"HAAAAAY BUHAAAAY! PARANG LIFE" sigaw ko sa kwarto pagkadating ko sa bahay. Monday palang pagod na pagod na ko. Grabe naman. Apat na araw pa bago ulet ako makapagpahinga. Hirap buhay estudyante. Ma-agaaga akong umuwi ngayon. Wala ko sa mood para samahan si Ace sa mall. Pagod na pagod kasi ako. Hindi ko naman alam kung baket.
*gruuuuu~ gruuu~*
Umaatake nanaman ang borborygmus sa tiyan ko. (borborygmus- tunog ng tiyan pag nagugutom) Oo nga pala. Di ako kumain ng meryenda kanina. Andami naman kasing ginagawa. Pati break time nagamit ko na sa pag gawa ng kung ano ano. Tong mga teacher ko, walang patawad. Pangalawang buwan palang ng klase ehh, andami ng demands.
"Makababa nga muna." sabi ko sa sarili ko.
Bubuksan ko na yung pinto ng mag ring yung cellphone ko sa bag.
♫And who do you think you are?♪
♫Runnin' 'round leaving scars♪
♫Collecting your jar of hearts♪
♫And tearing love apart♪
♫You're gonna catch a cold♪
♫From the ice inside your soul♪
♫So don't come back for me♪
♫Who do you think you are? ♪
Ansaveeeeeeehhhhhh ng ringtone ko? Napaka-emo. Hahahaha. Uso eh. Nakiki-uso lang ako.
Calling : 0915*******
"Sino naman to?" napaisip ako. Pero sinagot ko na din.
"Hello?"
"Hi!"
"Sino po sila?"
"Sila? Isa lang po ako."
Aba. Lokong caller to ha. Natatanong ako ng maayos dito ah. "Ehem. Kung hindi ka makikipag usap ng maayos, at wala kang balak magpakilala, eh mawalang galang na, i-eend ko na tong call na to!"
"Chill ka lang! Eto na. Magpapakilala na po. Si Allen to."
"Allen? Sino namang Allen? Allen Iverson?" mejo inis kong tanong sakanya. Pano ba naman kasi, ayaw sabihin agad kung sino sya. Allen, Allen. Wala naman akong kil--. Teka. Allen? O__O Yung kanina? Teka panong..
"Allen.Hector.Dizon. po. Yung transferee. Yung gwapong na meet mo kanina."
Aba. Ang yabang naman neto. Kailangang sabihin na "yung gwapong na meet mo kanina." Hmp. Pero, totoo naman. Oo nga, gwapo sya. Pero di na nya kailangan ipagmalaki no!
"Ahh. Yun ba. Nalimutan ko kasi eh. Napatawag ka? Tsaka pano mo nalaman number ko?"
"Ahh ano wala lang. Gusto ko lang makipag kwentuhan sayo. Ano, nakuha ko dun sa kaibigan mo. Si Ace ba yun? Nakasalubong ko kasi sya bago mag uwian. Gusto ko din kasing kamustahin yung sugat mo."
"Ahh. Okay lang naman yung sugat ko. Di na sya masyadong masakit." Grabe naman tong lalaking to. Ganun ba talaga sya ka concerned sa sugat ko? Hiningi pa number ko para lang kamustahin ako.
"Ohh. Mabuti naman. Haha"
"Wala ka na bang sasabihin? Kakain pa kasi ako eh."
"Hmm. Wala na naman. Kinamusta lang kita. Sige. Kain ka na. Pakabusog ka ah."
Wow ah. Syota? Maka asta sya oh. "Ah sge, salamat. Bye"
<ALLEN'S POV>
"Ah sge, salamat. Bye"
*toot* *toot* *toot*
Haaay. Wala ba talaga syang gana pag ako yung kausap nya? Wala man lang ba syang balak i entertain ako? Yung gwapo na nga nagpapakilala sakanya oh. Anlaki ng problema nitong babaeng to. Makikita mo, papansinin mo din ako. At magiging akin ka din...
BINABASA MO ANG
It started with a deal ☺(16)
Storie d'amoreMasaya naman ako sakanya. Mahal nya ko at mahal ko din sya. Pero bakit ako pumayag sa isang deal? Sa isang deal na nagpagulo ng buhay ko at buhay ng ibang tao?