#5- The ugly truth

161 3 1
                                    

Shay's POV

Malakas na tugtog. Kahit san ka lumingon may mga nagiingay at naghihiyawan. May mga lumalangoy pa sa pool. May mga umiikot na waitress at waiter at nag-aalok ng inumin at pagkain. May catering services pa nandodoon. 

Ito ang welcome party ni Tash bilang bagong vocalist ng LOVESICK.

Ganito pala ang party na halos mga kaedad mo lang ang kasama. Hindi naman kasi ako naiinvite sa mga party noong nasa dati ko pa akong school at kahit imbitahan nila ako hinding-hindi ako sasama dahil alam kong magiging center of attraction lang ako ng pambubully doon.

Kumurap-kurap ako hindi ako makapaniwala na nasa isang party ako. Hindi tuloy ako matinag sa kinatatayuan ko kung hindi ko pa naramdamang may umakbay sa akin. 

Nagulat naman ako, Hindi ko na kasi kasama si Tash dahil kababab pa lang namin sa gate ng mansion nila Chase e hiniwalay na sya ng magaling kong kapatid dahil may grand entrance pa daw ito mamaya. 

"Mauna ka na sa party Shay! " Sabi pa ni Sky.

Badtrip. Hindi man lang ba naisip ng kapatid kong wala akong kaibigan sa mga nandito. Humanda sya mamaya sa akin pag uwi namin.

"Uy Shay okay ka lang ba?" Nadinig kong tanong ng kung sino mang nilalang na bigla biglang nang-aakbay sa akin.

Naramdaman siguro nitong nanigas ako sa kinatatayuan ko kaya inalis nito ang pagkakaakbay sa akin. Sorry naman hindi ako sanay na may umaakbay sa akin eh!

Nilingon ko kung sino man siya. 

And then I saw Chase smiling sheepishly at me. Hay bakit ba ang amo ng mukha nitong lalaking to? Parang kahit sino hindi makakayang mainis dito, para kasing anghel ang mukha nito hindi tuad ni Dy-----

Teka bakit ba si Dylan ang pumasok sa isip ko? *erase**erase*

"Sorry ha? Nabigla ba kita? Sabi kasi ni Sky bantayan ko daw yung twin sis nya habang tinuturuan nya ng gagawin si Tash. " Paliwanag ni Chase.

Hindi naman pala ako pinabayaan ng magaling kong kapatid at pinabantayan pa ako kay Chase. Sabagay mukha namang harmless tong si Chase at hindi tulad ni Dy----

Ano ba? Bakit ba si Dylan na naman naisip ko? Buset naman. 

"Ah ganun ba? medyo hindi ko nga alam kung san ako dapat pumunta dito. Dapat talaga hindi na ko sumama dito." Sabi ko sa kanya.

"Ano kaba ayaw mo bang makita ang kambal at bestfriend mong tumutugtog sa isang stage?" Sabi ni Chase sabay turo sa stage na nasa malapit sa swimming pool. Wala pang nandoon ngayon at sounds pa lang galing sa audio system ang madidinig mo.

"Ha? Talaga? Kakanta na agad si Tash ngayon?" Gulat kong tanong sa kanya.

Tumango naman ito at ngumiti. Mabait pala talaga tong si Chase.

"Oo, pero wag kang mag-alala yung alam naman nyang kanta ang tutugtugin namin tinanong na namin sya kahapon."

"Ah." Wala na akong nasabi.

"Kumain ka muna baka gutom ka na."Sabi ni Chase. 

Umiling ako ayoko pang kumain, ang totoo parang sumakit ang tyan ko bigla. -.-

"Uhmm Chase, san ba cr nyo dito? " Tanong ko kay Chase.

"hmmm dito sa baba meron kaso baka madaming gumagamit, kung gusto mo umakyat ka na lang sa 2nd floor tapos kaliwa tapos yung pangatlong kwarto dun yung kwarto ko may cr don dun ka na lang. Gusto mo bang samahan kita papunta?" Alok ni Chase.

"Ha? " Sabi ko.

Sasagot pa sana si Chase kaso biglang may tumawag sa kanya.

"Chase!" Pagkalingon nya dito ay umalis na ako at tinahak ang daan papunta sa cr. Medyo sumasakit na talaga sya kaya medyo nagmamadali na akong pumunta sa cr ng kwarto ni Chase.

Twin LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon