#12 - BOOM CLAP!

80 3 1
                                    

-Tash-

"Opo uuwi agad ako bukas. "

"Ihahatid po ako ng mga kabanda ko."

"Ate naman ehh.. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Oo naman ate. Wala akong gagawing masamang ikahihiya mo"

"Opo... Opo.... "

"Bye."

Hayyy grabe mas strict pa si ate Cordy kesa kina mama. Bago naman ako pumayag na magovernight sa vacation house nila Dylan dito sa Tagaytay e nagpaalam na ko kay mama pero hindi kay ate, pumayag naman agad si mama pero nung nalaman ito ni Ate ngayon tinadtad ako ng missed calls kaya napilitan akong sagutin ito.

Dapat na ata talagang magkaboyfriend ang ate ko. Medyo nagiging ms Tapia na sya eh ,kailangan na talagang maging sila ni Sir Ren. Di bale kakausapin ko si Sir Ren sa Monday at handa akong gawin ang lahat para magung sila ni ate !!! .. Pero ngayon mageenjoy muna ako!!!' Diyosko ang ganda ng vacation house nila Dylan dito sa Tagaytay at may fireplace pa tapos sa terrace e overlooking sa Taal. Kasalukuyan kasi akong nasa terrace nun habang kausap si ate.

Nagsight-seeing muna ako at sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila Sky at Chase sa loob ng bahay. Ang alam ko lang si besplen e nasa may fireplace katabi si Dylan at parang nagaaway na naman.

Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang yun dahil minsan parang aso't pusa at minsan naman ay nagpapakacheesy. Pagpasok kasi sa terrace e andun ang fireplace kaya't dinig na dinig ko ang pagbabangayan nila.

"Sinabi ko na ngang kaya ko na! Ako na nga!" Sabi ni besplen kay Dylan.

"Oi last day ng pagiging slave mo ngayon kaya't sa ayaw mo at sa gusto inuutusan kitang ako na ang gagawa nyan! tabi!!" Dinig kong sagot ni Dylan.

Hay! Ang weird talaga ng dalawang yan. Natatawang umupo na lang ako sa duyan na pabilog na nanduduon din sa terrace nila Dylan. Magseselfie muna ako syempre hindi ko palalagpasin to noh!

*click*

Nagtaka naman ako bigla dahil pumopose pa lang ako sa harap ng cellphone ko e nadinig ko na ang tunog na parang nakuhanan ko na ang sarili ko.

Pffffffft.

Nabigla naman ako ng makita ko kung sino ang nasa pintuan ng terrace.

Ohwemgeeeee.

Ladies and gentlemen, Si Sky lang naman na hawak hawak ang cellphone nya at alam kong ako ang kinuhanan nya habang pumopose ako at nagseselfie.

"SKY CALLIX CRUZ!!!!! Burahin mo yan!!!!" Inis na tumayo ako at pinilit hablutin ang cellphone nya.

"Oi. oi. Oi. Anong ginagawa mo???" Tatawa-tawang sabi ni Sky at dahil hindi ko maabot ang cellphone nya e kiniliti ko sya.

"Oiii Protacia.... Hahaha... Teka nga.... Hahahahh" sabi nito habang nakataas pa din ang kaliwang kamay kung saan nandoon ang cellphone nya at ang kanan naman nitong kamay ang pinangpipigil sa dalawa kong kamay para wag syang kilitiin.

"Ayaw mong sumuko ah!!!! " hindi pa din ako tumigil at nabigla sya dahil nag piggy back ako sa kanya.

"Alis!! Pigtails ka talaga!! Ngayon nagpipiggy back ka naman sa kin!! Tatawagin na kitang piggy!!! " sabi nito at nagulat ako dahil nilapag nya ang cellphone nya sa duyan at hinawakan ako at biglang tumakbo papasok sa loob ng bahay habang nakapiggyback ako sa kanya.

" ibaba mo nga ako! Ang daya mo iniwan mo yung cellphone mo!!!" Sabi kong ngumangawa.

Nang madaanan namin sina Dylan at Shay ay saglit itong natigil sa pagaaway at nilabas pa ni Dylan ang cellphone para picturan kami.

Twin LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon