<ZERREN'S POV>
Nandito kami ngayon ni Ace sa classroom. Syempre Monday nanaman, pasukan nanaman. Haaay. Parang kahapon lang, Linggo. Ngayon, Monday na. Hahaha.
"Tol, alam mo ba may na meet akong gwapo kagabi!" Nag sspazz nanaman tong si Ace. Nakakita nanaman ng gwapo. Kaya masama tong makakita ng gwapo eh. Andaming nakikitang gwapo, pero hanggang ngayon wala pading nagiging matinong boyfriend. Puro playboy kasi napupunta sakanya. Kawawa naman tong Bespren ko. Haaay. Buti nalang ako, nakahanap na. Hehehe. >:] Gwapo na, mayaman pa! At higit sa lahat, mahal pa ko! Oha.
"Oh? San nanaman? Muka ka ng gwapo eh. Puro nalang gwapo bukambiig mo. Ay nako Ace ha, mamaya syotain mo nanaman agad yan, tapos play boy nanaman yan." sabi ko sakanya ng may pagbabanta.
"Ano ba yan Zerren. Wag mo na ngang ipaalala yang mga playboy na yan! Umagang umaga eh, naiimbyerna ko. Basta feel ko iba tong guy na to. Parang di nya ko lolokohin."
"Nako, nako. Yan din sinabi mo non. Pero anong nangyari? Niloko ka nilang lahat! Wag ka ngang nagpapadala sa gwapo Ace."
"Makapagsalita tong babaeng to kala mo di nagpadala sa gwapo. Hmp!" inis na sabi nya.
"Oy excuse me, hindi talaga no. Minahal ko talaga si Neil ng di lang dahil sa kagwapuhan nya." pagdedepensa ko naman. Syempre dapat kong depensahan ang Babe ko no! :P
"Nako Zerren, tigilan mo din ako. Porket nakasungkit ka na jan ah! Pero alam mo tol, proud ako sayo. After ilang years na pagiging single? Ilang taon ka na ba? 15? Oww-em. 15 years kang single? Nakaya mo yon? Over ka talaga. Hanga ko sa tibay mo. Di ka basta na tempt sa mga kagwapuhan at ka macho-han ng mga lalaki sa paligid natin. Dito palang sa room andami na agad oh. Dumagdag pa yang si Papa Allen."
"Ehem, Ace. Wag mo na ngang banggitin yang Allen na yan. Di naman sya ganon ka gwapo no."
"Asus! Utut mo blue! Eh nung una mo yang makita, may patitig effect ka pa eh, tas nagka Neil ka lang, di na agad gwapo?"
"Tsss. Oo naaa! Gwapo na. Ayan ka nanaman sa gwapo gwapo mo eh." Um-oo na lang ako sa sinabi ni Ace. Di ko kasi nakwento sakanya yung 'friendly date' namin ni Allen. Lalo na't boyfriend ko na tong si Neil, ayoko ng malaman nya. Mamaya sabihan pa ko nito ni Ace na nang tu-two time eh.
Bigla namang may pumasok sa room. Di naman talaga ko natingin pag may napasok pero di ko alam kung ano nagtulak sakin para tumingin sa may pinto nung time na yon. Si Allen yung pumasok at nasa likod niya si Ever. Napababa yung tingin ko sa kamay nila. Hawak hawak ni Allen si Ever. Pero nung nag meet yung mata namin, bigla naman niyang binitawan si Ever. Anong meron sa kanila? Sila ba? Pero sabi lang ni Allen nung sabado, wala pa siyang naging girlfriend ah? O baka naman kahapon lang naging sila? Grabe naman kung ganon.
Nagulat ako sa sunod kong nakita. Nang bitawan ni Allen si Ever, hinawakan uli ni Ever yung kamay ni Allen habang papaupo sila sa tabi ko. Remember diba? Seatmates kaming tatlo. Ang awkward talaga. Tumingin nalang ulit ako kay Ace at nakipag kwentuhan.
*flashback*
<ALLEN'S POV>
(Sunday Evening)
Nandito ko ngayon sa 711. WAla kasi akong magawa sa bahay. Tapos yung pagkain, paulit ulit nalang. Gusto kong tumikim ng bago kaya dito ko sa 711 napadpad at naghanap. Bumili nalang ako ng cup noodles at slurpee. Weird ko no? Mainit tas malamig. Cup noodles? Bihira sa bahay yan. Masyado kasing sosyal mga tao dun. Walang hilig sa ganito.
Binayaran ko na yung binili ko. Umupo nalang muna ko dito sa may side ng 711 kung san nandun yung pinakasalamin nung store. Kita ko yung mga taong nadaan sa labas.
BINABASA MO ANG
It started with a deal ☺(16)
RomantizmMasaya naman ako sakanya. Mahal nya ko at mahal ko din sya. Pero bakit ako pumayag sa isang deal? Sa isang deal na nagpagulo ng buhay ko at buhay ng ibang tao?