<ZERREN'S POV>
"Oh? Talaga? Eh kala ko ba blablablablabla?"
"Ano ka ba naman, ehh blablablabla nga."
"Eh bat sabi ni blablabla, blablablabla?"
"Ang kulit mo, eh blablablablabla"
Ang ingay nanaman dito sa room. Kahit Section A pa to, ubod pa din ng kaingayan ang mga studyante. Kala mo isang taon di nagkita mga tao eh. Eh kahapon lang naman, magkakasama sila. Parang napaka dami na nilang na miss na chika. Sabagay. Ganto din naman kami ni Ace. Nakikipagsabayan din kami sakanila. Syempre no! Di papatalo ang dalawang reyna ng chika! At kelangan, lagi kami ang may pinaka fresh na chika. Kaya halos lahat ng pinag uusapan nila dito eh, alam na namin. Napahinto lahat ng nagchichismisan ng biglang dumating si Ms. Aileen. Pero dahil busy kami ni Ace sa pag kkwentuhan, di namin sya napansin.
"Eh kasi nga Ace, ganto nga. Diba pina blablablaba? eh di blablablabla."
"Ha? Eh ang buong akala ko blablablabla tapos blablabla pala? Ang labo mo!"
"Ehem!"
"Sorry ah. Eh yun ang blablablabla ko eh."
"Kung sinabi mo kasi agad edi blablablablabla."
"EHEM!"
Napatingin naman kami ni Ace kay Ms. Aileen. Nagkatinginan muna kaming dalawa bago kami umayos ng upo. Kanina pa pala nandun si Ms. Aileen. Malay ba namin. Ang ganda ganda ng pagchichikahan namin at pagtatalo dito eh.
"Okay Class, Good Morning."
"Goooooooood MORning Ms. Aileen, WE'RE glad TO see you. MaBUhay." Halatang lahat eh tinatamad bumati sakanya. Pano ba naman kasi, tanghaling tapat ang klase nya. Tapos ubod pa sya ng sungit at mahilig magpa seatwork. Magkakasakit ata sya pag hindi sya nagpa seatwork eh. Ibang klaseng teacher to.
"Today, you'll meet your new classmates."
"Whhhaaaaat?"
"Ano daaawww?"
"Baket? Anong petsa na ah?"
"May nag transfer nanaman ba?"
"Classmate with an s? Ibig sabihin 2 or more?"
Madaming nagtaka at nabigla sa sinabi ni Ms. Aileen. Kaulat gulat nga naman kasi. Anong petsa na kaya. Halos kalagitnaan na ng July oh, tapos may bago padin kaming kaklase? Di kaya mahirapan syang mag catch up at makipag mingle samin? Halos lahat kami dito eh magkaka close na. Kawawa naman tong mga mag tatransfer dito. Pero infairness, matalino sila ah. Dito sila sa Section A napunta. Nagsalita na ulit si Ms. Aileen.
"Yung isa sakanila ay maaring na meet na ng iba sainyo. Kakatransfer nya lang dito lately. Actually, Section A talaga sya nakapasok pero sa Section B sya nagpalipat non, kasi kala nya mga tao dito eh yung mga hardcore mag aral. Pero nalaman nya na hindi pala kayo ganon. So nag-insist sya na i-transfer na ulet sya dito."
Bigla akong kinalabit ni Ace.
*kulbit kulbit*
"Ohh? Teka nakikinig ako sa description." inis kong sabi sakanya.
"Wait nga. Parang alam ko kasi kung sino yan eh."
"Ayan ka nanaman sa hula powers mo. Sige nga, sino?"
"Si All--" sasabihin nya na sana ng biglang banggitin ni Ms. Aileen yung pangalan nung isa sa bago naming kaklase.
"Mr. Allen Hector Dizon."
Bigla ako napatingin kay Ace at nanlaki yung mata ko. Hindi ako makapaniwala na magiging kaklase ko na tong lalaking to. (>.<) Eto namang mga babae sa paligid namin ay parang mga biik na nag squeal.
BINABASA MO ANG
It started with a deal ☺(16)
عاطفيةMasaya naman ako sakanya. Mahal nya ko at mahal ko din sya. Pero bakit ako pumayag sa isang deal? Sa isang deal na nagpagulo ng buhay ko at buhay ng ibang tao?