Ampalaya ka ba talaga para maging ganyan kabitter?
Pero, masakit nga naming masaktan. Lalo na yung emotional pain.
Masakit umasa. <///3
Masakit maging panakip butas. <///3
Masakit mabusted. <///3
Masakit maging ampalaya.
Pero, kung nasaktan ka na nya, sasaktan mo pa ba ang sarili mo sa pagiging bitter mo?
Kung lalo mo pang hahalungkatin ang nagging past, and tragic love story nyo, doble dagok yun sa puso mo.
Walang mairereseta na gamot ang mga doctor sa pagiging t*nga.
Ang kailangan mo dyan move-on.
So paano makamove on?
UNA. Acceptance.
Sabi nga ni Katy Perry sa kanyang new hit single na Unconditionally, which is my favorite song right now, Acceptance is the key to be truly free. Hindi naman kasi talaga lahat ng taong mamahalin mo, mamahalin ka pabalik. You must accept the fact na nagkataong dupang ang minahal mo. Hindi marunong makuntento sa lahat ng efforts na binibigay mo. Hindi marunong makuntento sa isa lang ang babaeng hinuhuthutan -_- Pero pag minsan, tignan mo rin ung sarili mo kung nagging mabuti ka bang partner or whatsoever. Baka naman kasi DOTA ka nang DOTA kaya nagsawa na sayo yung syota mo.
PANGALAWA. Mag-ayos.
Magpaganda/magpapogi.
Magparebooooond. Magpablooming. Wag yung dahil nagbreak lang kayo, nagpakalosyang ka na agad. Lalong maiisip ng EX mo na tama lang na naghiwalay kayo. Paganda/papogi ka. Kung dati uhugin ka pa, ngayon may tissue ka na! *wuhley* Let your EX know his/her lost.
PANGATLO. Iwasan ang mga bagay bagay na makakapagpaalala sayo ng kahit ano tungkol sa ex mo.
Syempre kaya ka nga nagmomove on diba. Para makalimot. At pag nakalimot ka, makakalaya ka na. Kung patuloy mong babalikan ung mga conversations nyo, walang mangyayari. Magse-senti ka nanaman sa loob ng kwarto mo at makikinig sa mga emo songs -_- Dat tulungan mo rin sarili mong makamove on. Itago mo na lahat or sunugin mo na rin lahat ng memories nyo. Pictures. Stuff toys. Love letters(kung uso yun sayo). At kahit ano pa.
PANGAPAT. Hang-out.
Hang-out with friends. Not with your rebound. Uso kasi ngayon ung pagnabroken hearted, hahanap ng rebound. Di na nakonsensya eh no. Wag nang idamay ang ibang tao sa problema nyo. Kanyakanya to. Back to the topic, hang-out with friends. Go watch some movies. Yun namang masasayang movies. Hindi ung pangsenti. Magi-emo ka nanaman! Mag-WOF. Mag-quantum. Mag-DOTA. Mag-Babyran. Mamasyal. Magshopping atbp. Wag kang magkulong sa bahay. Nganga portion ang peg?
PANGLIMA. New Year <3
Isabay sa pagbabago ng taon ang pagmumove on. Wag igaya ang pagmumove on sa height kong di na nausad. Mag lagay sa new year’s resolution ng: I will make myself better. Iinhale lahat ng sakit ngayon para pag dumating na ang Augustus Waters mo (fan ako ni John Green) eh you know your move. :D
Thankssss.
Happy New Year guys. Mwa :* :)
~Karmila <3
Follow me on ig! karmiluhh
