Aling Karmiluhh, ang sakit po.

66 6 5
                                    

Aling Karmiluhh, ang sakit po.

Masakit parin ba ang pasa na iniwan sayo ng kaibigan mo nung hindi mo sya pinautang? 

Buwahahaaha. Joke lang. Ito na talaga.

Masakit parin ba ang sugat na iniwan ng iyong sinisinta? Isa lang ang solusyon dyan. Move on ka na teh! Di pa end of the world pag nawala sya.

So bakit nga ba tayo nabobroken hearted?

Hay. Love segment nanaman itu -,-

Una. Ito ang karaniwang problema. Siguro nuknukan ka ng feeler. Napatingin lang sayo, may crush na agad sayo? Wow ha. Ikaw na. Dinaig mo pa si Rapunzel sa pahabaan ng hair. Manalamin muna. Tignan kung may kalyo ang mukha. makapal na ihhh. HAHAHard. xD

Pangalawa. Pinaasa ka nya. Yan na nga po ang problema. Alam ko namang mahal na mahal mo sya dahil baby, babe, bebe, bhe, bente kwatro mo sya. Pero, dapat wag mo muna masyadong seryosohin yang love na yan! Dahil pag nasaktan ka, boom boom pow na yan teh. Tsaka kung kasing age kita, bawal pa yan sayo. Masasaktan ka lang. It is better to prevent than cure. At tsaka ung mga napapaasa dyan. nakooo. Sana kayoy mabulunan ngayon din!!

Pangatlo. Taken na sya. Awww better luck next time hunny. Hindi advisable na landiin mo sya. Litsi. Wag magGalema. Katulad nga ng sinabi ko sa nauna kong note, ang relasyong nagsimula sa landiaan, matatapos din sa kalandian. Tsaka maawa ka naman sa karelasyon nya. Nagmamahalan ung dalwa. wag mo nang gambalain. Yaan mo magbebreak din yan. Tiwala lang xD

Pangapat. Taken ka na. Aba inday. Hinay hinay. Wag kang mangangaliwa. Wag kang maging unfair sa loyal na taong nagmamahal sayo. Kasalanan mo rin yan. Kung nagintay ka pa ng konti, edi nakapamili ka ng ayos. Hindi ung karakarakang sagot ka na agad ng sagot. Desperada sa lalake? Uhhh. Total turn off. PS. Nakakaturn off ung linggo linggo, ibat iba ung baby mo. Gasgas na yang CS na yan!

Panglima. Nagbreak kayo. Wag kang sisi nang sisi sa iba. Tignan mo yang sarili mo. Baka ikaw na rin ung may pagkukulang. Hindi sa materyal na bagay. Kundi sa pagbibigay at pagpapakita ng affection mo sa kanya. 

Panganim. Nabibitter po tayo. Nakupuuu. Ayan ang common problem sa lipunan. Biterness. Nyeta. Hindi makamove on. Simple lang yan. Isipin mo nalang na ayaw na nya sayo. Tanggapin mo nalang na wala na talagang paraan para maayos ang mga pangyayari. Pag patuloy pa ninyong ipaglalaban ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan, masasaktan ka lang. Believe me. At kung magpapakabitter ka dyan, walang mangyayari sa buhay mo. Nganga ka nalang forevs. May 7billion pa dyang tayo na mas nakahihigit sa kanya. 

Pangpito, ginawa kang panakip butas. So sad. Pag mas pangit ung babae sayo, matuwa ka. HAHAHAHA. Pero pag mas maganda... Alam na this. Move on. (wala akong maipayo)

Panghuli. Magkaiba kayo ng clique. Langit sya kutong lups ka. Maybe magpaimprove ka para sa kanya. Kung medyo boplocks ka sa Math, at magaling sya dun, gawin mo syang inspirasyon para gumaling ka din. Kung hendsem sya, paganda ka rin. Try mo magsuklay at magpulbo. Wag lang masyadong magpulbo. Para kang nak Asagasa ng harina nyan! XD Pero wag mo namang babaguhin ang sarili mo completely. Just try to improve it. At, ang nakatadhana talagang sayong guy eh, tatanggapin ka maging sino ka man. Charrr!! Kaw na teh! Haba hair mo xD

Marami pag dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Kaso di ko na kayang pumindot sa phone ko. Hahaha.

May gusto kang topic?Comment below  

Follow me on ig. @karmiluhhh.

Salamat!!!:)

Trip ko lang po kayong i-tag sa note. xD

Thoughts.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon