanda ko Mitchy at Rayla ang pangalan nung dalawa.
As if naman gusto talaga nilang tumulong sa mga batang nandito sa ampunan, E gusto lang naman nilang magpakyut kina Sky kaya sila nandito eh.
Hindi ako dapat maging mahina dito sa school na to at ayokong ipakita kay Shay na nagpapaapekto ako, alam ko namang nabully si Shay sa dati nyang school at ayokong maulit ito dito.
Pero ano ba naman ang magagawa ko sa Queenbee ng school?
Teka asan na ba yung mga kamiyembro ko?
"Besplen tara hanapin natin sina Sky baka nagpapractice na pala sila naiwan ako , masinghalan pa ako ni Dylan!" Sabi ko kay Shay. Hindi na lang namin pinansin sina Monique.
Tumango naman si Shay.
=======
Dumiretso na kami sa lugar kung san gagawin ang event at nakita namin sina Sky na nasa mini-stage medyo unti pa lang ang tao nun dahil 1hr before pa bago mag start ang event. Una pala kaming magpeperform, mga apat na kanta ang kakantahin namin. Pagkatapos nun ay may mga palaro at performance bago ang kainan.
Buong linggo kami nagpractice after class kaya medyo confident na ako, yun nga lang kinakabahan pa din ako dun.
"mic test, mic test!" Sabi ni Dylan. Maya-maya'y natanaw nya kami . Nagulat naman ako ng magsalita ito habang nakatingin sa besplen ko.
"Oi Shay, kuhanan mo nga kami ng picture." Utos nito sa bespren ko. Oo nga pala 2 linggo pa lang ang nakaraan simula nung maging slave slave-an ni Dylan si besplen dahil nga sa pagutot ni besplen sa harap ni Dylan.
Feeling ko nga ginagawa lang to ni Dylan para magpapansin kay besplen eh. Ito naman si besplen ewan ko kung anong nararamdaman kay Dylan. Alam nyo naman si Besplen napakadaldal. Hehe!
Nagpose naman sa stage sina Sky, Chase at Dylan.
Masunurin naman ang bespren ko. Mamaya inagaw ni Sky ang mic kay Dylan at nagsalita.
"Pigtails! Sumama ka dito!" Tawag sa akin ni Sky.
Ako naman ay biglang nanigas sa kinatatayuan ko, kung hindi pa ako tinulak ni Shay e hindi ako matatauhan.
Pumwesto naman ako sa gilid, pero ginitna nila ko, bale ang pwesto eh
Dylan:Chase:Ako:Sky
Nagpose na kami ito namang si Besplen eh hindi man lang bumilang at pumindot na.
BINABASA MO ANG
Twin Love
Teen FictionShay is your typical nerd girl. Sky is your typical popular boy. But the twist is they are twins. What if Shay transferred to her brother's school? How will she cope up to the popularity of her brother who also have two handsome bandmates? Join Shay...