-Shay's POV -
Kitang kita ko ang gulat na expression ni Tash nung sabihin ko sa kanya kung bakit ko katabi nung umagang yun si Dylan. Kung hundi lang ako badtrip kay Dylan nun malamang natawa na ako sa itsura ni Tash.
Pano ba naman kasi literal na nakanganga sya, as in ganito...
:O
Pero maya-maya ang pagkagulat nya ay napalitan ng ganitong expression...
^______^
Okaaaayyy? Problema nitong si Tash?
"Bakit parang natutuwa ka pa sa kwento ko? " Sabi ko.
Oo nga pala andito kami ngayon sa library. Lunch time. May 40mins pa kasi kaming natitira dahil nga mabilis kaming kumain. E 1hr naman ang lunch break.
"Besplen I think may gusto sayo si Dylan!!!" Nagniningning pa ang mata ni Tash habang sinasabi nya yun.
Sa sinabi nyang yun ako naman ang literal na napanganga.
Mga 10 seconds bago ako nakapag react.
"He... He... He.... Ano ba yang sinasabi mo? " sabi ko sabay lipat ng pahina ng libro kong binabasa at hindi ko tuloy bigla naintindihan ang sinasabi ni Augustus kay Hazel.
Now reading: Fault in our stars by John Greene (share ko lang)
"Kasi parang gumagawa lang ng dahilan si Dylan para mas makasama ka nya eh! " Sabi ulit ni Tash. Hindi naman ito nagbabasa wala naman daw kasing manga dito. Sinasamahan nya lang ako dito.
Hindi ko alam kung napansin ni Tash pero bigla akong natense, parang biglang sumakit ang tyan ko. Pahamak na tyan to , ito din ang dahilan kung bakit nauutus utusan ako ngayon ni Dylan eh.
"Ano ka ba Tash, e pasaway lang talaga yun si Dylan wala lang mapagtripan yun kaya ako palagi ang nakikita. " Sabi kong sinara na ang binabasa kong libro. Nawala ang concentration ko.
Nagkibit-balikat naman si Tash.
"Sige na nga besplen sabi mo eh! "
"Basta wag kang maingay kay Sky ah pag sinabi mo yun sasabihin ko kay Sky na crush mo sya! " pagbabanta ko.
Νangamatis naman ang mukha ni Tash sabay binagsak ang ulo sa lamesa ng library.
Nahiya pa sa akin. Para namang hindi ko pa alam na crush nya kakambal ko.
>:)
===========
Hay salamat uwian na. Mauuna na akong umuwi dahil may practice pa daw ang The lovesick, syempre kasama na dun si Tash kaya ako lang ang magisang maglalakad papunta sa parking lot.
Nagvibrate naman bigla ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko, akala ko yung driver lang namin nagulat naman ako ng may isang unknown number na tumatawag sa akin.
Napakunot-noo naman ako. Sino kaya to?
Pagsagot ko ay nagulat ako ng may isang napakagandang boses ng lalaki ang nagsalita. Yun nga lang mukhang badtrip sya base sa tono ng boses nya.
"Asan ka?!?" Sabi nito.
Pano nakuha nito ni Dylan ang number ko???
"Pauwi na. Bakit?" Sabi kong kalmado pa din habang naglalakad pa din papunta sa parking lot.
"Pumunta ka dito sa garden sa rooftop!" Utos nito.
Psssssh! Anong problema nito? Uuwi na ako eh!
"Ehhh uuwi na ako. Ang dami ko pang gagawin sa bahay. " sabi kong nagpapalusot.
"Pag wala ka pa dito after 10minutes ipopost ko sa wall mo na inututan mo ko!! " sabi nitong tila nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Twin Love
Teen FictionShay is your typical nerd girl. Sky is your typical popular boy. But the twist is they are twins. What if Shay transferred to her brother's school? How will she cope up to the popularity of her brother who also have two handsome bandmates? Join Shay...