Chapter 14: You + I = Happiness

105 3 3
                                    

<ZERREN'S POV>

*zzzzzzzz* 

*zzzzzzzz*

*zzzzzzzz*

"Zerren! Uyyy. Zerren!"

"hmmpdfsdkfjsafmmm"

*zzzzzzzz*

*zzzzzzzz*

*kulbit kulbit*

"Zerren, ano ba? Gumising ka nga!"

"anobaaakjdskhrktrlkyhmmmmmmm"

"Ahh, ayaw mong gumising ha."

*KABLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGG!*

"AYY KALABAW MONG KALDERO!"

Napa angat naman agad yung ulo ko nang narinig ko yung nakakairitang ingay na yon. Mula on sa mala kalderong baunan nitong bestfriend ko. Nakakainis naman tong si Ace eh. Bakit ba ko ginigising nitong ulupong na to! Ansarap sarap ng tulog ko ehh. Dito na nga lang ako nakabawi ng tulog eh. Pano ba naman kasi kagabi, di ako makatulog ng matino. Alas tres na ng madaling araw, eh gising pa din ako. Bakit ko ba kasi iniisip yung nangyari nung isang araw?! Anak ng tofu naman ohh. Ano bang pakialam ko kung sila?! Pssshhh. Tapos di pa pumasok si Allen kahapon. Ang awkward tuloy. Wala kong katabi, tapos si Ever lang yung nandun. Di kami nag usap buong araw. Eto namang si Ace eh halos buong araw ding wala sa room. Nag room to room kahapon para sa announcements. Secretary kasi siya ng Student's Assembly, kaya madalas, busy din yang ulupong na yan. At syempre as expected, ang nangyari kahapon... Nagpanis ako ng  laway. Buong araw akong walang kausap. ulang nalang kausapin ko sarili ko eh, nang maging katulad na ko ni Sisa. T^T Haaay.

"Ace naman. Ano nanaman bang problema mo? Ha? Bakit ba nanggigising ka. Ang haba haba pa ng lunch time natin oh. Tsaka kung magyayaya ka lang kumain, diba sinabi ko na sayo na hindi ako kakain? Wala kong gana okay? Kaya please lang, matutulog muna ko."

Bigla naman niya kong binatukan.

*BUGGGSHHH*

"Aray ko naman Ace! Ano ba kasing trip mo ha?"

"Ehem, Mrs. Gutierrez, your husband is waiting at the door. Please fix yourself immediately. Thank you."

Tumingin naman ako sa may pinto at nandun si Neil,  hinhintay nga ako gaya ng sabi ni Ace. Nakangiti siya sa akin at pinapalapit niya ko sakanya. Haaay. Nakaka inlove talaga tong ngiti ni Neil. Para akong nasa cloud 9 pag nakikita ko yung ngiti niya.>///<

Naglakad na ko papalapit sa pinto para salubungin ang 'asawa' ko. Wow lang diba. Parang papunta na ko sa altar at naghihintay na ang soon-to-be-husband ko. Hahaha. Woo. Sarap mangarap. Pero sana nga, siya na ang lalaking mag aabang sakin sa altar.

Nung nasa harap niya na ko, tatanungin ko na sana siya kung bakit siya pumunta sa room pero nabigla naman ako nang bigla niya kong yakapin. 

"Ahh-hh, Babe? Anong meron?"

"Wala naman Babe! Namiss lang kita."

"Ang weird Babe ha, ilang araw ba tayo di nagkita? Hahaha."

"Di naman araw. Oras lang. Wala lang. Alam mo naman na pag di kita kasama, namimiss kita agad."

Bigla naman akong namula at napayuko sa sinabi niya. Ano ba naman yan Neil. Kailangan talaga magsabi ng mga sweet na salita? Parang nililigawan niya padin ako. Haaay. >////<

"Naman Babe eh. Ehh, bakit ka nga ba nandito?"

"Ahh, kasi.. Teka Babe, bakit ganyan yung mata mo?? Bakit parang namumugto. Umiyak ka ba? May nangyari ba? Sabihin mo Babe! Sino nagpaiyak sayo??"

It started with a deal ☺(16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon