Prologue

5.7K 57 1
                                    

[ White Heaven's Club]

"Lance, nakikita mo ba yun? Kanina pa yan nakatingin sayo eh. Lapitan mo na, mukhang mayaman oh!"

Luminga si Lance sa kanan para makita ang nginunguso ng kaibigan.

At di na siya nagitla, kumaway ito sa kanya at nag flying kiss. Kahit madilim sa club at patay sindi ang mga ilaw ay malinaw niyang nakikita sa di kalayuan ito, halatang nag wig ito ng blonde at may katabaan, mukhang trying hard at makapal ang kolorete sa mukha na nagmistulang clown.

Sa gabing to, pwede ng pagtiyagaan.

Dahan dahang lumapit si Lance at umupo sa tabi nito.

"Martini please." baling niya sa bartender at sumunod naman ito. Mula sa peripheral vision ay alam niyang nakatingin to sa kanya.

"Hi pogi."

"Oh hi!" kunyaring pagkakaila nito. Ngumiti si Lance dahil alam na niya kung san hahantong ang gabing ito.

"I'm Dianne." pakilala nito.

"I'm Lance. You're gorgeous!" wika ni Lance habang minamasahe ang mga hita nito. Alam niyang magiging matagumpay na naman ito.

    ******************************

[Greenstone Subdivision]

"Ang gwapo niya Emmy! At ang sarap sarap pa, kung alam mo lang....ang mga titig niya, nakakapaso!"

Napailing na lang si Emmy sa tinuran ng bestfriend ng mommy niya. Si Dominic, bakla ito. Kasulukuyan nitong niyayakap at pinipisil ang unan at gigil na gigil.

Alam ni Emmy na nagpupupunta ito sa mga clubs at uuwing may kasamang call boy. Nagpunta ito sa bagong bukas na club kagabi, ang BlackRoses Club.

"Babalik ako ulit dun para maging dyowa ko na si papa!"

muling napailing si Emmy.

"Pero pineperahan lang po kayo nun, Tito.." pangangatwiran ni Emmy, binaba nito ang unan at hinarap siya.

"Di bale na yun! Ganun talaga pag buhay bakla eh, binabayaran ko siya kapalit ng panandaliang aliw na ginagawa niya sakin, edi quits lang kami! kaw talagang bata ka, masyado ka pang inosente talaga!"

ngumiti na lang si Emmy at nagpatuloy sa pagsuklay.

"Dapat siguro iha, manood ka na ng porn para magka muwang muwang din yang utak mo!"

Naging parang tito na niya ito kung ituring at kung maririnig ito ng mommy niya ay magagalit ito sa kaibigan niya.

"Ambastos naman nun Tito! Sssh, Baka marinig kayo ni mommy, magagalit yun! hahaha!"

"Ssssshh! wag kang maingay!" saway nito.

Lumabas ang Tito Dominic niya at sinundan niya ito habang pigil-tawa.

------------

Accept Me, Emmy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon