<ZERREN'S POV>
♫I have died everyday waiting for you ♪
♫ Darling don’t be afraid I have loved you ♪
♫ For a thousand years ♪
♫ I’ll love you for a thousand more♪
Haaay. Waley nanaman magawa dito sa bahay namin. Andito lang ako sa kwarto, nakahiga at nakikinig ng music sa ipod ko. Ang ganda talaga ng kantang to. A Thousand Years by Christina Perri. Nakakainlove, sobra. Actually, eto yung gusto kong kanta sa kasal ko eh. Hahaha. Oo, kasal na agad iniisip ko. Ganto talaga ko mag isip, advance. Eh kasi naman diba, binigyan na ko ni Neil ng singsing which serves as our couple ring. Syempre ano pa bang susunod don? Edi engangement ring na. Tapos? ALAM NA! Wedding ring na! Hahaha. Pasensya na talaga, at ganto ko. Alam ko kasing si Neil na talaga. Alam kong siya na yung taong papakasalan ko. Sana ganun din tingin niya. Sana winiwish nya din na sana ako na yung babaeng papakasalan niya. Magiging Mrs. Gutierrez na ko nun. Tapos nun, magkakaron kami ng Little Zerren o kaya naman Little Neil. O pag kambal either 2 Little Zerren or 2 Little Neil. Hahaha. >///< Hanobayeeen. Excited na tuloy ako magpakasal. Hahaha.
At dahil wala na kong maisip na dapat isipin, bigla kong naisip yung nakita ko kahapon. Yung kay Ever at Allen. Magkahawak sila ng kamay? Kala ko ba walang girlfriend si Allen. Pero baka naman kaibigan lang, tutal magkasama at magkasabay naman silang nag transfer sa section namin eh.
TEKA. O___O
MAGKASAMA at MAGKASABAY silang nag transfer sa section namin? MAGKASAMA?
OWW-EM. BAKIT HINDI KO NAALALA YON?!
Nakita ko na pala silang magkasama una palang. O_____O Sa field, magkasama... Magka--ha--lika--n.
Bakit di ko agad naisip yon nung sinasabi niya sakin na wala pa syang naging girlfriend?? Bakit... Nagsinungaling ba sya saken?!
TEKA.
Bakit ba ko galit na galit. May matching biglaang pag angat pa ko dito sa kama ko sa sobrang gulat. Ano naman kung nagka girlfriend na sya? Ano naman kung baka hindi ako yung una niyang dinala dun sa bay? Ano naman kung nagsinungaling sya? Ano naman kung nakita ko silang magka holding hands??
"AISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHH" ginulo ko yung buhok ko sa sobrang inis. Bakit ba ko naiinis? Ano bang pakialam ko sa kanila. Psh. Edi kung sila, edi sila. May Neil naman ako pero bait ba nagkakaganto ko. Urgh.
Tumayo ako at pinatay yung ilaw tapos binuhay ko naman yung lampshade sa may side table ko. Humiga na ulit ako sa kama at matutulog na. Mas okay ng matulog na ko kesa nag iisip ako ng mga ganto. Feeling ko tuloy pinagtataksilan ko si Neil. Huhu T^T Neil hindi, hindi kita pinagtataksilan. I love youuu. Hahaha. Kala mo naman naririnig nya. Hmp. Tinext ko nalang siya para kahit papano siya na yung maisip ko at maging maganda tulog ko.
To: Neil ♥
Hi Babe! Busy? Di mo ko masyadong natext ngayon ah. Hahaha. Pero okay lang. Alam ko namang mahal mo ko eh. :"> Matulog ka na ah? Wag na magpuyat. Goodnight! I love you. :* :* :*
Haaay. Ayan. Feel ko maya maya pa magrereply yang si Neil. Bukas ko nalang babasahin yung reply nya. Mejo inaantok nadin talaga ko eh. Kinuha ko na yung unan na lagi kong yakap yakap at natulog na. Pero nagtaka ko sa huling taong naisip ko bago ko tuluyang makatulog. Hindi si Neil...
Kundi si Allen...
************************
<ALLEN'S POV>
BINABASA MO ANG
It started with a deal ☺(16)
RomanceMasaya naman ako sakanya. Mahal nya ko at mahal ko din sya. Pero bakit ako pumayag sa isang deal? Sa isang deal na nagpagulo ng buhay ko at buhay ng ibang tao?